Erika's POV.
Ang aga-aga nasira na kaagad yung araw ko. Bat naging kaklase ko pa tong itlog na 'to?! Hay~ nakakainis naman, tapos katabi ko pa. Natapos na yung klase. Lunch na. Pagbell ng school bell, tumayo na agad ako pero biglang hinawakan ni Jason yung right wrist ko.
" Hoy! Bat mo ako hinawakan?! ". Agad kong inalis yung kamay niyang nakahawak sa right wrist ko. Nakakainis ka na sobra!
" Bawal ka bang hawakan? Magpapasama lang sana ako sayo, iikot mo naman ako dito. Hindi ko kasi alam yung mga facilities dito eh ". Grr. Bat ko gagawin yun?!
" Hoy! Bago ka pa lang dito ha. Layuan mo ako! ". Pagkatapos lumabas na ako ng classroom. Argh! Nakakainis siya!
Jason's POV.
Ang taray talaga ng babaeng yun. Nagpapasama lang naman eh. Napalingon ako sa likod ko nung may lumapit sa aking dalawang lalaki.
" Hi, ako nga pala si Liam ". Nice, Liam Payne?
" Ako naman si Kenzo. Halika kami na lang yung magto-tour sayo dito ". Nice, magkakaroon kaagad ako ng mga kaibigan.
Pagkatapos sabay na kaming lumabas sa classroom. Pumunta kami sa library, pool area, basketball area, football area, at sa corridor ng school. Grabe, ang lawak-lawak pala dito. Kung maglalaro ng tago-taguan dito, mahihirapan maghanap yung taya. Dahil sa dami ng sulok na pwedeng taguan dito.
Tumambay muna kaming tatlo sa canteen. Naupo lang kami doon at kumain na din. Seryoso akong kumakain nang bigla kong makita yung mataray na babae. Tsk. So ngayon tumatawa siya, porket kasama lang niya yung mga kaibigan niya. Hay~ kaplastikan niya.
" Uy, nakita namin yung ginawa mo kay Erika ha ". E-Erika ang pangalan niya.
" M-may mali ba sa ginawa ko? ". Sabay silang tumingin sa akin.
" Oo meron! ". Sabay pa silang nagsalita. My goodness! Yung tenga ko.
" Ano naman? ". Wala akong alam.
" Alam mo ba wala pang nakakahawak sa kamay ni Erika, maliban lang sa kaibigan niyang sina Lea at Sassy. Ikaw pa lang yung unang lalaking nakahawak sa wrist niya! ". Oh.. talaga, grabe naman. Masyadong maarte talaga yang si Erika.
" In short.. m-madaming estudyanteng takot kay Erika. B-bakit naman? Babae lang yan oh ". Nanlaki yung mga mata nilang dalawa dahil sa sinabi ko.
" Hindi mo kilala si Erika kaya ang advice na lang namin sayo layuan mo na lang siya. Tsaka Anak siya ng principal ng school, please lang layuan mo siya ". Anak pala siya ng principal. Tsk. Hindi pa rin ako natatakot sa kanya.
Classroom.
Nag-umpisa na yung last class namin. Lahat ng mga kaklase ko ay nakikinig sa tinuturo ni Mr. Alex Garcia. Pero ako.. pinagmamasdan ko lang si Erika. Ano bang meron sayo? Bat lahat ng tao dito takot na takot sayo? Una, alam ko mataray ka, pangalawa, Anak ka ng principal, yung pangatlo?
Hindi ko alam yung pangatlo.. nanlaki yung mga mata ko nung bigla siyang tumingin sa akin. Pagtingin niya sa akin bigla niya akong tinarayan at sabay umiwas na siya ng tingin. Wow ha! Ang taray-taray mo talaga! Pero walang makakatalo sa pagiging bad boy ko.
Uwian na. Paglabas ko ng school. Nakita ko na kasama ni Erika ang dalawa niyang kaibigan. Tsk.. susundan sana kita eh. Hay~ wag na nga.. kailangan ko nang magpahinga napagod kaya ako.
BINABASA MO ANG
Same | LizQuen
FanfictionMukhang nakahanap na ako ng katapat ko... Characters: - Enrique Gil as Jason Walls - Liza Soberano as Erika Marco - Oh Sehun as Hiro Park Others - Mr. Ian Marco, father of Erika - Mrs. Hannah Walls, mother of Jason - Lea, friend of Erika - Sassy, fr...