Sacrifice

411 12 0
                                    

Jason's POV.

Hindi ko na nireplyan si Erika. Grabe mas lalo akong nanghina dahil sa mga sinabi sa akin ng Papa ni Erika. T-tama siya.. kung hindi ko lalayuan si Erika. Hindi niya matutupad yung mga pangarap niya para sa buhay niya. Ano na kaya ang pwede kong gawin ngayon?

Kinabukasan.

Erika's POV.

Maaga akong nag-ayos nang sarili ko. Excited na akong pumasok kasi makikita ko ulit yung boyfriend ko. Paglabas ko ng kwarto ko agad akong dumiretso sa baba ng bahay namin. Napahinto ako sa paglalakad nung bigla kong makita si Papa. Oh.. h-hindi pa siya nakakaalis?

" Anjan ka na pala halikana sabay na tayong pumunta sa school ". Huh? Pero paano si Jason?

Sabay kaming lumabas ni Papa sa bahay. Paglabas naming dalawa sinalubong agad kami ng sasakyan namin. H-hindi ko nakita si Jason. A-asaan kaya siya? Malalate ba siya ngayon? Dapat kanina pa siya dito naghahantay pero.. bat wala siya?

Wala na akong ibang choice kaya sumakay na lang ako sa loob ng sasakyan namin. Wala kasi si Jason eh. Kung nandidito siya hindi ako sasabay kay Papa.

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan namin. Iniisip ko kung ano na kaya yung nangyari kay Jason ngayon. Kung itext ko kaya siya. Tama yun na lang yung gagawin ko. Agad kong kinuha yung cellphone ko at tinext ko si Jason.

" Malalate ka ba ngayon? Kita na lang tayo sa school ha ". Lumipas na yung ilang oras pero hindi pa din siya nagrereply.

Nakadating na kami sa school ni Papa. Sabay kaming naglakad papasok sa loob nang bigla siyang tumigil at humarap siya sa akin.

" May magsusundo sayo mamaya.. sige na pumunta ka na sa classroom mo ". Tinititigan ko lang si Papa tapos naglakad na siya palayo.

Siguro nasa classroom na si Jason ngayon kaya nagmadali akong maglakad papunta sa classroom namin. Nakangiti pa ako kasi iniisip ko na nandoon na si Jason. Pero pagpasok ko sa loob unti-unting nawala yung ngiti sa mukha ko. W-wala pa si Jason..

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa upuan ko at sabay umupo ako. A-asaan na kaya si Jason? A-ano kaya yung ginagawa niya ngayon? H-hindi ba siya papasok? Bat hindi man lang niya sinabi sa akin?

Mag-uumpisa na yung first class namin wala pa rin si Jason. Absent ba siya ngayon? Please naman Jason magreply ka. Hay~ ano na ba ang nangyari doon?

Lunch.

Hindi na talaga pumasok si Jason. Wala akong alam kung ano na ang ginagawa niya ngayon. Hindi kasi siya nagrereply sa mga text ko eh. Tsk hindi naman pwedeng mawalan ng load yun. Parating unli yun eh. Ano na kaya yung nangyari sa kanya?

Jason's POV.

Pinili kong wag pumasok dahil hindi pa rin matanggal sa utak ko yung mga sinabi sa akin ng Papa ni Erika. Kailangan kong makausap yung Papa niya. Agad akong nagbihis pupunta ako ng school para lang kausapin yung Papa ni Erika.

Pagdating ko sa school sinigurado kong hindi ako makikita ni Erika. Last class na namin ako pumunta kaya lahat ng estudyante nasa loob ng mga classroom nila. Pagpasok ko sa school dumiretso agad ako sa Principal Office.

Nabigla yung Papa ni Erika nung makita niya ako.

" Oh.. Mr. Walls, anong ginagawa mo dito? Hindi ka pumasok? ". Dahan-dahan akong lumapit sa Papa ni Erika.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon