Chapter Thirty Seven

2K 51 2
                                    


Damien's POV

"Hey..." Tumayo ako agad at kahit parang umiikot pa ang paningin ko naglakad ako palayo sa mga kaibigan ko.


Pumasok ako sa kwarto at pwumesto sa kama.


"Bakit ngayon ka lang nakatawag?" Tanong ko kahit may hinala na ako kung bakit. Baka busy siya sa kung ano man ang ginagawa nila ni Ash.

"I'm sorry Dee, busy lang talaga sa company. Ang dami ko kasing inaayos eh. Feeling ko nga marami akong matatanggal. Hindi ko rin halos nahawakan ang personal phone ko. Sorry kung hindi ko nasagot yung mga texts or tawag mo." Napabuntong hininga ako, gusto kong makita ang mukha niya.

"Can I call thru your Skype?" Tanong ko at pumayag naman siya. Hindi na ako nagtagal pa at tumawag na agad.


Bumungad sa akin ang magandang mukha niya na may pagod na ngiti.


"Hey you..." Napangiti ako ng maliit bago napabuntong hininga ulit.

"Medyo mabigat ang dinadala natin ah?" Sinubukan niyang mang-asar pero alam kong may idea na siya kung ano ang susunod kong sasabihin.


"Isa lang ang tanong ko please, pakisagot na dahil halos mabaliw na ako dito. Is it true?" Napa-iwas siya ng tingin kaya nakaramdam ako ng takot sa sasabihin niya. Matagal kaming natahimik hanggang nagsalita siya.

"Honestly, wala akong idea kung saan nanggaling ang mga nakakatangang balita na yan. And I honestly had no idea na nangyayari na to dahil tambak talaga ako ng trabaho. But I know that I'll have to talk about it with Ash. Pero Dee ang hindi ko maintindihan ay bakit parang nagdududa ka sa mga naririnig mo. I thought alam mong ikaw lang, ang mahal ko. Hindi pa ba halata yun?" Umiling ako.


"Ever since ng bumalik ka at nagka-ayos tayo, you never said anything about you loving me still. Oo nga at sweet ka pero paano kung hanggang ganun na lang yun?." I know na wala akong karapatang mag-inarte ng ganito dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay in the first place.

"Well hindi ko rin naisip na hindi rin pala sapat ang puro actions lang. Hindi dahil action speaks louder thatn words ay puro gawa na lang ang gagawin mo. You still need words to explain what you feel. Mr. CEO,  Dee,  Damien Padilla this is me Clementine Bernardo your one and only Cee, your Ms. CEO saying that she loves you. I love you so much Dee. You're the only one who can fit perfectly in the missing piece of my life. You don't understand just how much you mean to me." Parang sasabog na ang puso ko sa mga sinabi niya. Clementine Bernardo still loves me!


"I love you too. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. Sobrang saya ko. Kung papayag ka lilipad ako diyan, I miss you so much that I need to touch you." Nakita ko naman siyang napailing.

"No magsta-stay ka diyan. Akala mo hindi ko alam ang tungkol sa pag-inom mo mister? Nope diyan ka lang. Uuwi na rin naman ako next Saturday, 5 more days at magkikita na tayo ulit. Now, ayusin mo na ang sarili mo. I love you Dee." Napangiti ako sa mga sinasabi niya.

"I love you too." Sobrang laki ng ngiti ko ng bumalik ako sa baba para kumuha ng kape. At hindi ko na pinansin ang mga pang-aasar nila Kats.



Clementine's POV

Pagkababa ko ng tawag agad kong sinabihan si Ash na kailangan ko siyang makita. Buti naman at hindi na siya nagtanong kung bakit. Dumiretyo ako sa office ko dito para maghintay sa kanya.

Just a cheerleader(K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon