Clementine's POV
Napagkasunduan namin na madaling araw kami ba-byahe papuntang Polillo island. Ang sabi nila mahabang drive daw yun then kailangan pang isakay nung van sa barko. Kaya ito kami hinihintay lumabas si Lilith mula sa condo niya, siya kasi ang huli naming sinundo.
"Pa-importante talaga ang babaeng yun."Naiinip na nasabi ni Miles, natawa naman si Lia. These past few days nagkakasundo na ang dalawang to. Hindi naman nagsalita ang mga lalake dahil mga bagsak pa.
"Two weeks lang tayo dun diba?"Biglang tanong ni Miles, tumango naman si Lia.
"Eh bakit mukhang dun na titira ang babaeng yan?"Turo niya sa labas ng bintana. Napatingin naman kami at kahit ako nahirapan sa pagpigil ng tawa dahil sa dalawang maletang dala ni Lilith.
Pinagbuksan siya ng pinto nung driver at mabilis namang umayos yung dalawa.
"Hi guys!"Bati ni Lilith pagbukas ng pinto. Napatingin siya kay Damien na nakaupo at nakasandal sa balikat ko. Pagsakay na pagsakay kasi nito natulog agad.
"Hii!!"Plastic na sabi nung dalawa. Ngumiti naman ako sa kanya at naupo na siya sa row sa harap namin.
Wala siyang katabi dun...tapos sa harap niya ay si Lester at Katsumi then sa tabi ng driver ay si Seth.
Sa likod naman namin ni Damien ay si Marco at Miles hanggang sa last row ay si Lia at JC.
"Manong, daan po muna tayo sa convenience store para makabili ng baon sa byahe."Tumango lang naman yung driver.
Natahimik kami sandali hanggang sa magtanong na naman si Miles.
"Clem, bakit ba kasi hindi na lang natin ginamit yung private plane mo o nung kay Dame?"Tanong nito. Umiling naman ako.
"Gusto kong ma-experience ehh..Minsan lang naman toh and if ever na mahirapan tayo then kapag pauwi magpapasundo tayo."Sagot ko sa kanya.
Nagsuksok na ako ng headphones dahil na rin sa nakaramdam ako ng antok,nararamdaman ko ang mga sulyap sa amin ni Lilith mula sa bintana. Hindi ko na lang yun pinansin at sumandal sa ulo ni Dee. We became closer mula nang magpunta ako sa office niya aaminin ko yun, walang tigil na-asar na nga ang natatanggap namin sa barkada pero hindi namin sila napapansin.
Hindi ko alam kung anong nagbago, but I just let it be. Go with the flow lang, pero ngayon mukhang kailangan kong dumistansya lalo na at nandiyan si Lilith. Hindi naman ako inconsiderate alam kong may nararamdaman pa rin ito para kay Dee and ayokong maki-alam tungkol dun.
Pero mukhang si Dee naman ang wala ng pake dahil nung maramdaman niya akong sumandal dumilat siya at umupo ng maayos. Nilibot niya ang paningin sa van at napansin si Lilith na nakatingin sa kanya, tinanguan niya lang ito at pinasandal ang ulo ko sa balikat niya.
Nakita kong sinundan ng tingin ni Lilith ang ginagawa ni Dee at nawala ang ngiti nung makita ang ginawa niya. Narinig ko pa ang mahinang pagbungisngis nila Lia sa likod.
"Sleep."Bulong niya sa akin pero umiling lang ako. Hindi ko naman tinanggal ang pagkakasandal ko sa kanya.
"Dadaan pa tayo sa convenience para bumili ng baon."Sagot ko
"Ako na lang bibili para sa atin, you need gatorade right?"Tumango na lang ako at pumikit na. Alam niya naman anong mga kinakain ko.
**********
Nagising ako ng maramdaman kong may marahan na tumatapik sa pisngi ko.
"Cee,gising ka muna para kumain. Pwede daw tayong bumaba."Dahan-dahan akong dumilat at bumungad sa akin ang mukha ni Dee.
"Hey, lumabas na sila. Papatayin daw muna kasi ang makina."Tumango ako at umupo ng maayos.
"Yeah okay, tara sunod tayo."Tumango naman siya at inalalayan ako pababa ng van. Nakita namin sila dun sa may deck, ang daming tao and atleast dito walang nakakakilala sa amin. Kung meron man wala namang nanggugulo.
Kung ano-ano na lang ang pinag-usapan namin sa buong biyahe, catching up. Halos hindi na nga kami natulog eh and alam kong the whole time pinapanood kami ni Lilith lalo na si Adam sa mga galaw namin.
I don't know what she's thinking right now, but alam kong ayoko sa drama. Sawa na ko sa ganun.
=============================================
A/N:The multimedia kunyari sa Polillo na lang yan at hindi sa Balesin hahaha..
BINABASA MO ANG
Just a cheerleader(K.N)
FanfictionI'm Clementine,the perfect girl ang babaeng puro kaartehan lang ang alam.Nagmahal lang naman ako ng lubos but why did he do that to me? Bakit niya ako sinaktan? His reason? Because I was Just A CHEERLEADER. Started: JULY 2016 End: JULY 2017