Chapter Forty One

2.1K 57 5
                                    

Clementine's POV

I felt like someone is purposely hitting me with a car, again and again. Sobranh sakit ng katawan ko, at kahit anong subok ko na gumalaw ay mas sasakit lang ang katawan ko.

I tried to lift my fingers up pero sa sobrang pagod unti-unti na namang akong nawalan ng malay.



Lia's POV

Napabuntong hininga ako ng pagpasok ko sa hospital room ni Clem ay nandun pa rin si Damien. Kasama ko si Miles ngayon dahil dapat sana ay kami naman ang magbabantay kay Clem.

Dalawang araw na ang nakakalipas at ni minsan hindi ko nakitang lumabas ng kwarto ni Clem si Dame, and if I'm being honest ang dumi niya ng tingnan dahil wala pa rin itong ligo, o tulog na tatagal ng isang oras.


"Hey Dame, okay lang kung umuwi ka muna para umidlip or maligo. Kumain ka na ba? Kain ka na muna, kami munang bahala kay Clementine. " Sabi ni Miles at hinawakan ito sa balikat.


Ako naman ay dumiretyo sa may table na may mga pagkain...


" Marami ng press ang naghihintay sa labas, shoul we give out statements regarding Clem's condition?" Tanong ni Miles, napatingin ako sa kanya. Not sure who she's asking, pero nakatingin siya sa akin.


Hindi ako sumagot at tiningnan lang si Dame na nakatitig kay Clementine. Umiling na lang muna ako.


"Kapag may magandang balita na siguro, hayaan mo na muna sila." Natahimik kami sandali sa kwarto, hanggang sa biglang bumukas ang pinto.



Clementine's POV

May naririnig akong mga boses mukhang nag-uusap, I tried to make something out of it pero wala akong maintindihan.

I tried to open my eyes and I can see a white flash of light bago ko naramdaman ang biglang pagbigat ng talukap ko at napapikit na lang ako ulit.



Damien's POV

Hindi ko pinansin ang kung sino man ang pumasok, narinig ko na lang ang boses ni JC.

Napatingin ako sa kanya ng tapikin niya ang balikat ko...


"I know who's behind all of this.." Tumango ako at naupo naman siya sa upuang nasa tapat ko.

"Walang nakakuhang CCTV sa nangyaring aksidente, dahil may nakauna na sa akin, when I tried checking it may mga nagbura na nito. Luckily hindi siya ganun katalino, may black box na nakakuha ng buong pangyayari. Saktong nakuha nito ang plate number ng bumangga kay Clem." Pagpapaliwanag nito


"Nasaan na yung driver? Nasabi na ba ito sa mga police?" Tanong ni Lia but I have a feeling na hindi pa lahat nasasabi ni JC.

" I talked to the driver already and something surprising came up. Nasabi niya sa aking may nagbayad lang sa kanya. Hindi niya kilala kung sino yung nasa kotseng binangga niya pero may naibigay siyang pangalan ng nag-utos sa kanya. And yes hawak na ng mga police ang driver." Napapikit ako, sa sinabi ni JC. I have a feeling...


"Sinong nag-utos sa kanya?" Tanong ni Miles

"Lilith.." Sabay na sagot namin ni JC


Agad akong napatayo at tumingin kay JC.


"Kailangan kong maka-usap ang babaeng yun. Samahan mo ako." Tumango ito at nauna na sa labas.


Humarap ako kay Cee na hanggang ngayon ay walang malay, I kissed her forehead.


"I'll be back." Bulong ko, tumingin ako kay Lia at Miles at tumango lang ang dalawa.



Lia's POV 

Naiwan kaming dalawa ni Miles na kinakabahan, hindi namin alam kung anong balak ni Dame kay Lilith but I have a feeling na hindi lang basta bastang kulong ang gagawin niya.


"Do you think na dapat tayong matakot sa plinaplano ni Dame?" Natatawang tanong sa akin ni Miles

" I don't think he's going to do something that bad. I mean ano naman ang magagawa niya diba?" I pointed out


Naiiling na natatawa sa akin si Miles..


"Obviously, hindi mo pa ganun ka kilala ang isang Damien Padilla. You have no idea kung anong kaya niyang gawin kahit noon pa lahat gagawin niya para sa kanyang Clementine. He even got someone kicked out of our school and not let any school in Asia accept him." Pagkwe-kwento ni Miles, nanlaki ang mga mata ko.

"Really? They realy love each other." I observed, napangiti naman si Miles at tumingin kay Clem.


"Yeah, kaya nga ganun na lang ang gulat namin ng maghiwalay sila." I nodded my head, kaya pala ganun na lang rin nasaktan si Clementine.

"How about Clem, did she do something crazy because of Dame too?" Tanong ko, excited to know more about their past.


"Nako, Clementine was one of the most popular girls in school. One time during a game she got the whole cheerleading squad only cheer for Dame. Kaya ganun na lang ang galit ng principal sa kanya. Good thing at tita niya ito." Napangiti ako sa kwento niya, I wish I was there to see Clementine act like that.



JC's POV

"Hindi ka ba muna maliligo or iidlip man lang?" Tanong ko kay Damien, siya kasi ang nagdra-drive ng kotse ko ngayon.

"No, I don't have time for that. May kailangan lang akong asikasuhin sa company at babalik na ako agad sa hospital." Sagot nito ng nag-iigting ang panga.


"Ano bang balak mong gawin.?" Tanong ko sa kanya

"I will make sure na babagsak ang Curtis company na kasama na ang iba pa nitong negosyo. I will make sure that Lilith will come running to Clem to say that she's sorry dahil pati ang pamilya niya ay idadamay ko hanggang hindi ito humihingi ng tawad." Pagsasabi niya sa mga plano niya.


Napabuntong-hininga na lang ako, patay na!

Sorry na lang sa mga madadamay, si Clementine Bernardo na kasi ang dinamay ng babaeng yun.


****************************

A/N: I need your suggestions guys! Kill or endless suffering? Anong bagay kay Lilith?


5 more chapters including the epilogue!

~All the love...



Just a cheerleader(K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon