Clementine's POV
After weeks na natambakan ako ng trabaho nakahanap na rin kami ng oras na lumabas nila Ash ng kaming tatlo lang just like the old days nung nasa New York pa kami.
"Sa wakas nagka-oras ka na rin sa akin. Akala ko balak mo na lang akong dedmahin the whole month na nandito ako eh." Pang-aasar ni Ash sa akin bago niya ako akbayan. Naglalakad na kami papasok ng mall at ang alam ko nandun an rin si Lia, naghihintay sa amin.
"Sorry, got busy. Ilang linggo ko rin kasing napabayaan dahil sa mga lakad naming barkada binawi ko lang yung mga nasayang kong oras. And as soon as I did here I am. Now time to have fun!" Hinila ko siya papunta sa McDo kung nasaan naghihintay si Lia.
"Where are we going? Akala ko manonood tayo ng sine." Yun kasi ang plano namin, pero ang hindi alam ng dalawa eh magkakasama sila. Hindi ko sila sinabihan dahil alam kong may isa sa kanila ang magdadahilan na may lakad sila para makatakas.
"We're meeting Lia. And look there she is!" Tinuro ko si Lia na nakatayo lang sa harap ng McDo at nakatingin sa phone niya. Hindi na nakapag-salita pa si Ash dahil the next second nasa harap na kami ni Lia.
"Hey, sorry we're late. Na-traffic kami eh." Sabi ko, nakangiti namang tumingala si Lia pero nawala yun ng makita niya kung sino ang kasama ko. Bahagya pang nanlaki ang mata niya at magsasalita na sana siya ng..
"Let's go na? Baka malate pa tayo sa papanoorin natin." Yaya ko at ngumiti ng pagkalalaki. Bumagsak na lang ang balikat niya at wala siyang choice kung hindi ang tumango na lang.
"After the movie, what do you guys wanna do?" Tanong ko.
"Go home, wala naman tayong makikitang pwedeng gawin dito sa mall eh. Buti sana kung mga bata pa tayo pwede pa tayo sa Arcade but we're too mature for that." Sagot sa akin ni Ash na nasa kabilang gilid ko. Nasa likod naman namin si Lia.
"Hindi pwede I talked to Dee, sabi niya susunod daw siya sa atin eh. Maglibot na lang muna tayo, dahil saktong lunch naman siya dadating. Okay ba yun Lia?" Tanong ko at humarap sa likod kanya. Mukhang nagulat pa siya na tinanong ko siya.
"Yeah, yeah. That's fine. Ano bang papanoorin natin" Tanong niya at naiilang na sumabay na rin sa paglalakad sa amin.
"Yung Xander Cage na lang" Pumayag naman sila after that wala ng nagsalita sa aming tatlo hanggang sa makapasok kami ng sinehan.
Bago mag-start yung movie hindi na ako nakatiis at hinila ko na si Lia patayo.
"Hey, Bathroom lang kami." Paalam ko kay Ash. Pagkapasok naming sa banyo humarap sa akin si Lia at nagtatanong na tumingin lang sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay bago bumuntong hininga.
"Okay spill, what really happened between you guys? Bakit hindi kayo naguusap? Ni tingnan nga ang isa't-isa hindi niyo magawa." Pag-uudyok ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya bago tumingin sa sapatos niya. Kumunot ang noo ko, I never saw Lia uncomfortable before.
"Well, you see may hindi kami sinasabi sayo. Bago tayo umalis ng NY we had this thing going on, nothing official. But a week before Miles wedding bago siya pumunta ditto he kind of broke it off with me. Dahil may mahal siyang ibang babae. Hindi ko narealize until then na may nararamdaman nap ala ako sa kanya ng ganun kalalim kaya nung malaman ko kung sino yung babae, I asked him to keep his distance." Nanlaki ang mga mata ko sa inamin ni Lia, hindi ako maka-paniwalang hindi ko yun napansin. I wanted to ask her who the girl is pero hinayaan ko na muna siya.

BINABASA MO ANG
Just a cheerleader(K.N)
FanfictionI'm Clementine,the perfect girl ang babaeng puro kaartehan lang ang alam.Nagmahal lang naman ako ng lubos but why did he do that to me? Bakit niya ako sinaktan? His reason? Because I was Just A CHEERLEADER. Started: JULY 2016 End: JULY 2017