Clementine's POV
Kahapon hindi ko talaga hinayaan na makalapit sa akin si Damien. And buti na lang ginawa ko yun dahil ngayon hindi na ako inis sa kanya.
I know that he knows how long I can hold a grudge kapag nahuhuli ko siyang hindi nagsasabi ng totoo but now, it's a completely different situation. Wala na akong karapatan na magalit sa kanya dahil hindi naman niya na ako girlfriend and I also learned na kapag nagging is aka sa mga babaeng sobrang nagger walang ibang maidudulot un sayo kundi ay hihiwalayan ka lang.
And now here I am, hindi malaman kung paano ko kakausapin si Dee, nakakahiya yung inakto ko kahapon, that was completely out of my character, well the new me anyway. Kumakain ako ng ice cream ng may kumatok sa pinto ko, I looked at it at hinintay na bumukas yun. Alam ko naman si Lia yun dahil siya lang naman ang halos pumapasok dito.
"Hey, good gising ka na. May naghihintay sayo sa baba. Advice lang mag-ayos ka, make yourself really pretty and presentable." Nakangiti niyang sabi na parang nang-aasar pa. Umiling ako at bumalik sa pagkakahiga.
"No, tinatamad ako. Sabihin mo sa kung sino man ang naglakas loob na puntahan ako ay nagmumuni-muni pa ako at wag akong istorbohin." Sabi ko at tinalikuran siya.
"If you say so. But kung ako sayo makikinig na lang ako, dahil baka yang iniisip mo sa muni muni nay an nasa harap mo na pala." Iniwan niya na ako at pumikit na lang ako, trying to sleep dahil wala pa talaga akong matinong tulog mula kagabi.
Pero wala pang limang minute, may bumukas na naman ng pinto ko. Naiinis akong umupo at humarap sa akala kong si Lia, pero nagulat ako ng ang bumungad sa akin ay yung taong dahilan kung bakit ako nagkukulong.
"Wow, Lia's right. You do look like a mess right now." Nakangiti niyang sabi.
"Dee! What are you doing here?" Tanong ko at mabilis na tumayo sa kama para makapag-hilamos.
"Well I sent Lia para sana pag-ayusin ka thinking na hindi ka na galit. I wanted to take you out pero sabi niya gusto mo lang daw matulog. So I guess wrong timing pa rin ako." Mabilis ko naming nahawakan ang braso niya nung akmang lalabas na siya.
"No, no its fine. Hindi na ako galit. Hintayin mo na lang ako, I'll just fix myself okay?" I smiled up at him at tumango naman siya at naglakad na palabas.
Nagmamadali akong naligo at nagsuot ng simple yellow sundress at tinali na lang ang buhok ko. Pagbaba ko, nagulat ako sa naabutan ko pero napangiti rin agad. I saw him holding a bouquet of pink roses. Naglakad siya palapit sa akin at nakangiting inabot sa akin iyon.
"I'm sorry I lied yesterday, baka lang kasi madulas ako sa plano ko for us today. And the girl you saw with me yesterday isa kasi siya sa owner ng pinagbilhan ko ng flowers na to. They said that this flowers can last for at least 25 years." Page-explain niya kaya lalo akong na-guilty sa kinilos ko kahapon.
"I'm so sorry dahil sa inakto ko kahapon, that was completely uncool and so not me." Pero umiling lang siya at inoffer sa akin ang kamay niya.
"Kalimutan na natin yun, now kailangan hindi ako pumalpak sa plano ko. Let's go?" Tanong niya at nakangiti akong tumango at nagpahila sa kanya.
BINABASA MO ANG
Just a cheerleader(K.N)
FanfictionI'm Clementine,the perfect girl ang babaeng puro kaartehan lang ang alam.Nagmahal lang naman ako ng lubos but why did he do that to me? Bakit niya ako sinaktan? His reason? Because I was Just A CHEERLEADER. Started: JULY 2016 End: JULY 2017