Chapter Thirty Eight

2.1K 51 1
                                    


Clementine's POV

After all that happened parang mas gusto ko na lang na umuwi ng Pilipinas dahil sa pagod. I want to see Dee again and I know that I need to talk to Lia.

Galit na galit din si Dee kanina after kong magkwento sa kanya at gusto nga akong puntahan but of course I stopped him. Wala namang mangyayari kahit na pumunta pa siya dito. Pero after naming mag-usap narealize ko na ako rin hindi ko na kayang maghintay hanggang Sabado.


That's why ngayon pinapaasikaso ko na sa mga tauhan ko yung private plane ko. Habang ako ay nag-aayos ng mga kakailanganin kong dalhin, sinusubukan ko ring tawagan sina Lester because I need their help.


"Clem, napatawag ka? Hindi namin kasama si Dame ngayon eh nasa office siya." Bungad niya sa akin pagkasagot sa tawag ko. Natawa naman ako.

"No actually that's good dapat hindi niya malaman ang tungkol sa tawag na ito,pati na rin si Lia. Kasama mo ba sila Kats? " Tanong ko sa kanya.


"Hala bakit hindi niya pwedeng malaman? Nagtataksil ka na ba kay Damien. Ayokong madamay diyan ah!" Parang takot na takot niya pang sabi.

"Sira!, may kailangan lang akong sabihin sa inyo dahil I need your help." Sabi ko.


"Ah hehehe, sorry naman. Ano ba yun, naka loud speaker ka na. Nakikinig na rin sila Kats."

"Uuwi na ko, bukas nandiyan na ako. I need your help dahil gusto kong wala si Damien sa condo niya dahil gusto ko siyang isurprise. I need you na ilabas siya for the whole day. Please can you help me?" Pakiusap ko sa kanya.


"Hindi naman yun problema dahil malamang nasa office yun."

"Yeah but I also need to get something from his office so please? Ilabas niyo muna siya." Pangungulit ko. May kailangan kasi akong kuning papeles tungkol sa partnership namin kaya gusto ko wala din siya dun.


"Aish, sige na nga. Pero may kapalit to ah." Rinig kong sabi ni Kats sa kabilang linya. Natawa naman ako dahil alam ko naming sasabihin nila yun.

"Name your price. Ako nang bahala. And for Lia kailangan ko lang iblock niyo ang source niya para hindi niya malaman na dumating na ako. Alam kong pinapabantayan niya ako, ang bestfriend kong yun masyadong over protective." Sabi ko. Lia hired someone to follow me around although hindi ko alam kung bakit alam kong may kinalaman yun kay Ash.


"Sige na nga. Ikaw talaga mula noon, pahirap na. Ang dami kasing kalokohan ang pumapasok sa utak mo eh." Nag thank you na lang ako at nagpaalam na.


After settling things with them tinawagan ko naman si Ash, pero hindi na ito sumasagot.

Labag man sa loob ko na umalis ng hindi man lang siya nakakausap ay hinyaan ko na. He needs time and I know that. Kaya nag-iwan na lang ako ng message saying na umuwi muna ako at doon ko na lang aasikasuhin ang lahat.


Now, I cant wait to get home.



Damien's POV

Inis na inis na ako dahil buong araw pa akong ginugulo ng mga baliw na kaibigan ko sumama pa ang kapatid ko.

Hinila pa nila ako paalis ng office ko para lang dalhin ako sa isang park. Gusto daw nilang maglaro kaya buong araw ko silang pinanood na pagtripan ang mga napapadaan lang na tao.


One time pa nagpanggap si Sed bilang pulubi at namalimos, habang si Kats ay nagpanggap na nawawala siya at hinahanap ang nanay.

Tuwing susubukan ko namang tumakas ay hihilahin lang nila ako at gagawa ng eksena kaya hindi ko na inulit dahil nakakahiya. Kapag itong pag-absent ko talaga ay nakarating kay Cee ay kakatayin ko ang mga ugok na to.


Alas sais na ng magyaya silang umuwi, dahil may emergency daw sila. Which is why nandito kami ngayon sa condo ko, dahil ang emergency pala nila ay gutom na sila.


"Kung gutom na kayo bakit tayo nandito, hinding hindi ko kayo ipagluluto noh." Inis na inis ko ng sabi at kulang na lang ay ingudngod sila.

"Hindi naman na namin inaasahan yun, sadyang nandito lang ang magbabayad sa mga pagkain namin sa loob ng isang buwan." Napakagat ako sa labi sa inis at nagtaka ng sikuhin ni JC si Lester sa sinabi nito.


"Aba't kayo na nga lang ang nanggulo buong maghapon gusto niyo pang maging supplier ako ng pagkain niyo for one month. Ako ba eh pinagloloko niyo? Bahala kayo diyan!" Iniwan ko sila dun at binagsakan ng pinto sa mukha.


Kumatok naman sila ng kumatok.


"Hindi pwede yung bayad namin. Hindi pa kami nababayaran!!" Sigaw nila.

"Buksan mo muna yung pinto, may ibibigay lang ako sa kanila." Napababa ako sa hawak kong phone, dahil balak ko na sanang tawagin ang security ng marinig ko ang boses na yun.


Dahan-dahan akong napalingon, at bumungad sa akin ang napakagandang nilalang na naglalakad palapit sa akin.

Nilagpasan niya lang ako at binuksan ang pinto, may inabot siya dun bago isa-isang pinagbabatukan yung mga ugok.


"Salamat Clem!!" Sigaw ng mga ito at nagtakbuhan na paalis. Ng masarado niya ang pinto ay humarap na siya ulit sa akin, na iniwan niya sa gitna ng living room.

"Is that really you?" Tanong ko kahit alam kong nagmumukha na akong may sira.


"Surprise!I'm back.." Sigaw niya at tumakbo papunta sa akin. Sinalubong ko siya ng yakap.

"I miss you so much" Bulong ko at hinalikan siya sa noo.


"I miss you too...I'm home now" Bulong niya at mas hingpitan ang yakap sa akin.


Napangiti ako sa sinabi niya, ako rin. My home is back.



*************

A/N: Short update dahil wala na talagang pumapasok sa utak ko, medyo natuyo eh!

Votes and comments po ulit thank you!!


8 chapters left including the epilogue!

~All the love..





Just a cheerleader(K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon