CHAPTER 63 ( HILING )

14.6K 132 29
                                    

PJ's POV. . .

I DON'T WANT TO BE SELFISH FOR I WILL STILL GET THE SAME AMOUNT OF PAIN THOUGH. BEING SELFLESS MIGHT BE DIFFICULT BUT IT WILL HELP ME EASE MY BURDENS. I LOVE YOU MORE. . BUT I NEED TO DO THIS. I'M SORRY.

Ilang araw ko nang paulit ulit binabasa yung note na iniwan ni Thea pero hindi padin nag sisink in sakin kung anong gusto nyang mangyari. Hindi ko sya ma contact at hindi ko din alam kung nasaan sya.

Ganon nalang ba yun?. .

Sumuko na sya?. .

Tinatama ko naman diba?. .

Pananagutan ko yung bata dahil ako yung ama non. .

At pakakasalan ko sya dahil sya yung mahal ko.

Pero nasaan na sya ngayon?. .

Bakit bigla nalang syang nag laho. .

Ilang araw na akong nag mamakaawa kay Carla para sabihin sa akin kung nasaan si Thea pero maski sya ay hindi rin alam kung nasaan si Thea. .

Hindi ko nilalock yung gate at pinto sa bahay namin dahil baka umuwi sya at alam kong wala syang susi pero walang Thea na dumadating. .

Ang sakit. Ang sakit palang talikudan ka nalang basta ng taong mahal mo. Ang sakit pala nung sumuko nalang sya bigla.

Pero kahit sumuko na sya hindi ako susuko.. . Hahanapin ko sya at mag papakasal padin  kami.

**************************

Ngayon yung launch ng album namin at napag isipan kong ngayon nadin ako mag papaalam sa banda ko at sa mga fans namin. I gigive up ko na yung banda ko mahanap ko lang si Thea. I gigive up ko lahat mabuhay lang kami ng tahimik.

Yung kami lang dalawa at magiging pamilya namin.

“Pre sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo?” -Paolo

“Oo pre. . “

“Pwede ka namang mag leave nalang muna pre eh. .wag mo nalang iwan yung banda.” -Patrick

“Nakapag desisyon na ko. At iaannounce ko na yun mamaya. Gusto ko lang ng tahimik na buhay.”

“Pre nandito lang kami lagi, kung ano man maging desisyon mo kahit hindi mo na kami kabanda mga kaibigan mo padin kami ha. “ -Dave

“Oo pre wag mong solohin lahat ng problema mo ha. . Mahirap yan.” -Drew

How will I fall in love with you? [COMPLETED] SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon