Lost

519 15 0
                                    

Jason's POV.

Pumasok na kaming lahat sa isang malaking kubo. Dito kami matutulog? Magkasama babae at lalaki?! Hala, hindi ata pwede yun.

" Class.. ok makinig muna kayo! Dito ang magiging tulugan ng mga girls. Ok lahat ng mga boys! Sumunod kayo sa akin. Girls, pwede na kayong mag-ayos ng mga gamit niyo dito ". Huh? Aww.. magwawalay na kmi ni Erika. Mamimiss ko yung mukha niya.

Agad akong hinatak palabas nila Liam at Kenzo. Tapos sinundan namin si Sir Alex. Saan naman kaya kmi matutulog?

" Uy pare.. sabihin mo nga sa amin. Nililigawan mo na ba si Erika? ". Tanong ni Liam. Hindi ba nila alam? Ay hindi ko nga pala nasabi sa kanilang dalawa.

" Tsk.. sundan na lang natin si Sir Alex. Wag na nga kayo tanong nang tanong jan ". Pagkatapos agad na akong naglakad palayo sa kanila. Baka kung pa ang itanong ng dalawa sa akin.

Pagdating namin sa isang malaking kubo din. Agad na naming inayos yung mga dala-dala naming mga gamit. Seryoso kong inaayos yung mga gamit ko nang bigla akong tabihan nila Liam at Kenzo. Hay~ hulaan ko magtatanong nanaman tong dalawang 'to.

" Sabihin mo na kasi yung totoo. Pare.. nililigawan mo na si Erika noh? ". Napangiti ako sa tanong ni Liam.

" Maging totoo ka naman kaibigan mo naman kami eh. Oh eto magpapakatotoo na ako. Crush ko yung kaibigan ni Erika na si Sassy ". Sabi ni Kenzo. Tsk.. natawa naman ako doon.

" Eto na eto na.. sasabihin ko na. Please.. sa atin-atin lang 'to ha. Ayaw kong kumalat 'to ". Nakangiti silang lumapit sa akin.

" Sige sige quiet lang kaming dalawa ". Natawa ako sa dalawa. Mga siraulo din parang ako.

" Nililigawan ko na siya.. ok na? ". Nagulat ako nung sumigaw at pinagtutulak ako nila Liam at Kenzo.

Aray! Ko! Hoy! Mukha kayong mga babae. Tumigil nga kayong dalawa! Baka may makarinig sa inyo dito. Hoy! Tigil na!

" Hoy! Wag nga kayong maingay! Sabi niyo hindi kayo mag-iingay diba? Pag nalaman kong kumalat tong sinabi ko sa inyo. Yari kayong dalawa sa akin ". Nginitian ako ng dalawa.

" Promise sa atin-atin lang 'to ". Sabay nilang sinabi sa akin.

Pagkatapos bigla na kaming tinawag ni Sir Alex. Start na ba kami sa mga activities namin? Agad kaming lumabas ng kubo. Paglabas naming lahat ng boys nasa labas na din yung mga girls. Hinanap ko si Erika hanggang sa makita ko na siya.

Napangiti ako nung nakita ko siya. Baka may manira nanaman ng araw ko kaya agad akong tumabi kay Erika. Nagulat naman siya nung makita niya ako.

" Oh.. anong ginagawa mo dito? ". Tanong niya sa akin.

" Bawal ba dito? Gusto kitang makatabi eh ". Tinarayan lang ako ni Erika. Tsk.. kinilig ka noh?

Erika's POV.

Siraulo talaga tong si Jason. Tsk.. pabayaan mo na. Pumunta na si Sir Alex sa harap naming lahat.

" Ok class humanap kayo ng isang magiging kapartner niyo. Bilis! ". Nung maglalakad ako biglang niyakap ni Jason yung braso ko.

" Uy! Tumigil ka nga! ". Nakangiti siyang tumingin sa akin.

" Partner na tayo ha. Wag ka nang umalis dto ka lang ". Hay~ may magagawa pa ba ako?

Pagkatapos sinundan na namin si Sir Alex. Napunta kami sa isang bundok. Tapos pinagpatuloy na namin yung paglalakad. Woah.. ang ganda ng view. Malapit-lapit na ba kami sa tuktok lol~ Seryoso kong tinitingnan yung paligid. Nang bigla akong marinig na click ng camera.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon