The Truth

510 14 0
                                    

Jason's POV.

Buhat-buhat ko si Erika habang naglalakad ako kasama yung dalawa niyang kaibigan na sina Lea at Sassy papunta sa bus stop. Grabe, ang bigat talaga ni Erika. Nangangalay na yung braso at kamay ko. Yari 'to sa akin bukas. Ay.. wala nga palang pasok bukas.

Tsk.. gaganti pa din ako. Nabigla ako nung magsalita nang mahina si Erika. Yan tuloy hindi ko naintindihan yung sinabi niya.

" Oh.. sige Jason, ikaw na ang bahala jan kay Erika ka ha. Wag mong gagawan ng masama yan. Ikaw lang yung isusumbong namin kapag may mangyaring masama jan sa Bestfriend namin ". Nginitian ko na lang yung dalawa.

" Wag kayong mag-alala. Magpapakabait ako ngayon ". Pagkatapos pinasok ko na si Erika sa loob ng bus. Gusto ko na ring umuwi ngayon.

Magkatabi kaming nakaupo ni Erika. Grabe, antok na antok talaga siya. Naisipan kong pagtripan si Erika. Agad ko siyang binatukan sa ulo at nagising naman siya. Nakasimangot siyang tumingin sa akin.

" Aray! Ang sakit nun ha! ". Natawa ako sa naging reaksyon niya.

" Yan inom ka kasi ng inom hindi mo naman pala kayang icontrol yung sarili mo ". Tinarayan niya ako.

" Kinaya ko naman ah.. ". Wow ha!

" Kinaya mo? Lasing ka na nga ". Tumingin ulit siya sa akin.

" Ako lasing? Hindi ah.. ". Hay~ mga taong lasing talaga.

" Tumigil ka na nga, matulog ka na lang ". Pagkatapos tinarayan nanaman niya ako.

" Tumigil ka na din.. ". Huh? Saan naman ako titigil?

" Tumigil ako? Saan naman? Wala naman akong ginagawa sayo ". Nakasimangot siyang tumingin sa akin.

" Sa akin wala pero dito meron ". Nanlaki yung mga mata ko nung bigla niyang tinuro yung puso niya. A-anong meron sa puso mo?

" Ano naman yung ginawa ko jan? Hay~ tumigil ka na lang Erika. Lasing ka lang.. ". Tinarayan nanaman niya ako. Kanina mo pa ako tinatarayan ha.

" Tumigil.. ikaw nga kasi ang kailangang tumigil jan. Porket.. close na kayo ni Ashley. Siya na lang parati yung lalapitan mo.. ". Napatingin ako kay Erika dahil sa sinabi niya.

" A-anong sabi mo ulit? ". Nakasimangot siyang humarap sa akin.

" Sabi ko.. layuan mo si Ashley. Hindi kayo bagay ". Natawa naman ako doon. Wala naman akong gusto kay Ashley ah.

" Bakit? Tayo yung bagay? ". Napatingin ulit sa akin si Erika. Nabigla ako nung nginitian niya ako.

" Siraulo.. ". Pagkatapos umiwas na siya ng tingin sa akin. Grabe, lasing na lasing tong babaeng 'to.

" Bakit ko lalayuan si Ashley? Aminin mo nga Erika.. nagseselos ka ba? ". Dahan-dahang tumingin sa akin si Erika.

Nagkatitigan kaming dalawa nang matagal. Tapos dahan-dahang nilalapit ni Erika yung mukha niya sa akin. Nanlaki naman yung mga mata ko nung nakipagnose-to-nose sa akin si Erika.

" H-hindi.. ". Pagkatapos nilayo na niya yung mukha niya sa akin.

" Weh? Seryoso ka ba? Yung totoo kasi Erika ". Tumingin ulit siya sa akin.

" Kapag nakikita ko kayong magkasama, naiinis ako. May pasayaw-sayaw pa kayong dalawa. Tapos.. sa harap ko pa. Mga sira kayo. Alam mo namang hindi kami close ng babaeng yun eh at kahit kailan hindi ako makikipagkaibigan doon ". Tsk.. hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon