Chapter Twenty Eight

2.7K 68 2
                                    

Clementine's POV

Nakatitig ako sa gwapong lalakeng mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nagising akong nakayakap siya sa akin mula sa likuran. Habang pinapanood siyang nakatingin ni isang pagsisisi sa katawan ko wala akong naramdaman.


I will never regret what happened between us last night. Pero natatakot ako sa kung anong mangyayari sa kung ano man ang meron sa amin ngayon. Komplikado na nga baka mas lalo pang maging komplikado.


Napabuntong hininga ako at dahang-dahang bumangon. Sumandal ako sa headboard ng kama at sandali pang pinanood siya bago napagdesisyunan na tumayo na. Tahimik kong dinampot ang underwear ko at sinuot iyon. I decided na kumuha na lang ng polo ni Dee instead of putting back my gown from last night. 


Hinalikan ko ang noo niya bago lumabas para lumipat at magbihis sa kwarto ko.  Mabilis akong pumasok sa banyo dahil balak kong balikan si Dee bago pa siya magising.


I turned on the shower and started doing my rituals. Napapikit ako ng maramdaman ang mainit na tubig na tumama sa katawan ko. I felt my sore muscles relax. 


Napakagat ako sa labi ng maalala ko na naman ang nagyari kagabi, I remembered how he kissed every part of my body. Napailing ako sa mga pumapasok sa isip ko at nagmadali na lang sa pagbanlaw.


Nagulat ako ng paglabas ko sa banyo isang nagpapanic na mukha ni Damien ang bumungad sa akin.Ng makita niyang nasa banyo lang ako napabuntong hininga ito at agad akong hinila palapit sa kanya.


Nanlaki ang mga mata ko at napahigpit ng hawak sa towel na nakabalot sa akin.


"I thought you left."Bulong niya natawa ako at mahina siyang tinulak palayo.

"Why would I do that? Naligo lang ako babalik dapat ako at ipaglulito ka ng breakfast kaso naunahan mo ako at nagising agad."Natatawa kong sagot. Sumimangot naman siya at hinila ako ulit para yakapin.


"Because I thought I scared you off. Maybe we were too fast."Natawa na lang ako at tumingkayad para bigyan siya ng mabilis na halik sa labi.

"Bihis lang ako then we'll talk okay?"Tumango naman siya at ngumiti kahit na mukhang gulat pa siya sa ginawa ko.


"Meet me sa garden."Bilin niya bago ako iniwan.


Damien's POV

Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko at nawi-weirdohan na akong tinitingnan nila Kats.


"Hoy pare ngingiti ngiti ka na lang ba diyan? Ano bang kailangan mo at pinagmamadali mo kaming bumaba dito sarap ng tulog ko at binulabog mo ako."Naiinis na sabi ni Lester.


Nabalik naman ako sa realidad at agad silang pinalapit.

"I really do need your help. And we need to do this fast like lightning fast. Ganito kasi..."And I started explaining kung ano ba ang gusto kong mangyari after nanlalaki ang mga mata nila akong tiningnan bago napailing na lang at nagsikilos.


"Love ya friends!"Sigaw ko bago tumakbo para asikasuhin din ang dapat kong gawin.


Time to make my first official move..


Just a cheerleader(K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon