Jason's POV.
Saan naman nila dadalhin si Erika? Baka kung ano pa ang tanungin nila Lea at Sassy kapag sumunod ako sa kanila. Dito na lang ako.. mamaya ko na lang aalamin kung ano na ang nangyari kay Erika. Pagkatapos ng lunch break bumalik na ako sa classroom.
Umpisa na yung last class namin. Pero hindi pumasok sa klase si Erika. A-ano na kaya ang nangyari sa kanya ngayon? Kinakabahan na ako.. masyado na akong nag-aalala para sa kanya. Pagkatapos ng klase nagmamadali akong lumabas sa kwarto.
Wait kailangan ko munang malaman kung saan nila dinala si Erika kanina. Paglabas nila Lea at Sassy sa classroom namin. Hindi nila ako napansin at nakasunod lang ako sa likod nila. P-papunta sila sa clinic ng school. A-ano naman yung ginagawa ni Erika dito?
M-may nangyari bang masama sa kanya? Nag-aalala na ako sobra. Pinauna ko muna sina Lea at Sassy papasok sa loob ng clinic. Naghantay ako sa tapat ng pintuan ng clinic. Hihintayin ko munang makalabas sina Lea at Sassy bago ako pumasok sa loob.
Erika's POV.
Dahan-dahan kong dinilat yung mga mata ko nung mapansin kong parang may pumasok sa loob ng clinic. Pagdilat ko nakita ko agad sina Lea at Sassy. Sabay silang lumapit sa akin.
" Bes, kamusta na yung pakiramdam mo? ". Tanong ni Lea.
" Medyo ok ok na rin yung pakiramdam ko ngayon.. ". Nginitian ko silang dalawa.
" Bes, may tanong lang ako sayo. B-bat parang nag-iiwasan kayo ni Jason? M-magkagalit ba kayo ngayon? ". Dahan-dahan akong umiwas ng tingin sa kanilang dalawa.
" A-ayaw ko muna siyang pag-usapan ngayon.. sige na mauna na kayo gusto ko munang mapag-isa ngayon ". Nginitian ako ng dalawa.
" Sige Bes, mauna na kami ha ". Nakangiting sinabi sa akin ni Lea.
" Mag-iingat ka dito ha ". Sabi naman ni Sassy. Nginitian ko muna sila bago sila umalis.
Paglabas nila sa clinic dahan-dahan ko na ulit pinikit yung mga mata ko. Gusto ko pang magpahinga ngayon.. mamaya na lang ako uuwi.
Jason's POV.
Nung nakita kong lumabas na sina Lea at Sassy sa loob ng clinic. Nagkaroon na ako ng pagkakataong dalawin si Erika. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob ng clinic. A-anong nangyari kay Erika? Dahan-dahan akong naglakad palapit kay Erika.
Nakita ko na nagpapahinga siya. H-hindi niya ako pwedeng makita kaya nagulat ako nung bigla siyang dumilat. Agad akong nagtago nung dumilat siya kaya hindi niya ako nakita. Kung alam mo lang Erika gustong-gusto ko ng mahawakan yung mga kamay mo.
" M-may tao ba jan? ". Nanlaki yung mga mata ko nung marinig kong nagsalita si Erika.
Gustong-gusto kong magsalita pero.. hindi pwede. Kailangan kong panindigan 'to.. kailangan na kailangan.
" Kung sinoman yung tao jan.. magpakita ka na ". Baka tumayo siya at makita niya ako.. kailangan ko nang magpakita sa kanya.
Dahan-dahan akong nagpakita kay Erika. Pagkakita niya sa akin biglang nanlaki yung mga mata niya. Tapos nagkatitigan kami nang matagal.
" J-Jason? A-anong ginagawa mo dito? ". Hindi na ako lumapit kay Erika.
" Kukuha lang sana ako ng gamot para sa sakit sa ulo pero.. wala na akong mahanap. Sige aalis na din ako sorry kung naisturbo kita ". Palusot ko. Tumalikod na ako at naglakad na ako.

BINABASA MO ANG
Same | LizQuen
FanficMukhang nakahanap na ako ng katapat ko... Characters: - Enrique Gil as Jason Walls - Liza Soberano as Erika Marco - Oh Sehun as Hiro Park Others - Mr. Ian Marco, father of Erika - Mrs. Hannah Walls, mother of Jason - Lea, friend of Erika - Sassy, fr...