A/N: This is going to be a shorter chapter than the usual because there would be a second part. Good news it's almost spring break guys meaning I'll be able to update more. One week of update rin yun although baka hindi araw-araw. I'm gonna try to finish this story before the end of the April Lalo na at almost halfway there na tayo. Thank you for all your support sa story na to!
Votes and comments po ulit thank you!!
~All the love...
Clementine's POV
Naiinis kong binato ang phone ko sa kama. It's been hours at hanggang ngayon hindi pa rin sumasagot si Dee sa mga texts ko. Okay lang sana, but I was asking him about something important na may kinalaman sa partnership ng mga kompanya namin.
After about a minute ng medyo humupa na ang inis ko, I picked up my phone again and tried texting him.
"Hey, nabasa mo na ba yung report? I really need it by 3 this afternoon."
Buti na lang this time sumagot na rin siya.
"Sorry, I'll just ask someone to send it to you. Tambak rin kasi ako ng mga pipirmahan ditto sa office. But I'll see you later. Dadaan ako bago ako umuwi. Miss you:*"
"That's fine, and wag ka nang dumaan baka pagod ka na. Magpahinga ka na lang agad okay?"
Pero hindi na siya sumagot pa ulit. Napabuntong hininga na lang ako bago may pumasok na idea sa utak ko. Napangiti ako at tumayo. Matagal na rin mula ng dalhan ko siya ng lunch sa office niya, naaalala ko dinalhan ko siya ng fried rice nung kakarating ko pa lang. Maybe I'll cook him one of the dishes I learned how to cook.
I prepared a goat curry for the both of us at mango shake. Then nag-ayos na ako para hindi na ako ma-traffic pa.
Bago ako umalis pinaalam ko na rin kay Lia, na dadaan ako kay Dee. Siya na kasi ulit ang secretary ko dahil tapos na yung inaasikaso naming sa kasal.
Pagdating ko nginingitian ako ng mga nakakasalubong ko, at hindi na rin ako pinigilan ng secretary niya ng makarating ako sa floor niya. But parang nagtataka pa siya kung bakit ako nandoon at kung bakit dire-diretyo lang ako sa pagpasok sa office ni Dee.
At nung makapasok nga ako, alam ko na kung bakit , dahil wala naman akong naabutan na Damien doon. I thought he was going to here dahil sa tinext niya. Lumabas ako at lumapit sa secretary niya na nakangiting bumati sa akin.
"Hey, where's Dee?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa notebook niya bago sumagot sa akin.
"Mr. Padilla went home early. Free na po siya for the rest of the day. Halos one hour lang po siya kanina dito then nagmamadali ng umalis." Tumango ako at aalis n asana pero bumalik ako para magtanong ulit.
"Do you know where he is?" Tanong ko at nag-aalangan naman siyang sumagot pero tinaasan ko na siya ng kilay.
"He said he was going to meet someone." Then may binigay siya sa aking address. Isang Spanish restaurant ang nakita ko kaya hindi na ako naghintay pa at dumire-diretyo ng nagmaneho doon.
Oh look and there he is, eating with a girl who I cant see her face dahil nakatalikod siya sa akin pero kung tumingala lang si Damien makikita niya an akong nakaupo dito sa kotse ko.
I waited for two minutes at pinapanood lang sila, wala naman silang ginagawa na sa tingin ko ay mali but ang nasa isip ko lang ay ang pagsisinungaling niya.
Napailing ako at sakto naman ng aatras na ako para umalis naita kong napatingin sa akin si Damien at nanlaki ang mga mata. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan ng masama at nagdrive na paalis.
Damien's POV
Maaga akong umuwi dahil balak kong supresahin si Cee bukas, and I want everything to be perfect. Hindi ko alam kung para saan I just had this urgent feeling to do something special for her.
Kaya I decided to schedule a meeting sa isa sa mga taga Te Amo Floristeria tungkol sa gusto kong flowers para kay Cee. Buti na alng at sobrang flexible sila sa mga sinasabi ko, tuwang-tuwa ako habang tumitingin ng mga pwede kong ipagawa sa kanila.
But agad na anwala yun ng tumingala ako at nakita ko si Clementine na masama ang tiningin sa akin bago nagmaneho paalis.
Napamura ako sa utak ko ng maaalala ko kung ano yung ginawa kong dahilan kung bakit hindi ako nakakapag-reply agad dahil ang totoo ay natatakot lang ako madulas sa planong gusto kong gawin.
Minadali ko na lang ang pakikipagusap ko at agad ng nagpaalam.
"Thank you so much for your help." Nakangiti kong sabi at kinamayan siya.
Habang naglalakad ako palabas my phone chimed.
"Huwag ka munang magpapakita sa akin dahil baka amsapak lang kita. Tambak pala ah pero free ang schedule?"
Niinis ko na lang na ginulo ang buhok ko bago magmaneho papunta sa bahay niya. I'm sure na mahaba-habang suyuan ko. Mula noon lagi kaming nag-aaway kapag nalalaman niyang nagsisinungaling ako o nagdadahilan. At kapag nagalit siya halos isang lingo niya akong hindi pinapansin, I hope ngayon hindi na ganun.
I was really excited for this surprise at ngayon baka pumalpak pa dahil lang sa naisipan kong palusot.
Pagdating ko sa gate nila, tinanguan na lang ako ng security at tuloy-tuloy naman ako papasok sa bahay nila.
Pagpasok ko nakita ko si Ash na nakaupo sa sala nila. Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos ng lalaking to pero lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat.
"Good luck pre, naging dragon na naman yun kanina. Kung ano man ang ginawa mo siguraduhin mo lang na may maayos kang dahilan." At iniwan niya na ako. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya, feeling close eh. Pero okay na rin yun kesa naman wala akong idea sa reaksiyon niya kanina.
Dumiretyo muna ako sa kitchen nila para ikuha siya ng vanilla ice cream dahil alam kong kapag dinalhan ko siya nun pwedeng mapatagal ang pagpapalayas niya sa akin sa kwarto niya.
Now time to face my Clementine.
********
Part 2 soon..

BINABASA MO ANG
Just a cheerleader(K.N)
FanfictionI'm Clementine,the perfect girl ang babaeng puro kaartehan lang ang alam.Nagmahal lang naman ako ng lubos but why did he do that to me? Bakit niya ako sinaktan? His reason? Because I was Just A CHEERLEADER. Started: JULY 2016 End: JULY 2017