Couple Key Chain

511 14 0
                                    

Hiro's POV.

Tsk.. ano naman kaya yung nagawa ni Jason para sagutin siya ni Erika? Kasalanan ko din 'to. Kung hindi ako nagpakamanhid. Dapat hanggang ngayon kami pa rin ni Erika. Pero.. ang tanga-tanga ko eh. Sa huli ako din ang talo.

Erika's POV.

Ano kaya yung nangyari kay Hiro? Bat ganun yun? Uwian na pala. Sabay kaming naglalakad ni Jason papunta sa bus stop. Pero naglalakad ako na parang wala sa sarili. Iniisip ko kasi si Hiro. Ok lang ba siya? Ano ba yan nag-aalala tuloy ako.

Nagulat ako nung bigla akong ginulat ni Jason. Argh.. kaya nasapak ko yung braso niya.

" Aray! ". Tapos natawa na din ako.

" Uy.. sorry ikaw kasi eh. Nangggulat ka ". Tumingin sa akin si Jason.

" Ginulat kita kasi parang wala ka sa sarili mo. Ok ka lang ba? ". Tanong ni Jason sa akin.

" Sa totoo lang hindi eh ". Nanlaki naman yung mga mata ni Jason nang dahil sa sinabi ko.

" Oh.. bakit? May nangyari ba sayo? ". Wow! Over protective tong boyfriend ko ha.

" Wala nag-aalala lang ako kay Hiro. Parang.. wala kasi siya sa mood kanina eh ". Biglang sumimangot yung mukha ni Jason nung marinig niya yung pangalan ni Hiro.

" Tsk.. pabayaan mo na yun. Halikana umuwi na tayo ". Ang bad mo naman.

" Hindi ko pwedeng pabayaan yun. Kaibigan ko din yun noh ". Tumingin sa akin si Jason.

" Yun nga eh. Kaibigan mo lang yun at ako.. ako yung boyfriend mo kaya halikana ". Tsk.. Oo na, eto na oh.

Pagkatapos pinagpatuloy na namin yung paglalakad papunta sa bus stop.

Kinagabihan.

Jason's POV.

Wala nanaman akong magawa. Ay wala nga pala kaming pasok bukas. Baka pwede kong yayain si Erika na lumabas kaming dalawa bukas? Tama! Pwedeng-pwede! Agad kong kinuha yung cellphone ko at tinawagan ko si Erika.

" Hello Erika ".

" Hmm napatawag ka? ". - Erika.

" Wala tayong pasok bukas.. ".

" Oh.. alam ko, ano naman? ". - Erika.

" Pwede tayong lumabas? Yung parang-- ".

" Date? ". - Erika. Uy paano mo nalaman hahahah!

" Parang ganun na nga ".

" So hindi ka pa sure kung date. Papayag ako kung ikaw yung gagastos ng lahat ". - Erika. Grabe siya..

" Hmm.. ako na yung bahala sa lahat ng gastusin ". Yari ako bukas.

" Good.. okay payag na ako ". - Erika.

" Yes! Susunduin kita ng mga 9am ha ".

" Hmm.. sige hihintayin na lang kita ". - Erika.

" Sige na.. magpahinga ka na para full energy ka bukas ".

" Ikaw din.. goodnight ". - Erika. Napangiti naman ako doon.

" Goodnight my princess.. ".

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon