Break Up

446 13 0
                                    

Erika's POV.

Ano bang mangyayari ngayon? Wla kaming imikan ni Jason. As in nakaupo lang kaming dalawa. Wala talagang imikan. Nahihiya ba siyang magsalita? Ano na ba ang mangyayari? Napatigil lang ako sa pag-iisip nung tumingin sa akin si Jason.

" Pupunta ka pa ba sa U.S? ". Huh? Nasabi ko na yun sayo ah.

" Hindi.. diba alam mo na yun? Tulad nga ng sabi ko sayo.. hindi kita iiwanang mag-isa ". Nginitian ko siya pero nakatingin lang siya sa akin tapos dahan-dahan siyang umiwas ng tingin sa akin.

O-ok lang ba 'to?

" J-Jason.. ok ka lang ba? ". Hindi na siya tumingin sa akin.

" Lilipat na ako. Lilipat na kami ni Mama sa ibang lugar. Ibig sabihin lilipat na din ako sa ibang school ". Napatulala ako sa sinabi ni Jason.

" K-kailan kayo lilipat? ". Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

" Pagkatapos ng graduation natin kaya ituloy mo na yung pagpunta mo ng U.S wag mo na akong isipin pa.. ". H-huh?

" A-anong ibig mong sabihin? ". Dahan-dahan siyang umiwas ng tingin ulit sa akin.

" A-ang ibig kong sabihin.. l-let's break up.. ". Nanlaki yung mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Jason.

" E-excuse me? Jason a-anong pinagsasabi mo? ". Hindi na ulit siya tumingin sa akin.

" Hindi na rin tayo magkikita kapag nakalipat na kami. Hindi na magiging maganda yung relationship nating dalawa dahil malayo na tayo sa isa't isa. Ayaw ko nang ganun.. kaya maghiwalay na lang tayo ". Bigla nang tumulo yung luha ko nang dahil sa sinabi ni Jason.

" A-ano na ba ang nangyayari sayo? Bat mo yan sinasabi? Diba sabi mo walang iwanan?! ". Dahan-dahan siyang tumayo.

" Tapos na tayo.. wag ka na ulit lalapit pa sa akin ". Pagtayo niya tumayo din ako at tumingin sa kanya.

Kinuha ni Jason yung cellphone niya at dahan-dahan niyang tinanggal yung keychain. Sabay kinuha niya yung kanang kamay ko at nilagay niya doon yung keychain.

" Sana.. maging mabuti yung bagong buhay mo nang wala ako. Sige.. aalis na ako ". Iyak na ako nang iyak. H-hindi..

Paglakad ni Jason palayo sa akin. Agad ko siyang hinabol at hinawakan ko yung kaliwang kamay niya para pigilan siya.

" Jason! ". Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

Wag.. wag mong gawin 'to. Please Jason wag kang sumuko. Wag kang umalis. Jason..

Nabigla ako nung dahan-dahang tinanggal ni Jason yung kamay kong nakahawak sa kaliwang kamay niya. Pagkatapos tumalikod na soya at pinagpatuloy na niya ang paglalakad palayo sa akin. Paglakad niya hindi ko na napigilang umiyak. Iyak na ako nang iyak.

Baka bumaha na dito dahil sa mga luha ko. H-hindi ko akalaing sasabihin ni Jason yun ngayon. Ok naman kami kahapon ah. A-anong nangyari? B-bat ganito? S-si Papa nanaman siguro ang may pakana nito. Pero.. bat nagpatalo si Jason?

Jason's POV.

Sa loob ng kwarto ko.

Pinipigilan ko yung pag-iyak ko kanina. Ayaw kong makikita ako ni Erika na umiiyak kaya dito ko na lang ibubuhos yung mga luha ko sa loob ng kwarto ko. A-ang sakit.. ang sakit sobra. Gusto ko siyang puntahan para sabihin kay Erika na I'm sorry. Hindi ko siya gustong saktan.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon