Erika's POV.
Ano ba tong si Sassy, moment namin kanina ni Jason eh. Tapos bigla tong umeksena. Hay~ hayaan mo na lang Erika, kaibigan mo 'to eh. Mahigpit na mahigpit yung yakap ni Sassy sa braso ko. Ayaw mo ba akong pakawalan?
Nakabalik na kami sa classroom. Tapos hinayaan na ako ni Sassy na umupo sa upuan ko. Pag-upo ko, nakita ko na umupo na din si Jason sa upuan niya. Tumingin kami sa isa't isa at sabay ngumiti kami sa isa't isa. Tsk.. namiss ko yung ngiti niya lol XD.
Hiro's POV.
Nakita ko yung dalawa. Parang may something talaga sa kanila eh. Sila na ba? Tsk.. hindi, hindi papatulan ni Erika yung kagaya ni Jason. Ako lang kaya yung laman ng puso ni Erika at wala nang iba. Nabigla ako nung kinausap ako ni Ashley.
" Hiro.. ok ka lang? ". Saglit akong tumingin kay Ashley tapos dahan-dahan na akong tumingin ulit kay Erika.
" Hmm.. ok lang ako ". Nagtaka ako nung bigla siyang tumawa. Hala, nabaliw na.
" Tsk.. palusot ka pa. Nagseselos ka noh? Wag mong pagbibigyan ng panahon yang si Erika. Wala kang mapapala jan, mapang-panggap yan eh. Nagpapanggap lang yan na matapang pero dati.. napakahina nyan ". Tsk.. wala akong pakealam sa mga pinagsasabi mo.
Hindi ko na lang sinagot si Ashley baka mag-away pa kami nito. Tsaka kailangan ko tong respetuhin.. babae 'to eh.
Erika's POV.
Tapos na yung klase, ibig sabihin uwian na. Napansin ko na lumabas na si Jason. Oh.. hindi man lang niya ako hinantay. Tsk.. yung siraulong yun talaga. Hay~ makalabas na nga kaya agad ko nang binitbit yung bag ko at lumabas na ako sa classroom namin.
Paglabas ko nagulat ako nung biglang sumalubong sa harap ko si Jason.
" Kanina pa kita hinahantay.. ang tagal mo naman lumabas ". Wow!
" Sorry Boss ha.. ". Natawa naman siya nang dahil sa sinabi ko.
Nasira nanaman yung moment namin ni Jason nung lumapit sa amin si Sassy. Argh.. nman~
" Oh.. magkasama ulit kayo. Uy baka may iba nang nangyayari sa inyong dalawa ha ". Biglang bumulong si Jason.
" Ano ba yan, may epal ". Kaya agad kong sinikuhan si Jason.
" Ah.. Sassy, hindi ka pa uuwi? ". Tumingin ako kay Sassy.
" Uuwi na.. sabay na tayong lumabas. Sa iba yung daan ni Lea ngayon eh. Sabay na lang tayo Erika ". Napansin ko na parang nag-iba yung mood ni Jason.
" Ah.. sige halikana ". Tapos hinatak ko na si Sassy.
Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Sassy habang naglalakad. Tapos si Jason nakasunod lang sa likod namin. Nung maglalakad na sa ibang daan si Sassy bigla niyang napansin si Jason.
" Oh.. andidito ka pa rin. Erika magtapat ka nga, ano yung status niyong dalawa ngayon? Nakakapagtaka na eh.. ". Nginitian ko si Sassy.
" May plinaplano lang yan sa akin. Sige na, umuwi ka na baka hinahanap ka na ng mga magulang mo. Ba-bye na~ ". Nginitian din ako ni Sassy tapos nagpaalam na din siya sa akin. Pagkatapos naglakad na siya palayo.
Paglayo ni Sassy, lumapit na sa akin si Jason.
" Hindi na ba babalik yun? ". Natawa ako nang dahil sa tanong ni Jason.

BINABASA MO ANG
Same | LizQuen
FanfictionMukhang nakahanap na ako ng katapat ko... Characters: - Enrique Gil as Jason Walls - Liza Soberano as Erika Marco - Oh Sehun as Hiro Park Others - Mr. Ian Marco, father of Erika - Mrs. Hannah Walls, mother of Jason - Lea, friend of Erika - Sassy, fr...