Clementine's POV
May kanya-kanya kaming room dito sa resort pagdating naming kaninang madaling araw napagkasunduan na muna naming magpahinga dahil na rin sa pagod sa biyahe. Hindi naman ako makatulog siguro dahil ako ang may pinakamahabng tulog sa amin kaya napagdesisyunan kong lumabas na muna para magtampisaw.
Tinanggal ko ang sarong ko at dahan-dahang naglakad sa dagat. Wala pang masyadong tao halos lahat abala pa sa pagkain ng almusal nila. Nakatingin lang ako sa langit, pero hindi ko alam kung anong hinahanap ko.
Halos mapatalon naman ako ng biglang may pumatong na kamy sa balikat ko. I heard his chuckle bago ko pa makita ang mukha niya. Hinampas ko siya sa braso.
"Nakakainis ka, bigla bigla ka na lang manghahawak diyan. Nakakagulat kaya!"Naiinis kong sabi pero tinawanan niya lang ako. Hindi ko na lang siya pinansin at lumayo sa kanya. Lumangoy ako palayo pero naririnig ko naman siyang nakasunod sa akin.
"Hey,masyado ng malalim diyan!Baka kung anong mangyari sayo!"Sigaw niya at lumapit sa akin. Hinapit niya ako sa bewang kaya napahawak ako sa dibdib niya.
"Dee, magaling na akong lumangoy. I was a swimmer in the states."Natahimik naman siya. Lahat ng pagkukulang ko dati sinubukan kong punan para wala ng maisumbat ang iba sa akin.
"You never know."Sagot na lang niya. Natahimik na kami pagkatapos nun pero hindi naman siya bumitaw.
"I think its time for us to go back. Maya-maya magigising na ang mga yun. Baka hanapin pa tayo."Pagbasag ko sa katahimikan. Tumango naman siya at inalalayan ako papunta sa dalampasigan.
Inabot niya sa akin ang sarong ko at tahimik kaming naglakad pabalik. Pero nakasalubong na namin sila on the way. Nakita ko ang gulat sa mata ni Lilith pero ang barkada passive lang ang expression.
"We were looking for you. Tara breakfast."Yaya ni Lilith at natahimik naman kaming lahat sandali bago bumalik sa kanya-kanyang usapan. Hinila naman ako ni Miles at Lia kaya napalayo ako kay Damien.
"Uy ano yun. Bakit kayo magkasama? Muling ibalik na ba ang drama natin."Asar ni Miles sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin bago napailing na lang.
"Loka ka talaga. Wala yun, nakita niya lang ako na nagtatampisaw kanina."Depensa ko pero nag-ngisian lang ang dalawa.
Nagtatawanan kami habang almusal habang si Lilith tahimik lang. Hindi rin naman nakaligtas ang mga tingin ni Damien sa akin pero ngingitian ko lang siya.
I'm gonna try to stay away from him a bit, habang hindi pa nila naayos ang gulo nilang dalawa. I don't want to be caught between them.
Damien's POV
"Pre, subukan mo naman wag magpahalata."Napatingin ako kay Lester ng bigla siyang magsalita.
"Ano?"Naiirita kong tanong sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Napatingin naman ako kanila Seth na umupo na rin malapit sa akin.
"Kalma, halos patayin mo na lahat ng kalalakihan dito na mahagip lang ang mga mata kay Clem."Napailing na lang ako sa mga sinasabi nila.
"Pero pre, aminin niyo nung umalis hot na si Clem pero ngayon nasobrahan na ata mas lalong gumanda at naging hot."Sinamaan ko silang lahat ng tingin.
"Subukan niyo lang manyakin si Cee. At pwede ba umayos nga kayo may girlfriend na kayo." Nagtawanan na naman sila.
"Galaw galaw rin kasi pre, baka maunahan ka pa.Balita ko wala na daw sila nung boyfriend niya ah."Sabi sa akin ni Marco pero hindi ko na sila pinansin at tumayo.
Pumunta ako sa may bar at umorder ng orange juice. Napatingin ako ng biglang may pumulupot sa braso ko.
"Stop that, bitawan mo ko."Inalis ko ang hawak sa akin ni Lilith at iniwan siya dun pagkakuha ko sa juice ko.
"Wait Damien! Can we talk?"Pigil niya sa akin. Tumigil ako at hinarap siya.
"What about?"Tanong ko
"About us"Kumunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya.
"Wala nang tayo. Its been three months since I broke up with you, ikaw lang ang nagsusumiksik sa sarili mo. I don't know why you even went to this trip. In the first place alam mong hindi ako seryoso sa kung ano man tayo noon"Pagkatapos kong sabihin yun iniwan ko na siya.
I know I was harsh back there, but ang ayoko sa lahat ay ang makulit. Bago pa lang ang arrangement namin noon alam niya na na hindi ako nagtatagal sa iisang babae. I was just looking for fun. Pero ito at nagpupumilit siya.
Iisang tao lang ang sineryoso ko at seseryosohin ko, pero sa ngayon makukuntento na muna ako. Malapit na, mababawi ko na rin siya.
Mabilis akong naglakad palapit kay Cee ng mikata kong pilit siyang nagpupumglas sa hawak nung lalake sa kanya. Mag-isa na ang siya at nawala sila Seth.
"Wag mo pa siyang bitawan, sa basurahan ka pupulutin makikita mo."Banta ko sa mukhang tsonggo na may hawak sa kanya.
Mabilis naman itong bumitaw ng makilala ako, hinila ko naman si Clementine papunta sa likod ng resort na to kung saan walang mga tao.
Binitiwan ko siya at sinamaan ng tingin.
==========================================
A/N:Hanggang dito na muna, wait for the next chapter to find out anong mangyayari.
Votes and comment po ulit..
~All the love
BINABASA MO ANG
Just a cheerleader(K.N)
ФанфикI'm Clementine,the perfect girl ang babaeng puro kaartehan lang ang alam.Nagmahal lang naman ako ng lubos but why did he do that to me? Bakit niya ako sinaktan? His reason? Because I was Just A CHEERLEADER. Started: JULY 2016 End: JULY 2017