Kinabukasan.
Erika's POV.
Grabe, nangawit yung balikat ko. Adik kasi tong si Jason eh. Pinabuhat ba naman sa akin yung shoulder bag niya. Ang kapal ng mukha. Nahiya naman ako sa kanya. Hay~ tama na nga yan. Masisira lang yung araw ko kapag aalalahanin ko yan.
Kailangan ko ng mag-ayos. Maaga pa yung pasok ko ngayon. Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na yung uniform ko. Yan, ang ganda ko talaga lol~ Lumabas na ako sa kwarto ko tapos nagpaalam na ako kay Inday. Aalis na ako.. alam ko namang wala na si Papa eh.
Nung lalabas na ako sa bahay namin. Bigla akong napahinto nung may tumawag sa akin. Agad akong lumingon sa likod ko. Oh.. si Papa, andidito pa? Bat hindi siya maaga ngayon?
" Oh.. Papa bat hindi pa kayo umaalis? Diba dapat kanina pa kayo nakaalis? ". Nakangiting lumapit sa akin si Papa. Hala, anong nangyayari?
" Sinadya ko talagang magpalate para makasabay kita. Halikana.. ". Huh? Nabigla ako nung hinatak ako ni Papa palabas sa bahay namin at sinakay niya ako sa loob ng sasakyan namin.
Nakakapagtaka naman 'to. Ano nanaman kaya yung nakain ni Papa ngayon? Nag-iba nanaman yung ugali niya. Grabe, bago na talaga yung panahon ngayon. Kailangan ko na lang masanay. Tahimik lang akong nakaupo sa loob at katabi ko si Papa. Nang bigla niya akong kausapin.
" Oh.. Anak kamusta naman uung pag-aaral mo? ". Napatingin naman ako sa kanya.
" O-Okay naman po.. ". Nahihiya akong kausapin si Papa. Ngayon lang siya naging ganito eh. Hindi ako sanay~
" Uhm.. sa bagay, maganda naman yung mga grades mo. Mas pagbutihin mo pa ha ". Nginitian ko na lang si Papa.
Pagkatapos umiwas na ako ng tingin sa kanya. Pero hindi pa pala siya tapos kaya lumingon ulit ako sa kanya.
" Madaming nangliligaw sayo noh? ". Napatulala ako sa tanong ni Papa. Sobrang dami..
" Tsk.. ok lang kung ayaw mong sagutin yung tanong ko. Pero.. Anak sana yung lalaking magugustuhan mo, sana yung kagaya ni Hiro ". Pagkatapos bigla nang huminto yung sasakyan. Andito na ba kami?
" Andito na tayo sa tapat ng gate ng school. Duto ka na bumaba. May dadaanan pa kami ". Nginitian ko na lang si Papa. Pagkatapos lumabas na ako sa sasakyan namin.
Grabe, ibang-iba si Papa ngayon nakakapanibago. Pagbaba ko, nabigla ako nung may umakbay sa akin. Oh.. si Jason. Wow! Makaakbay ka ha.
" Good Morning! ". Nakangiti niyang sinabi sa akin.
" Tsk.. nawala bigla yung good sa morning ko kasi nakita kita ". Natawa si Jason. Hala, may nakakatawa ba sa sinabi ko?
" Sus, palusot ka pa. Gusto mo lang ako makita eh. Halikana nga sabay na tayong pumasok sa loob ". Tsk.. ano pa ba ang magagawa ko?
Sir Ian's POV.
Sino yung lalaking umakbay sa Anak ko? Bagong kaibigan niya. Wait, parang kilala ko yun ah. S-si Jason Walls. M-magkakilala pala silang dalawa. Bad boy yang lalaking yan ah. Hindi sila pwedeng maging close ng Anak ko. Magiging masamang influwensya lang yan sa Anak ko.
Jason's POV.
Nag-umpisa na yung first class namin. Lahat ng mga kaklase ko ay nakikinig na kay Sir Alex pero ako.. nakatingin lang ako kay Erika. Napapangiti talaga ako kapag nakatingin ako sa kanya. Biglang nanlaki yung mga mata niya nung makita niya ako na nakatingin sa kanya.

BINABASA MO ANG
Same | LizQuen
FanfictionMukhang nakahanap na ako ng katapat ko... Characters: - Enrique Gil as Jason Walls - Liza Soberano as Erika Marco - Oh Sehun as Hiro Park Others - Mr. Ian Marco, father of Erika - Mrs. Hannah Walls, mother of Jason - Lea, friend of Erika - Sassy, fr...