Chapter Forty Two

2.1K 51 0
                                    

 ~Unedited~

Damien's POV

Halos mabaliw na ako dahil isang linggo na at hindi pa rin nagigising si Clementine. Alam kong nag-aalala na rin ang mga kaibigan ko sa akin dahil hindi ako umaalis sa tabi niya.


"Dame, she's here..." Bulong ni Miles


Tumango ako at napangisi, hinintay ko siya pumasok. Hindi ko siya tiningnan pero naramdaman kong tumayo siya sa gilid ko.


"Bakit mo ginawa yun?" Galit niyang tanong sa akin.

"Bakit ko naman hindi gagawin yun?" Malamig kong tanong pabalik


"Alam mo ba kung anong nangyari sa pamilya ko? You dragged my family's name to the trash at hindi pa sapat yun sinunog mo pa. " Nanggigil niyang sabi. Hindi ako sumagot hinihintay ko lang na marinig yung gusto ko pero hindi dumating yun.


Imbes ay mas nagalit lang ako sa susunod na lumabas sa bibig niya...


"Sana nga at hindi na magising yang babaeng yan. I knew from the start that she won't be good to you, tingnan mo kung anong ginagawa mo sa akin ngayon. Ako ang mahal mo pero hindi mo makita yun dahil sa babaeng yan, nilason ka niya! Kaya sana tuluyan na siyang mamat—" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla akong tumayo at mahigpit na hinawakan siya sa braso.

"Lilith alam mong hindi ako nanakit ng babae physically pero yang mga lumalabas sa marumi mong bibig gusting-gusto na kitang sampalin. And no hindi kita alam at mas lalong hindi ako nilalason ng babaeng to. Hindi mo alam na sa sobra kong pagmamahal sa babae na to kaya kong sagasaan lahat ng nanakit sa kanya. At sorry na lang dahil nagkamali kang banggain ang babaeng to." Gigil na gigil kong sabi, hindi ako natinag kahit pa na nakita kong naiiyak na siya.


Marahas niyang inagaw ang braso niya sa akin.


"No! Ako ang mahal mo ako lang ang babaeng minahal mo. Diba ako lang ang tumagal sayo? Dahil hindi mo ako hiniwalayan agad and that's because you love me. Damien..." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa mukha pero umiwas ako.

"I love you and I know that you love me too, let's go. Let's leave the country kung saan siguradong hindi tayo masusundan ng babaeng yan, I will forget everything you did. Ang pagsama mo sababaeng yan, papatawarin kita ha? Let's start over..." Hindi makapaniwala akong napatingin sa kanya.


"Lilith can you hear yourself? You're being pathetic and delusional. I just need you to say that you're sorry at titigilan ko ang panggugulo ko sa kompanya niyo. Tsaka kita dadalhin kung saan ka nararapat. Sorry lang, Lilith. Just ask for forgiveness..." Umiling-iling siya at humakbang palayo sa akin.

"I will never say sorry. Hindi mo ko iiwan dahil lang sa babaeng to!" Sigaw niya at tumakbo palapit sa isa sa mga machine na tumutulong kay Cee makahinga, nanlalaki ang mga mata ko at hindi agad nakagalaw.


"What do you think are you doing?!" Nanlaki pa lalo ang mga mata ko ng may kamay na pumigil kay Lilith sa gagawin nito.


Napatakbo ako kay Lilith at agad siyang tinulak palayo.


"Clementine baby, hey are you okay?" Mahinahon kong sabi at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya.

"Miles! Tumawag ka ng doctor gising na si Clementine!" Sigaw ko.


"What is she doing here?" Mahinang tanong nito habang nakatingin kay Lilith na tulalang nakatingin sa amin.


At dahil dun naalala ko ang kaninang binabalk niyang gawin. Malalaki ang hakbang akong naglakad palapit sa kanya.

Mahigpit kong hinawakan siya sa braso...


"I asked for your forgiveness sa ginawa mo sa babaeng pinakamamahal ko, but what did you do? Sinubukan mo na naman siyang ipahamak! I'm sorry Lilith pero hindi ka na makakabalik sa bahay mo." Saktong pagkasabi ko nun ay nagsidatingan ang mga police.


Tumango ako at hinila na nila si Lilith palabas. Hindi ito nagsasalita o kahit isang reacktion wala kang makikita. Tulala lang itong nagpahila.

Napailing ako at bumalik na sa tabi ni Clementine.



Clementine's POV

Nakangiti kong pinapanood sila Lia na nagsusumbong sa mga pasakit ni Dee habang wala daw akong malay.


"And did you know na dalawang beses lang yan naligo?" Dagdag ni Lester na ikinatawa ko at sumimangot naman ang target nila.

"Sino ba namang matinong tao ang maliligo kung ang babaeng mahal nila ay walang malay na nakahiga sa hospital bed? Babe wag mo nga akong tawanan!" Pagmamaktol nito na ikinatigil ng tawa nila Lia.


"Babe, babaeng pinakamamahal? Teka nga kayo na ba?" Tanong ni Miles na malaki ang ngiting nakatingin sa amin.

"Ay, nakalimutan ko pa lang sabihin sa inyo? Sinagot niya na ako." Mayabang na sabi ni Dee. Nagsigawan naman ang mga kaibigan namin.


"Yown! Sa wakas, happy ever after na ba to? Kailan ang kasal?" Pang-aasar ni Kats

"As soon as makalabas siya dito." Sagot ng lokong to, kaya binatukan ko siya. Kahit pa na namumula ang pisngi ko.


"Umayos ka nga!"Saway ko.


Ganito na lang sana palagi, puro tawanan at kulitan lang. Sana wala ng ibang malalaking problema ang dumating. Kahit ganito lang, basta't masaya kaming lahat okay na ako.


**************

A/N: 4 more chapters including the epilogue!

~All the love..

Just a cheerleader(K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon