Chapter Twenty Seven

3.1K 80 2
                                    

Damien's POV

Nakakunot ang noo ko habang pinapanood si Clementine na nakikipagtawanan kasama ang sinasabi niyang si Ash na hanggang ngayon hindi niya pa rin napapakilala dahil na rin hindi ko pa siya nakakausap mula ng matapos ang kasal. 

Tinitigan ko ang kamay nito na bumaba sa bewang ni Cee dahil muntik na itong matumba sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako at pinilit na wag lumapit doon.


Napaayos ako ng upo ng biglang sumulpot sa harapan ko si Lia at Lester.


"What the hell guys?"Nasambit ko na lang. Sabay naman silang tumawa at naupo sa upuan na nasa harap ko.

"Sinong tinititigan mo diyan? Baka matunaw yan ah."Nakangising sabi ni Lester. Napailing na lang ako at sinubukan hanapin ng mga mata ko si Clementine. Mas umupo ako ng maayos ng hindi ko sila makita.


"Pre,relax lang. Usap muna tayo kailangan muna naming maging updated tungkol sa inyong dalawa bago ka magpaka-hunter sa dalawa."Sinamaan ko ng tingin si Lester pero natawa lang siya.

"Now, first of all. What happened during your dinner three nights ago?"Paninimula ni Lia


"Nothing happened."Mabilis kong sagot at nag-iwas ng tingin.

"Pero bakit parang lutang si Cee pagkauwi niya?"Pangungulit niya, nagkibit balikat lang ako.


"Ito na lang pare straight to the point. Did you two kissed? Are you back together?"Tinitigan ko sandali si Lester bago ngumisi at sumagot.

"How about you two? Bakit kayo ang palaging magkasama may something ba?"Natulala sila at indi agad nakapag-react kaya natawa na lang ako at tumayo.


Now where are you La mia futura moglie?


Clementine's POV

Nagtatawanan kami ni Ash habang sumasayaw ako sa harap niya. Ng natahimik kami dahil biglang may tumikhim. Napahiwalay ako kay Ash at tumingin kay Damien na unti-unting dumidilim ang mukha.


"Oh hey Dee.. Nakalimutan ko this is Ash my bestfriend from New York. I completely forgot to introduce him to you, may mga common friends kasing namiss siya eh."Paliwanag ko at agad ng lumapit sa kanya. Kumapit ako sa braso niya at nag-aalangan na nginitian si Ash.

"I'm Ash, nice meeting you pare. Maraming kwento si Clem tungkol sayo."Nakangiting bati ni Ash at inabot ang kamay nito. Nabawasan na rin ang inis nito kay Dame ng ikwento ko sa kanya ang mga nangyari recently. 


"Damien nice meeting you too. Pero pwede bang mahiram na muna si Cee sa iyo?"Kinamayan rin siya nito pabalik at agad namang tumango si Ash. Pinandilatan pa ako nito bago niya kami tuluyang iwan.

"Dance?"Malamig na yaya sa akin ni Dee naiilang akong tumitig sa mukha niya pero wala akong makita ni isang emosyon.


"Uhm,kain na lang muna tayo. I'm sure hindi ka pa rin kumakain."Kapag tinitingnan ko kasi siya kanina nakaupo lang siya at nakatitig rin sa akin kaya sure akong hindi pa siya nakain.

"I said we'll dance. Bakit kapag siya ang kasayaw mo tuwang-tuwa ka pa?"Tanong niya at hinila ako palapit sa kanya nung aalis na sana ako.


"Hindi naman sa ganun. Kain muna tayo bago sumayaw."Hinila ko na siya pero nagulat ako ng hilahin niya ako papunta sa direksyon ng hotel.

"Hey hindi pa tapos yung program."Tiningnan niya lang ako at hinila na papasok sa elevator.


"Dee huy we can't just leave kasama tayo sa---"Naputol ang dapat kong sasabihin at nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.


Marahas niya akong hinalikan at mariin ang pagkakapikit niya na parang hirap na hirap siya. Napaungol ako at tinugon na rin ang mga halik niya.


That night ang masasabi ko na lang ay hindi ko nagamit ang sarili kong hotel room, and I will regret nothing out of it.

Just a cheerleader(K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon