Falling In Love

588 16 0
                                    

Erika's POV.

Dumaan muna ako sa comfort room para ayusin yung sarili ko. Matagal kong tinitigan yung sarili ko sa salamin. Ako si Erika Marco.. ang babaeng matapang at walang kinakatakutan. Hindi na ako kagaya ng dati.. hindi na ako isang talunan. Hindi na ako magiging ganun.. hindi na.

Pagkatapos naisipan ko nang bumalik sa classroom. Mag-uumpisa na din yung last class namin. Seryoso akong naglalakad. Nung malapit na ako sa classroom bigla akong napahinto sa paglalakad nung makasalubong ko bigla si Hiro.

Nagkatitigan kaming dalawa. Mukha kaming ewan. Gusto kong ibuka yung bibig ko pero.. hindi ko magawa at nakikita ko na parang gusto ding magsalita ni Hiro. Pero naalala ko yung sinabi niya sa akin.. layuan ko siya. Sige.. kung yun ang gusto mo gagawin ko.

Agad na akong umiwas ng tingin sa kanya at pumasok na ako sa loob ng classroom namin. Pagpasok ko umupo na ako sa upuan ko at kinausap ko na lang sina Lea at Sassy.

Hiro's POV.

Gusto kong magsalita kanina. Pero.. hindi ko magawa. Ewan ko bakit pero parang napipi ako knina. I-iniiwasan na niya ako.. tinototoo na niya yung sinabi ko sa kanya. Nagalit lang naman ako nun eh. Hindi ko sinasadya yung nasabi ko. Please Erika, magparamdam ka ulit sa akin.. katulad nung dati.

Napatigil ako nung bigla akong hinatak ni Ashley papasok sa loob ng classroom. Oh.. eto nanaman siya bakit ba feeling close 'to sa akin?

" Sabay na tayong umupo doon ". Tumango na lang ako. Hay naku~ may magagawa pa ba ako?

Jason's POV.

Uwian na. Nauna akong lumabas sa school. Kailangan kong hintayin si Erika. Ililibre niya ako ngayon eh. Tahimik lang akong nakatayo sa labas ng school. Nang bigla ko ng nakita si Erika. Agad ko siyang hinarangan.

" Oops.. wait lang ". Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

" Saan gusto mong kumain? ". Saan ba masarap? Ah! alam ko na. Agad kong hinawakan yung left hand ni Erika.

" Halika sumunod ka na lang sa akin ". Sa pagkakataong ito, hindi na pumalag si Erika sa paghawak ko sa wrist niya.

Pumunta kami sa malapit na restaurant at doon ako nilibre ni Erika. Ymm.. ang sarap ng mga pagkain dito. Ang sarap ulit-ulitin pero baka naman maubos yung pera ni Erika nang dahil sa akin. Mahiya ka naman, Jason. Wait, bat parang hindi kumakain si Erika?

" Hindi ka ba gutom? ". Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

" Alam mo ba kung ano ngayon? ". Huh? Ano nga ba?

Bigla niyang pinakita sa akin yung cellphone niya. Oh.. yung sikat na artista yan ah si.. Ms. Kendra Ramirez. Bakit.. anong meron sa kanya ngayon?

" Siya yung Mama ko.. at premier night ngayon ng bago niyang movie ". Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi ni Erika. Napatigil tuloy ako sa pagkain at napanganga ako.

" M-Mama mo.. isang artista? ". Nabigla ako nung binatukan ako sa ulo ni Erika. Aray!

" Wag ka ngang maingay jan. Baka may makarinig sayo.. sekreto lang natin 'to ha. Malalagot ka sa akin kapag pinagkalat mo yung nalaman mo ngayon ". Hmm.

" Promise.. mananahimik lang ako, grabe Mama mo pala ay isang artista ". Tumingin siya sa akin.

" Oo na.. tama na nga yan. Wag na nating pag-usapan yung Mama ko. Kumain ka na lang jan. Bahala ka ikaw yung ipagbabayad ko jan kapag hindi ka tumigil ". Uy! Walang ganyanan. Agad ko nang pinagpatuloy yung pagkain ko. Baka ako pa yung pagbayarin nito eh.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon