Falling In Love

565 20 0
                                    

Erika's POV.

Tinext ko na si Jason. Baka kasi ang bagal lang niya maglakad. Maunahan pa siya ni Sir Alex. Pagtingin ko sa pinto ng classroom namin. Napangiti ako nung makita ko si Jason. Tsk.. pagod na pagod. Hahahah! Tumakbo ata 'to. Nagkatitigan kaming dalawa at sabay kaming ngumiti sa isa't isa.

Nag-umpisa na yung first class. Seryoso akong nakikinig sa tinuturo ni Sir Alex nang bigla akong mapatingin kay Jason. Nakita ko na nakatingin siya sa bintana. Siguro pinagmamasdan niya yung mga ulap sa langit. Napatagal yung pagtingin ko kay Jason.

Kaya nung bigla nang humarap si Jason. Hindi ko na naalis yung mga mata ko sa kanya. Hala! Nagslow-motion siya sa mga mata ko. Tapos.. tapos.. bumilis nanaman yung tibok ng puso ko. Hala! Eto nanaman yung nararamdaman ko. Ano ba ang ibig sabihin nito? Nagkakagusto na ba ako kay Jason?

Nabigla ako nung hinarap ni Jason yung mukha ko kay Sir Alex. Hala, bat niya yung ginawa?

" Wag mo akong titigan.. baka matunaw ako nyan. Tsaka mahuli ka pa ni Sir Alex at akalain niyang hindi ka nakikinig. Baka mapagalitan ka pa nang dahil lang sa akin. Makinig ka na lang.. ". Pagkatapos napansin ko na ngumiti si Jason kaya napangiti na din ako. Hindi ko na napigilan eh kaya eto napangiti ako.

Uwian na.

Kasabay ko sina Lea at Sassy, masaya kaming nag-uusap habang naglalakad kami palabas ng school. Nang bigla kaming mapahinto nung humarang si Jason sa harap namin.

" Uy, tumabi ka nga.. ". Sabi ko sa kanya. Pero tinarayan niya ako. Edi WOW!

" Sino ka para utusan ako? ". Hay~ nangba-badtrip nanaman siya.

" Jason.. ". Humarap bigla si Jason sa kanila Lea at Sassy.

" Mga Dudes.. sabay kami ngayon ni Erika kaya magpaalam na kayo sa kanya ". Ano?!

" Ay, ganun ba sige Erika mauna na kami ni Sassy ". Hala, wait wag muna kayong umalis. Agad kong pinigilan yung dalawa.

" Teka lang, wala pa tayo sa labas ng school oh. Doon na lang tayo maghiwa-hiwalay sa labas ". Nginitian na lang nila ako. Pagkatapos sabay sabay na kaming lumabas sa school.

Paglabas namin, nagpaalam na sina Lea at Sassy sa akin. Tapos naglakad na sila palayo kaya kaming dalawa na lang ni Jason yung magkasama. Parang sira 'to eh, ano solo mo ako palagi? Nabigla ako nung hinawakan ni Jason yung braso ko.

" Halikana, baka mawalan pa tayo ng upuan sa bus ". Huh?

" Ang daming-daming bus eh. Hindi tayo mauubusan ". Tumingin siya sa akin nang seryoso.

" Sumunod ka na lang.. ". Wow ha. Pagkatapos sabay na kaming naglakad ni Jason papunta sa bus stop.

Pagdating namin doon sakto may bus na nakatigil kaya agad na kaming sumakay sa loob. Hala, walang bakanteng upuan. Ayun.. may umalis na isang tao. Pero.. paano naman si Jason? Dahan-dahan akong tumingin kay Jason.

" Oh bakit? Umupo ka na doon ". Sabi niya.

" Eh paano ka? ". Biglang ngumiti si Jason.

" Nag-aalala ka sa akin? Tsk.. ikaw naman ". Anong sabi mo?! Tinarayan ko na lang si Jason at agad na akong umupo sa isang bakanteng upuan.

Nakatayo lang si Jason sa gilid ko. Wow, binabantayan mo ako? Ang tagal-tagal nang nakatayo ni Jason. Wala bang baba? Nangangawit na ata yung mga paa nito. Nakakaawa naman tsk mabuti lang yan sa kanya. Hindi pa rin nakakaupo si Jason hanggang sa nakadating na kami sa bababaan naming dalawa.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon