Erika's POV.
Mukha namang nakainom tong si Jason. Ano kaya yung nakain nito ngayon? Nakakapagtaka naman. Yakap-yakap niya ako. Wait, b-baka may makakita sa amin dito at baka kung ano pang isipin? Agad akong umatras pero.. hindi talaga ako pinapakawalan ni Jason.
Gusto niya akong yakapin. Grabe, seryoso nga siya sa pinagtapat niya sa akin. G-gusto niya ako. Niyakap niya ako nang mas mahigpit. Baka hindi na ako makahinga nito.
" Alam ko.. alam ko na hindi mo ako magagawang magustuhan . Pero.. please Erika kahit ngayon lang samahan mo muna ako. K-kailangan na kailangan ko kasi ngayon ng makakasama.. ". Nanlaki yung mga mata ko nung mapansin kong umiiyak si Jason.
Siguro, umiiyak siya dahil sa kinuwento niya sa akin. About sa Mama niya na may bago ng lalaki. Hay~ ano pa ba ang magagawa ko? Sasamahan ko na lang siya.. sabi niya kailangan na kailangan niya ng kasama ngayon eh. Ok.. andito lang ako, hindi kita iiwan.
Kinabukasan.
Grabe, anong oras na ba ako nakatulog kagabi? Parang mga 11pm na yun. Si Jason kasi.. ang tagal tumahan. Pero.. sa totoo lang, naawa ako sa kanya kagabi. Parang nawala yung Jason na nakilala ko dati. Yung Jason na nakita ko kagabi, ay napakaseryoso.
Kamusta na kaya siya ngayon? Pumasok na ako sa school. Pagpasok ko, dumiretso agad ako sa classroom namin para icheck kung nandodoon na ba si Jason. Pagdating ko sa classroom. Napatigil ako nung mapansin kong wala pa si Jason.
Oh.. asaan na kaya yun? Nabigla ako nung may umakbay sa akin. Uy! Hiro.
" Good Morning ". Nginitian niya ako.
" G-Good morning ". Nginitian ko din siya.
" Hiro, n-nakita mo na ba si Jason? Andito na ba siya? ". Dahan-dahan siyang humarap sa akin.
" Hindi pa.. tsaka wala pa yung bag niya jan. Wait, b-bakit mo hinahanap si Jason? ". Hala, anong isasagot ko sa tanong niya?
" Ah.. wala hinahanap ko lang. Masama ba? ". Natawa siya bigla sa akin.
" Hahahah! Hindi ka pa din talaga nagbabago. Namiss ko yung Erika'ng ganyan ". Napangiti ulit ako dahil sa sinabi ni Hiro.
" Halika, samahan mo na lang ako. Maglakad-lakad muna tayo ". Sabi niya. Pagkatapos hinatak na niya ako at naglakad-lakad na kaming dalawa.
Jason's POV.
Nagskip ako ng klase. Natamad akong gumising nang maaga kanina eh. Bakit may reklamo kayo? Tahimik akong naglalakad papasok sa loob ng school. Nang bigla ako mapatigil sa paglalakad nung makita ko yung Papa ni Erika. Oh.. anong ginagawa niya?
Nanlaki yung mga mata ko nung biglang tumingin sa akin yung Papa ni Erika. Hala, anong sasabihin ko?
" Hmm.. good morning po Sir ". Dahan-dahan siyang humarap sa akin.
" Ikaw si Jason Walls, diba? Ikaw yung kaklase ng Anak ko ". Nginitian ko siya.
" Opo, ako nga po ". Pagkatapos dahan-dahan siyang lumapit sa akin. My goodness, kinakabahan ako.
" Study hard, wag mong sasayangin yung buhay mo sa walang kuwentang bagay. Sige maiwan na kita ". Pagkatapos naglakad na palayo sa akin yung Papa ni Erika.
A-ano yung sinabi niya? Parang napakaseryoso nun ha. Hindi ko naman sinasayang yung buhay ko sa mga walang kuwentang bagay eh. Yung binibigyan ko lang ng oras ngayon, ang pag-aaral at si.. Tsk, makapasok na nga sa classroom.

BINABASA MO ANG
Same | LizQuen
Fiksi PenggemarMukhang nakahanap na ako ng katapat ko... Characters: - Enrique Gil as Jason Walls - Liza Soberano as Erika Marco - Oh Sehun as Hiro Park Others - Mr. Ian Marco, father of Erika - Mrs. Hannah Walls, mother of Jason - Lea, friend of Erika - Sassy, fr...