In A Relationship

573 14 0
                                    

Jason's POV.

Gabing-gabi na. Hindi pa rin ako makatulog. Saan kaya dinala ni Sir Alex si Erika? Baka doon sa tulugan ng mga girls. Pero hindi rin.. kailangang makapagpahinga ni Erika ng mag-isa eh. Nasaan kaya siya? Gusto ko siyang puntahan.

Agad akong bumangon. Nakita ko yung mga kaklase kong mga lalaki. Tulog na silang lahat. Argh.. yung iba humihilik pa nga eh. Pagod na pagod? Tsk.. kailangan ko ng puntahan si Erika. Tumayo ako at lumabas para hanapin ulit si Erika.

Asaan kaya siya? Umikot ako sa paligid nang may makita akong isang maliit na kubo. Baka andidito si Erika. Titingnan ko lang naman. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa maliit na kubo at sabay pumasok ako sa loob. Napangiti ako nung makita ko si Erika na nagpapahinga na.

Baka tulog na tulog na 'to. Tititigan ko na lang muna siya. Dahan-dahan akong umupo sa tabi ni Erika at nakangiti ko siyang tinititigan. Hay~ kung alam mo lang kung gaano ako nag-alala sayo knina. Gusto kitang tanungin kung kamusta ka na? Masakit pa ba yung paa mo?

Pero alam kong kailangan mo munang magpahinga ngayon. Nanlaki yung mga mata ko nung biglang dumilat si Erika. Pagdilat niya agad siyang tumingin sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa nang matagal. Tapos bigla siyang nagsalita.

" Anong ginagawa mo dito? Alam ba ni Sir Alex na nandidito ka? Baka pagalitan ka nun ". Nginitian ko na lang si Erika.

" Wag kang mag-alala, nagpapahinga na rin ata si Sir Alex ngayon. Kaya hindi niya malalaman na nandidito ako ". Napangiti naman si Erika nang dahil sa sinabi ko. Tapos bigla siyang tumingin sa akin ng seryoso.

" Jason.. ". Agad akong tumingin ulit sa kanya.

" Hmm.. bakit? ". Dahan-dahan siyang ngumiti sa akin.

" Salamat kanina ha. Siguro kung hindi mo pa ako nahanap. Baka kung ano na ang mangyari sa akin doon ". Nginitian ko si Erika. Tapos naisipan kong asarin siya kaya agad kong binatukan si Erika sa ulo.

" Aray! Bat mo ginawa yun?! ". Galit na sinabi niya. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.

" Hahahah! Sa susunod wag mo nang uulitin yung ginawa mo ha. Nag-aalala kasi ako. Baka hindi ko kayanin kapag may mangyari sayong masama ". Tapos nagkatitigan kami ni Erika. Seryoso kaming nakatingin sa isa't isa.

Hindi ko na maiwasang hindi tumingin sa mga mata niya. Siya lang naman yung gusto kong titigan ng ganito eh. Wala nang iba.

" Uy.. anong iniisip mo? ". Tanong niya sa akin.

" Wala na akong iisipan pa.. nakita na kita eh. Hindi ko lang yun nagagawa kapag hindi kita nakikita ". Nanlaki bigla yung mga mata ni Erika nang dahil sa sinabi ko.

" Jason.. ". Shh.. alam ko na yung sasabihin mo.

" Oops.. bawal nang magsalita. Alam ko naman yung sasabihin mo eh. Hindi ka pa handa. Kasi.. baka hanggang ngayon si Hiro pa din yung laman ng puso mo. Pero sinasabi ko sayo Erika hindi kita susukuan. Wala sa pangalan ko ang sumuko ". Pagkatapos kong magsalita. Nagtaka bigla ako nung tumawa si Erika. M-may nakakatawa ba?

" Tsk.. hindi naman yun yung sasabihin ko eh. Wag mo akong pangungunahan.. ". Huh?

" Oh.. sige ano ba yung sasabihin mo? ". Nakangiting tumingin ulit sa akin si Erika.

" Gusto kong sabihin sayo na.. nanalo ka na ". Huh?! Hindi kita maintindihan!

" Ano?! Saan ako nanalo? ". Natawa naman siya nang dahil sa tanong ko.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon