~Time jump ulit?~
Clementine's POV
"Dee, bilisan mo na male-late na tayo!" Sigaw ko sa kanya mula sa living room namin dahil nasa itaas pa ito at nagbibihis.
"Athena baby, come here na. Bawal ng mapawisan." Pagtawag ko sa five years old kong anak na babae. Agad naman itong lumapit at inayos ko naman agad ang dress niya na mukhang medyo nagusot na.
May interview kasi kaming pupuntahan, first and only interview namin as a family. Hindi naman yun matagal kaya pumayag na kami ng tigilan na rin kami ng media. Dee and I both decided na ilalayo namin sa media si Athena at sususbukang palakihin ito na may normal na buhay.
We both want to let her experience the things we did back then...Napatingin ako sa gwapo kong asawa na pababa sa hagdan wearing a formal-casual attire.
"Hey beautiful sorry natagalan." Paghingi nito ng tawad at humalik sa pisngi ko. Lumuhod ito sa harap ni Athena at humalik sa noo nito.
"Nainip ba ang baby ko sa paghihintay?" Nakangiti nitong tanong at binuhat na ito. Sabay na kaming naglakad palabas at dumiretyo sa kotse na nakahanda na.
"After this daan tayo kanila Lia ha? Excited na akong makita ang anak nila ni Lester." Nakangiti kong sabi kay Dee na tumango naman bago napangisi.
"I still cant believe na si Lester ang sumunod sa yapak ko. I always thought na si Sed or si JC ang susunod na ikakasal pero ang gago pa pala ang mauuna." Siniko ko siya ng magmura na naman ito sa harap ni Athena.
"Watch your mouth." Inis kong saway at nag-peace sign lang ito at tinakpan ang mga tenga ng anak niya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kacutan ng mag-ama ko.
Sadly ako ang nagging kamukha ni baby Athena at wala yatang nakuha kay Dee kung hindi ang kakulitan nito.
"I love you..." Bulong ni Dee, napangiti ako. Hindi niya talaga nakakalimutang sabihin ito sa akin, kung minsan sobrang random pa.
"I love you too..." I smiled and peck him in the lips. Sakto namang tumigil yung kotse.
"Nandito na po tayo." Sabi ng driver kaya napatango kaming dalawa...Let's get this over with.
Damien's POV
"Daddy can we get ice cream first?" Tanong sa akin ng prinsesa ko habang on the way na kami sa bahay nila Lester.
Nagkatinginan naman kami ni Cee at agad niya akong pinanlakihan ng mata, meaning na hindi pwede. Napangiwi ako at alanganing napabalik ng tingin sa baby ko na nagpapa-awa na ang mukha.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko...
"Ask mommy." Sagot ko at napakagat sa labi ng kurutin ako ni Kath sa tagiliran ko.
"Mommy can we get ice cream?" Rinig kong tanong ng anak ko sa mommy niya.
"Baby, maybe next time? Marami ka na kasing nakaing sweets mula kanina eh. Remember the chocolates and lollipop?" Paalala nito, narinig ko naman ang buntong hininga ng prinsesa ko at nakikinita ko na ang pagnguso nito.
In 3 2 1 ....
Ang reyna ko naman ang bumuntong hininga as a sign of defeat.
"Fine pero promise me na isang scoop lang ang kukunin and this is the last sweet for today, okay?" Tanong nito
"Wiiih! Yes po, I promise." Masayang sabi ni Athena kaya binalik ko na ang tingin ko sa kanila.
At naabutan ko ang masamang tingin ng asawa ko sa akin, patay!
Clementine's POV
Kinagabihan hindi ko pa rin pinapansin si Damien, kunyari nagtatampo pa rin ako. Nakakainis naman kasi eh, hindi siya marunong humindi sa anak niya and lagi niyang pinapasa sa akin pagdating sa ganun.
Kaya habang lumalaki mas nagiging spoiled yung bata eh.
Nakatingin ako sa salamin habang nagsusuklay at hindi ko maiwasang mapangiti, I've come this far. Marami ng nagbago but somethings will never change.
Gaya na lang naming dalawa, naramdaman kong may humalik sa leeg ko na dahilan upang mapapikit ako sandali.
"Sorry na po, hindi ko kasi talagang ayawan si Athena lalo na kung napapcute siya. Kamukha mo kasi siya masyado eh, naaalala tuloy kita. Alam mo namang hindi rin kita kayang ayawan. Ako nga kawawa sa bahay na to eh, under ako sa inyong dalawa." Paglalambing nito habang nakatingin sa mga mata ko sa salamin, yumakap rin ito sa akin.
After a minute I smiled at him...
"I love you." I mouthed dahilan para mapangiti na rin ito.
"I love you too my queen.." Bulong nito before kissing me.
And that is how my happy ever started...
From being Just A Cheerleader to being a wife and a mother.
*********
A/N: Finally after a year of writing this story natapos ko na rin siya. Thank you po sa lahat na nagtyaga na basahin siya mula simula at naghintay sa mga paminsan-minsan kong update. Thank you sa lahat ng nagvotes and nagcomment, pati na rin sa mga silent reader na mga ka-uri ko. Thank you for your support!
I decided to add 3 special chapters pero hindi ko pa alam kung kailan ko siya ipo-post basta if may naisip na ako na pwedeng gawing special chap. Marami kasi akong deleted scenes na hindi sinama ditto lalo na yung mga spg kaya baka sa special chap ko na siya ilagay, what do you think?
After this story magfo-focus na ako sa Strong and hope you guys support that story too! Ibabalik ko na rin yung The Spoiled Brats pero maayos na siya once na ipost ko siya ulit like Nerd To A Goddess Gangster at Switch na inaayos ko na rin.
So yun see you sa special chapters!
~All the love...

BINABASA MO ANG
Just a cheerleader(K.N)
Fiksi PenggemarI'm Clementine,the perfect girl ang babaeng puro kaartehan lang ang alam.Nagmahal lang naman ako ng lubos but why did he do that to me? Bakit niya ako sinaktan? His reason? Because I was Just A CHEERLEADER. Started: JULY 2016 End: JULY 2017