Erika's POV.
Dumating na kami sa school. Bago kami bumaba, pinapila ulit kami ni Sir Alex nang maayos. Tapos pinababa niya na kami ng isa isa. Pagbaba ko, nakita ko agad si Papa. Pero bago ako maglakad palayo kailangan ko munang magpaalam kay Jason.
Pagbaba ni Jason, agad akong lumapit sa kanya para magpaalam.
" Uy.. ". Napatingin naman siya sa akin.
" Oh.. bakit? ". Magpapaalam na ako..
" Nandoon na sina Papa at tsaka yung driver namin. Kita na lang tayo ulit.. bukas ". Nginitian ako ni Jason.
" Sige na.. ingat ka ha. Uuwi na din ako ". Nginitian ko din si Jason at agad na akong naglakad papunta kay Papa.
Sir Ian's POV.
Kasama nanaman niya yung Jason na yun. Ganyan na ba sila kaclose o baka higit na sa kaibigan yung tingin nila sa isa't isa? Hindi pwede mangyari yun. Wala akong tiwala jan kay Jason. Mas magiging masaya pa ako kung magbalikan yung Anak ko at si Hiro.
Hindi yung mapupunta lang siya sa lalaking ganyan.
" Erika.. sumakay ka na sa loob ". Sinunod naman ako ni Erika.
" Hmm ". Sumakay na siya sa loob ng sasakyan namin.
Hindi ko gusto si Jason para sa Anak kong si Erika. Ganun lang yun kasimple. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan namin. Agad ko na itong pinaandar sa driver namin. Kailangan na nating makaalis dito para makapagpahinga tong prinsesa ko.
Jason's POV.
Nakaalis na sina Erika. Hay~ makauwi na nga din. Paglingon ko sa likod ko, nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si Mama kasama yung bagong lalaki niya. Tsk.. mas ok pang si Mama na lang yung magsundo sa akin eh. Pero sinama pa niya yung bagong lalaki niya.
Kabadtrip, maglalakad na nga lang ako mag-isa. Saglit lang akong tumingin sa kanila at tumalikod ulit ako para maglakad palayo. Pero paglakad ko bigla akong pinigilan ni Mama.
" Anak, andito kami para sunduin ka ". Humarap ako nang nakasimangot kay Mama.
" Ayaw kong sumakay sa sasakyan nang kasama yang bago niyong lalaki ". Tinanggal ko yung kamay ni Mama na nakahawak sa braso ko.
" Anak.. ". Gusto ko nang umuwi.
" Maglalakad na lang ako.. ". Pagkatapos naglakad na ako palayo sa kanila at hindi na ako hinabol pa ni Mama.
Erika's POV.
Sa loob ng kwarto ko.
Napapangiti ako kapag naaalala ko si Jason. Hay~ para na akong ewan dito. Pero.. napapangiti talaga ako kapag naaalala ko siya eh. Lalo na yung reaksyon niya nung sinagot ko na siya. Waahhh! Kinikilig ako hahahah! Nagulat ako nung biglang pumasok si Inday sa kwarto ko.
" Inday! ". Nagulat siya.
" Oh.. bakit Erika? ". Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.
" W-wala.. sa susunod naman kumatok ka muna ". Nginitian ako ni Inday.
" Ay.. sorry, sige sa susunod ". Pagkatapos tumayo na siya para ilagay yung mga gamit ko na nilabhan niya sa loob ng aparador ko.
Agad akong tumayo at tinulungan ko si Inday.
" Uy Erika ako na lang jan magpahinga ka na lang ". Sabi sa akin ni Inday.

BINABASA MO ANG
Same | LizQuen
FanfictionMukhang nakahanap na ako ng katapat ko... Characters: - Enrique Gil as Jason Walls - Liza Soberano as Erika Marco - Oh Sehun as Hiro Park Others - Mr. Ian Marco, father of Erika - Mrs. Hannah Walls, mother of Jason - Lea, friend of Erika - Sassy, fr...