Stay Away From My Daugther

483 11 0
                                        

Kinabukasan.

Erika's POV.

Grabe basang-basa ako sa ulan kagabi. Pero nakalimutan ko yun nung halikan ako ni Jason. Naganap yung first kiss namin kahapon at sa may ulan pa talaga. Hinding-hindi ko makakalimutan yung araw na yun. Siguro baka matagal pa ako bago makapagmove-on.

Pero ngayon kailangan ko munang maligo at mag-ayos nang sarili. May pasok pa kaya kami. Baka anjan na nga si Jason eh. Hinahantay ako. Kailangan ko ng magmadali. Bumangon na ako at dumiretso agad ako sa loob ng cr para maligo.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko lumabas na ako sa kwarto ko. Paglabas ko hindi na ako nagtagal sa loob ng bahay namin at lumabas na ako agad. Paglabas ko sinalubong agad ako ni Jason. Sabi na nga andito na 'to eh.

" B-buti hindi ka nakita ni Papa.. maaga yun pumapasok eh ". Nginitian niya ako.

" Magaling ako magtago eh ". Natawa ako sa sinabi niya. Tapos sabay na kaming naglakad papunta sa bus stop. Baka malate pa kami eh.

School.

Nag-umpisa na yung klase namin. Actually, P.E class namin ngayon kaya nasa schoolground kami. Pinaglaro muna ng P.E teacher namin yung mga boys ng basketball. Kami naman pinaglaro ng volleyball. Ay magaling ako dito. Wala pang nakakatalo sa akin dito.

Masaya kaming naglalaro nang biglang may bumato sa akin. Natamaan ako sa ulo. Aray! Bola yun ha! Ang sakit nun. Sinong baliw na bumato sa akin?! Agad akong lumingon sa likod ko at si Ashley lang naman yung nakita ko.

Tsk papansin din tong babaeng 'to eh. Dahan-dahan akong lumapit kay Ashley nang nakasimangot. Paglapit ko sa kanya tiningnan din niya ako. Wow! Tinatarayan mo pa talaga ako ha.

" Gusto mo ba talagang mapahiya dito? Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi na ako yung Erika na nakilala mo dati. Yung binubully mo lang dati. Iba na ako kaya kung ayaw mong mapahiya wag kang magpapansin ". Pagkatapos parang nahiya yung pagmumukha ni Ashley dahil sa mga sinabi ko sa kanya. Tapos lahat ng mga kaklase kong babae napatingin sa kanya kaya mas lalo siyang nahiya.

Buti nga sayo.. para malaman ko kung sino yung kinakalaban mo. Pagkatapos pinagpatuloy na namin yung paglalaro ng volleyball.

Lunch na. Sabay-sabay kami nila Jason, Lea, Sassy, Liam at Kenzo pumunta ng canteen. Tapos sabay-sabay na din kaming kumain doon. Ang saya-saya talaga kapag kasama mo yung mga kaibigan mo.

" Grabe hindi niyo nakita yung ginawang pagpapahiya ni Erika kay Ashley kanina ". Sabi ni Lea. Uy tumigil ka nga nakakahiya hahahah!

" Ay oo.. ang tapang tapang talaga ng bestfriend namin ". Sabi ni Sassy tapos inakbayan niya ako.

" Sayang hindi namin nakita pero alam naman namin na si Erika yung pinakamatapang na babae dito sa campus ". Sabi ni Liam sa akin. Minsan lang magsalita ng ganyan yan pagbigyan na lang natin.

Napangiti naman ako sa mga sinabi ng mga kaibigan ko. Hay~ mamaya na kayo magsalita jan kumain muna tayo. Habang kumakain kami biglang lumapit sa akin yung Secretary ni Papa. Oh.. a-ano naman kaya yung kailangan nito?

" Miss Erika, kailangan mong sumama sa akin. Magsho-shoot ka ng new commercial para sa graduation niyo. Halikana.. ". Huh? Wala naman nasabi sa akin na may shooting ngayon.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon