First Meeting

1.3K 32 1
                                    

Jason's POV.

Argh! Ang aga-aga may pasa na agad ako sa mukha. May humamon sa akin eh. Hindi ko naman pwedeng takasan. Wala sa pangalan ko ang sumuko. Dahil sa gulong kinasangkutan ko. Naprincipal tuloy ako. Hay~ parati naman ganito eh.

Tahimik lang akong nakaupo sa upuan sa loob ng principal office. Nang bigla nang dumating yung Mama ko. Pagdating niya, agad niyang kinausap yung principal ng school.

" Mrs. Hannah Walls, sumusobra na po ang Anak niyong si Jason. Halos madami na rin po siyang record sa loob ng guidance. Tapos nadagdagan nanaman ngayon ". Tsk. Hindi na kayo nasanay sa akin.

" Ano po ang parusang ihahatol niyo sa Anak ko? ". Tanong ni Mama. Suspension lang yan Mama.

" Ipapatanggal na po namin ang Anak niyo sa school. Hindi na po nagiging maganda ang ipinapakita ng Anak niyo dito sa loob ng school. He needs to be transfer to other school. Yun po ang naisip kong solusyon sa problema ". Huh?! Itra-transfer ako!? Wala namang ganyanan.

" Sir! Wag naman po kayo ganyan. Kahit suspension na lang po wag nang ipalipat ". Tumingin sa akin yung principal ng school.

" I'm sorry Mr. Jason. Yun na ang naging desisyon ko, pwede na po kayong makaalis ". Argh. Walang kwenta yung school na 'to!

Pagkatapos kaming kausapin ng principal, sabay na kaming lumabas ni Mama sa principal office palabas ng school. Hay~ itra-transfer nanaman ako ni Mama sa ibang school. Saang school naman kaya? Kinakabahan tuloy ako.

Sumakay na kaming dalawa ni Mama sa loob ng sasakyan namin.

" Ililipat na kita, hahanap ako ng school na masisikmura yang ugali mo ". Hay~ wala kayong mahahanap na school na ganun.

Dahan-dahan akong tumingin sa bintana ng sasakyan namin. Hay~ mamimiss ko yung mga kaibigan ko doon. Hindi ko man lang sila nasabihang aalis na ako. Kasi bat naman agad-agad? Pwede namang bukas na lang. Masyadong nagmamadali tong si Mama.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa new school ko. Sabay kaming lumabas ni Mama sa sasakyan namin. Wow! Mas malaki 'to kaysa sa dati kong school. Mukhang magugustuhan ko dito ah. Pagkatapos bigla akong hinatak ni Mama papasok sa loob.

Pumunta agad kami sa principal office para makapag-enroll na ako. Pinabayaan ko na lang si Mama na umasikaso sa pagpapaenroll sa akin. Lumabas muna ako sa principal office para maglibot-libot sa paligid ng school.

Wow! Napakalinis naman dito. Nakakatakot dumihan. Dahan-dahan akong naglakad sa corridor ng school. Nang may mapansin akong isang malaking billboard sa harap ng school. Oh. May model pala sila dito. S-sino kaya yang babaeng na yan? (Erika Marco) maganda siya..

Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko yung babae na nasa billboard. Waaah.. yan pala yung itsura niya sa personal. Simple lang, pero matangos yung ilong at maputi siya. Mukhang Anak ng foreigner.

Oh.. h-hindi ko magawang igalaw yung sarili ko. My goodness, palapit siya nang palapit sa akin. Nung nakalapit na siya sa akin bigla niyang nabangga yung kanang balikat ko. Aray! Ang lakas nun ha! Agad siyang lumingon at tumingin sa akin. Wow! Ikaw pa ang nakasimangot ha.

" Nakita mo na dadaan na ako, hindi ka man lang tumabi ". Wow ang taray!

" Teka lang ha, ang lawak kaya ng dadaanan mo ". Lumapit siya sa akin ulit.

" Wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan hindi mo ako kilala. Tumabi ka nga! ". Pagkatapos niyang magsalita bigla niya akong tinulak.

Adik yun ah! Siga ka ba dito?! Ang ganda-ganda, ang pangit naman ng ugali. Hay~ makabalik na nga kay Mama.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon