Damien's POV
Nung hinila ko siya imbes na dumiretyo sa pool like we planned, dinala ko siya sa tree house na pinagawa ko. May parang swing kasi akong pinagawa ditto para if we ever let go, mahuhulog kami sa pool.
"Oh my gosh!This is a brilliant idea." Bulaslas niya ng makita niya yung rope, I offered my hand to her para sana alalayan siya, pero tiningnan niya lang ako at ngumisi bago tumakbo papunta dito.
Hindi ako agad nakapag-react, at nanlalaki lang na nakatingin kung saan ko siya huling nakitang nakatayo, ng marinig ko ang pagbagsak niya sa pool at pagtawa.
Mabilis akong napatingin sa baba at nakatingala na siya sa akin.
"What are you waiting for? Ako baa ng pinaghihintay mo, halika na!" Yaya niya kaya natawa na lang ako, damn this girl is really special.
Sumunod na rin ako sa kanya, pag-ahon ko nakita ko siyang lumalangoy na palayo.
"Op, saan ka naman pupunta?" Pagpigil ko at hinila siya sa bewang, pinasan ko siya sa may balikat ko at lumubog. Napatili naman siya at pinagsasambunutan ako ng makaahon kaming dalawa. Pero imbes na masaktan at mainis sa ginagawa niya sa buhok ko, napahalakhak ako.
Ang tagal na rin ng huli akong sumaya ng ganito, since she got back bumalik ako sa kilala kong Damien noon.She really do bring the best of me, dahil nung nawala siya lagi lang akong nagmumukmok sa opisina ko at tinatambakan ang sarili ng trabaho.
Tinitigan ko siyang tumatawa habang nakayakap ako sa bewang niya, hanggang sa tumigil siya at napatingin din sa akin.
"Thank you." Nasambit ko, kumunot naman ang noo niya sa pagtataka.
"For what?" Tanong niya sa akin.
"For coming back, for being here with me right now. For making me happy, for completing me and for bringing the best in me. I promise you from now on na hinding-hindi na ako magkakamaling saktan ka kahit ano pa ang dahilan nun, just don't leave me again. Dahil ayoko ng balikan ang mga araw na wala ka sa tabi ko." Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. She slowly leaned in at hinalikan ako sa noo.
"I know and I understand what you're feeling. Coming back was the best decision I made at laki na lang ang pasasalamat ko kay Miles dahil naisipan niyang pilitin ako na pumunta sa kasal niya. Because of her, I get to have this second chance with you. Ngayon ni hindi ko na maalala yung mga araw na mag-isa lang ako sa ibang bansa, na tambak lang ako ng tambak ng trabaho para hindi ko marealize na yung isang tao na kukumpleto sa akin ay naiwan ko sa Pilipinas. You complete me too, Damien. Thank you." It might not be an I love you, pero ramdam na ramdam ko na ngayon ang kung ano man ang nararamdaman niya para sa akin.
Natahimik kami sandali, gusting-gusto ko na siyang halikan pero alam kong may tamang oras para dun. Kaya hinalikan ko na lang siya sa gilid ng labi niya bago ko siya hinila pa palapit para yumakap sa kanya. Sinuksok ko ang mukha ko sa leeg niya at ninamnam na lang ang amoy niya.
Sandali pa kaming natahimik bago niya ako yayain pabalik sa loob.
"Can you tour me around the rooms in this house?" And somehow naintindihan ko ang gusto niyang sabihin sa tanong na yun.
No we didn't have sex, walang nangyari sa amin. All we did was talk, lahat na ata napag-usapan namin. Lahat ng hindi namin nakita ng magkahiwalay kami, hindi namin narealize na mag-uumaga na pala.
Clementine's POV
Wala kaming tulog dahil sa dami ng pinagkwentuhan namin magdamag. And suddenly I found a new hobby, talking to Damien.
Ng pumatak ng alas-diez ay tumayo na rin kami para mag-ayos na dahil babyahe pa kami pabalik.
And baka daw malate pa ako sa flight ko mamaya, pumayag na rin ako dahil magaayos pa rin ako ng gamit ko.
The whole time na pabalik kami, hindi ako natulog kahit pa sinabihan niya na ako. Gusto kong sulitin ang oras namin. Kaya kantahan at minsan kwentuhan lang ang ginawa namin.
Tumigil siya sa labas ng bahay, at napatingin naman ako sa kanya. Tumango siya at humalik sa noo ko.
"Babalik ako dito, ako ang maghahatid sayo papuntang airport ayt?" Tumango naman ako at nagmamadaling bumaba.
Pagpasok ko, naabutan ko si Lia na nakaupo lang sa sala. I was expecting her to be fxing her stuff kaya naupo ako sa harap niya.
"Hey, ba't naaupo ka lang ditto?" Tanong ko sa kanya. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.
"May dapat ba akong gawin? As far as I know free ang schedule ko today." Kumunot naman ang noo ko , pero naalala ko na hindi nga pala sila nagpapansinan ni Ash. That's why sigurado akong hindi siya sinabihan nito.
"Pack your bags, hindi ka sinabihan ni Ash pero kailangan nating bumalik ng New York there was an emergency daw." Pagpapa-alam ko sa kanya pero hindi pa rin siya gumalaw.
"Nah, ikaw na lang. Magpapa-iwan na lang ako ditto. Ako na lang ang mag-aasikaso ng branch." Sabi niya at hindi na ako tiningnan ulit. I stared at her for a little while bago napailing na lang at umakyat na papunta ng kwarto ko.
Mabilis lumipas ang oras at kumakatok na si Ash sa pinto ko, pinagbuksan ko siya at pinapasok.
"Are you ready?" Tanong niya at sumandal sa may pinto ko. Tumango naman ako at sinara na ang zipper ng suitcase ko.
"Anyways hindi nga pala ako sasabay sayo papunta ng airport. Dee will drive me." Tumango naman siya at akmang maglalakad na palabas ng magsalita ako.
"Who is she? Hindi ko na kayang manahimik. Ni hindi mo lang sinabihan si Lia na lilipad tayo, I had to be the one telling her dahil ni mag-usap tungkol sa trabaho hindi niyo magawa. " Halatang natigilan siya sa tanong ko pero napailing na lang siya at tumalikod na ng tuluyan.
Akala ko hindi siya sasagot pero tumigil siya.
"Kung ako sayo, hindi ko na aalamin kung sino, Im telling you Clem, stay out of this." Iniwan niya ako dun, pero imbes na ituloy pa ang pagtatanong hinayaan ko na lang siya.
Sakto naman nagtext na si Dee na nasa labas na siya kaya pinaakyat ko muna siya.
This is the hard part, saying goodbye to this guy. Kahit pa na sandal lang naman akong mawawala. Napagdesisyunan ko kagabi na ililipat ko na ang main branch ditto para hindi ko na kailangang magpabalik-balik ng New York.
*******************
A/N: Sinadya ko pong hindi magsulat ng airport scene dahil I'm a sucker for goodbyes buong buhay ko talaga hindi ako marunong magpaalam. Lagi akong umiiwas ni magbaba nga ng tawag hindi ko ginagawa eh kailangan yung kausap ko ang magbababa .. So sorry for the long explanation. Sorry din if natagalan ang update kahit na nagpromise na ako,nakaligtaan ko kasing may EOC tests pala ako sa lahat ng subjects ko.
Vote and comment po ulit, thank you!!
BINABASA MO ANG
Just a cheerleader(K.N)
FanfictionI'm Clementine,the perfect girl ang babaeng puro kaartehan lang ang alam.Nagmahal lang naman ako ng lubos but why did he do that to me? Bakit niya ako sinaktan? His reason? Because I was Just A CHEERLEADER. Started: JULY 2016 End: JULY 2017