Chapter Thirty Nine

2.1K 53 4
                                    

~Unedited~


Clementine's POV

Nakahiga lang kami ngayon sa kama ni Damien, hindi kami nagkikibuan pero kontento na kami dahil magkasama na kami ulit.

I came here with a mission, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin yun sa kanya.


"Dito ka ba matutulog?"  Tanong niya sa akin habang patuloy na sinusuklay yung buhok ko. Tumingin naman ako sa kanya at umiling.

"Dito na lang please?" At sinimulan niya na nga ang pamimilit, sinundot sundot niya pa ang tagiliran ko kaya napapalayo ako sa kanya dahil nakikiliti ako.


"Hindi pwede ngayon eh, kailangan ko munag umuwi dahil kailangan ko na talagang makausap si Lia. But I promise once na maayos ko yun dito ako matutulog for two days." I said trying to make a deal, pero umiling lang siya.

"How about sasamahan na lang kita pauwi hindi naman ako manggugulo then babalik tayo dito, at dito ka na matutulog for three days?  Sige na hindi mob a ako na miss?" Ngumuso pa siya, nagpapacute ang Baby Dee ko.


Umiling lang ako sa kanya dahil alam ko namang imposibleng hindi siya manggulo.


"How about ako muna ang uuwi then sunduin mon a lang ako once na magtext ako na pwede na?" I compromised, nag-isip pa muna siya bago sabik na tumango at lumapit sa akin para yakapin na ako ulit.

"Fine, pero lets go eat dinner muna?" Pagyayaya niya, pumayag naman ako kaya tumayo na kami.


"Can I cook?" Tanong ko sa kanya, ng makaisip ako ng paraan kung paano ko maisasagawa ang plano ko.

"Really, ipagluluto mo ako?" Excited na niyang tanong at may malaki ng ngiti sa mukha. Tumango naman ako at tinulak siya pabalik sa pagkakahiga sa kama.


"Yes but I need you to stay here. I want to prepare everything for you dahil sigurado akong wpinagod ka ng mga baliw nating kaibigan kanina. Ano nga bang ginawa nila?" Tanong ko kaya napasimangot siya, mukhang naalala niya.

"Kinaladkad lang naman nila ako sa park at ayun gumawa ng kung ano-anong kalokohan. Nakakahiyang maging kasama nila. But Cee, hindi ba dapat ikaw ang nagpapahinga dahil kakagaling mo lang sa flight?" Tanong niya pero umiling lang ako at naglakad na papuntang pinto.


"Nah, natulog naman ako buong byahe. Sige na pagluluto na muna kita. Hintay ka lang diyan okay?" Tumango naman siya kaya lumabas na ako.


Dumiretyo na ako sa kitchen niya at buti na lang may stocks sa ref niya, hindi na ako mahihirapan na mag-isip ng pwedeng lutuin.



Damien's POV 

Kinuha ko na lang ang laptop ko paglabas ni Cee para na rin gawin yung mga hindi ko nagawa kanina sa office. Alam kong pagtumunganga lang ako ay hindi ako makakatiis at lalabas para sundan si Cee.

Mas mabuti ng distracted ako ngayon para makapagpigil...when I saw her kanina gusto ko na lang siyang pisain ng yakap at paliguan ng halik ko. Sobra ko siyang namiss and for her to surprise mo super super happy ko tuloy.


Hindi ko na nga pinansin ang mga pang-aasar na texts nila Kats mula pa kanina eh, pinaliwanag na din ni Cee yung tungkol sa kasunduan nila at kung bakit kailangan niyang magbayad ng mga kakainin nila Lester for the whole month. Kay sisiguraduhin kong sa susunod na magkita kami ng mga yun ay may tig-iisang batok sila sa akin.

After about 30 minutes napatingin ako sa pinto ng bumukas yun agad naman akong tumayo para tulungan siyang buhatin yung tray, parang ang bigat eh.


Inilapag ko iyon sa kama at naupo na sa tabi niya.


"What's this?" Malaki ang ngiti ko sa mukha habang tinatanong yun, namiss ko kasi ang mga luto niya.

"Just Pancetta-and-brussels sprouts linguini." She answered habang inaayos niya yung mga food namin.


Nakangiti naman ako habang pinagmamasdan siya, pero nawala yun ng mapansin ko yung itsura ng side dish niyang fries kakaiba kasi ang ayos nito.

Sandali kong tinitigan yun hanggang sa unti-unti ng nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya, na nakangiti na rin sa akin.


"A-are you..?" Hindi ko matuloy-tuloy yung tanong ko pero tumango na siya dahilan para mapasigaw ako.

"Wooh! Girlfriend ko na ulit ang nag-iisangi Clementine Bernardo!" Hinila ko siya, still careful dahil baka matapon yung mga foods.


"Thank you this is the best dinner ever. I love you." Sabi ko at hindi na siya hinintay pang magsalita dahil agad ko na siyang hinalikan.

Napangiti ako during the kiss, sa wakas kami na ng babaeng mahal ko. My queen is officially mine again.


****************

A/N: Happy chapter na muna tayo bago ang medyo malakas na bagyo!

And guys summer vacation ko na pero may assignments pa rin, saan ang hustisya? Sandamakmak pa!

Anyways, may alam ba kayong magandang Kdrama na pwedeng panoorin? Suggest naman kayo please... nilamon na rin kasi ako nito eh.


Votes and comments po ulit thank you all!


~All the love..



Just a cheerleader(K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon