Chapter Forty Four

2.2K 46 6
                                    

This update will be longer than usual...


*After two years*


Clementine's POV

Maaga akong gumising dahil tatakasan ko na naman si Dee. In two years bumili kaming dalawa ng condo kung saan madalas kami nagsta-stay. Pero paminsan minsan ay umuuwi ako sa bahay. Ngayon nandito ako sa condo at dahil ayaw kong ipaalam sa kanya ang lakad ko tahimik akong naghahanda paalis.

Paglabas ko ng unit tsaka lang ako nakahinga ng maluwag, wooh! Success!


Nagdrive na ako, medyo malayo ang facility na yun kaya minsan lang ako nakakadalaw dahil baka mapansin ni Damien na nawawala ako.

Ng makarating ako, nakangiti na agad sa akin yung babae sa visitor's office.


"Kanina ka pa niya hinihintay." Tumango lang ako at ngumiti bago tinanggap yung pass na inabot niya.


Kahit ilang beses ko ng ginawa to, may kaba pa rin akong nararamdaman habang naglalakad sa kwarto niya. Pumasok ako sa isang simpleng kwarto, nakita ko siyang nakaupo sa kama niya at nanonood ng tv.

Sa loob ng kwarto niya may sofa sa gilid, may ref, kama at tv. Wala ka ng iba pang makikita...


"Lilith..." Napatingin siya sa akin ng tawagin ko ang pangalan niya. Ng makita niya ako ay napangiti agad siya.


After a year ng makulong siya they decided to move her in a mental facility para mas matingnan pa siya, at dahil na rin sa nangyari sa kanya hindi na nagpaparamdam ang pamilya niya. Parang wala na itong pakialam sa kanya.  Kaya ng malaman ko to ako na ang nagbayad sa mga kailangan niya of course hindi alam ni Dee ito dahil sigurado akong magagalit lang ito.

Noong simula, noong bago ko pa lang siyang binibisita lagi lang itong umiiyak at humihingi ng sorry tuwing nakikita niya ako. But now she's making progress dahil ngumingiti na ito pero hindi niya pa rin ako kinakausap.


"How are you? Hindi ako makakapagtagal ngayon ha? Dahil ang akala ni Dame ay nasa company na ako. Once na magising yun siguradong tatawag na yun at kapag hindi ko nasagot magtataka na naman yun." Pagkwekwento ko kahit na wala naman akong sagot na makukuha.

"Yung lalakeng yun hindi pa rin nagbabago, lagi pa ring paranoid. Minsan nga maiisip mong walang inaasikaso na company yun eh dahil lagging nasa tabi ko. Ako ang natatakot para sa kanya eh, dahil baka mapabayaan niya ang negosyo niya." Pagtutuloy ko sa kwento. Tumingin ulit siya sa akin kaya akala ko magsasalita na siya, pero tumitig lang ito.


"Hayaan mo soon susubukan kong kombinsihin siya na sumama sa akin kapag dumalaw ako sayo. I'm sure gusto mo na rin siyang makita." Hindi koi ne-expect na magsasalia siya..

" I knew Dame was like that pagdating sayo. Wala siyang pakialam sa paligid niya ang importante ay ikaw lang. Hindi niya aalisin ang tingin niya sayo. I knew that from the start kaya nga hindi ko alam kung bakit pinagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kanya. I saw the way he looked at you at that reunion party, katabi niya ako pero sayo lang siya nakatingin the whole night. Ako naman itong si baliw kung ano anong kahayupan pa ang ginawa. Clementine I'm really sorry sa ginawa ko sayo noon, I know that it's not enough pero sana pagdating ng panahon mapatawad niyo ako. Dahil sa ginawa ko hindi ko alam kung anong mawawala sa akin. And I'm really sorry dahil sinubukan kong alisin ang buhay ni Damien which is you." Nakatitig lang ako sa kanya habang nanlalaki ang mata, gulat na nagsalita siya at dahil na rin sa mga sinabi niya.

Just a cheerleader(K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon