Together Again (The End)

916 27 1
                                    

Jason's POV.

Naglakad na lang ako pauwi sa bahay. Nawalan ako nang gana bigla eh. Hindi ko man lang nagawang makipag-ayos kay Erika ngayon. Bukas graduation na namin baka depressed na depressed siya. Baka iniisip niya.. hanggang bukas na lang niya ako makikita.

Bukas na bukas pagkatapos ibigay sa akin yung diploma. Makikipag-ayos na ako sayo. Sasabihin ko ang mga salitang hindi ko masabi sayo nung magkahiwalay tayong dalawa. Pangako.. Erika magkakaayos na tayo. Sana masalubong man lang kita ngayon.

Napahinto ako ng paglalakad nung mapansin kong nasa harap na pala ako ng bahay nila Erika. Dahan-dahan akong tumingala para tingnan kung nakasilip ba si Erika sa bintana ng kwarto niya. Pero.. wala siya eh. A-ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

Erika's POV.

Nakaupo lang ako sa upuan ko. Pinagmamasdan ko lang yung mga pictures naming dalawa ni Jason. Ang saya saya pa namin dati. Pero ngayon.. parang naglaho bigla yung kasiyahan na yun. Nakaayos na din yung mga gamit ko na dadalhin ko papunta sa U.S bukas.

Talaga bang matutuloy kami? Ayaw kong sumama.. mababaliw talaga ako kapag hindi ko na nakita si Jason. Hindi ko kaya eh. Hindi ko talaga kaya.

Jason's POV.

Hindi na sumilip pa si Erika. Baka nag-aayos na siya ng mga gamit niya. Pupunta na sila sa U.S bukas eh. Pero hindi niya alam na hindi siya matutuloy. Dahil magkakabalikan na kami bukas. Kailangan surprise.. hahahah hulaan ko iiyak yan si Erika.

Makauwi na nga para makapaghanda ako para sa sasabihin ko bukas. Kakapalan ko lang yung mukha ko at magsasalita ako sa madaming estudyante. Parang nahihiya ako eh.. pero ako si Jason Walls wala akong kinakatakutan.

Agad na akong naglakad palayo sa bahay nila Erika.

[walang kaalam-alam ang dalawa na paglakad ni Jason palayo sa bahay nila Erika bigla namang lumabas si Erika sa bahay nila kaya hindi pa rin sila nagkita]

Erika's POV.

Lumabas ako sa bahay tumawag si Lea eh. Kumain daw kami sa labas kasama si Sassy. Huling araw na bukas eh. Hindi na namin magagawa 'to. Aalis na ako eh. Hay~ mamimiss ko yung dalawang itlog na yun. Pagkatapos kong magdrama naglakad na ako.

Pagdating ko sa restaurant na sinabi ni Lea. Pagpasok ko sa loob nakita kong nakaupo na sila at masayang nag-uusap kaya agad akong lumapit sa dalawa. Ang saya saya ha. Wait akala ko ba kami lang tatlo.. bat kasama tong sina Liam at Kenzo?

" Uy bat kasama tong dalawa? ". Tanong ko sa dalawa.

" Bes kaibigan na din natin sila kaya kailangan kasama din sila dito ". Kaibigan lang ba talaga?

Umupo na ako sa tabi ni Sassy. Tapos nag-usap-usap na kami.

" Grabe hanggang bukas ka na lang namin makikita Bes. Mamimiss kita! ". Sabi sa akin ni Lea tapos bigla niya akong niyakap. Uy tama na hindi ako makahinga.

" Tama nga Bes.. mamimiss din kita! ". Nagulat ako nung niyakap din ako ni Sassy.

" Erika! Mamimiss ka din namin! ". Sabay na sinabi sa akin nla Liam at Kenzo tapos lumapit sila sa akin. Yayakapin niyo din ako?!

Agad akong tumayo paglapit sa akin nila Liam at Kenzo.

" Hoy! Sige subukan niyong ituloy yang plinaplano niyo. Mayayari kayo sa akin ". Pagsabi ko nun dahan-dahang bumalik sina Liam at Kenzo sa upuan nila.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon