Erika's POV.
Pagkatapos naming yakapin yung isa't isa. Nagtitigan kaming dalawa. Nanlaki bigla yung mga mata ko nung nilalapit ni Jason yung mukha niya sa akin. H-hahalikan ba ako nito?! My goodness. Kailangan kong maging handa. Nung malapit nang magkadikit yung mga labi namin sa isa't isa.
Dahan-dahan kong pinikit yung mga mata ko. Nagulat kaming dalawa nung biglang pumasok sa loob ng classroom si Sassy. My goodness! Nakakagulat ka talaga, Sassy. Kaya agad kaming lumayo ni Jason sa isa't isa.
" Bes! Binilhan na lang kita ng makakain baka kasi nagugutom ka na eh ". Aww.. ang bait naman ng kaibigan ko.
" Uy thank you ha ". Nginitian ko siya tapos niyakap.
" Wala yun, malakas ka sa akin eh ". Natawa naman ako sa sinabi ni Sassy.
" Asaan pala si Lea? ". Umupo si Sassy sa tabi ko.
" Ayun nasa library may kailangan daw siyang gawin ngayon eh. Pero parehas kaming nagplano na bilhan ka na lang ng makakain. Yan na yan.. ". Nginitian ko ulit si Sassy.
" Salamat talaga ". Tapos biglang tumingin si Sassy kay Jason.
" Jason, gusto mo makihati ka na lang ". Nakita ko na nginitian ni Jason si Sassy.
" Sige lang.. ". Pagkatapos kumain na ako. Nagugutom na din ako eh XD.
Jason's POV.
Kahit kailan talaga epal si Sassy. Hay~ hayaan mo na lang Jason kahit ganyan yan mabait yan sayo. Tama.. pabayaan ko na lang. Hindi naman siya minsan epal eh paminsan-minsan lang naman. Nakangiti lang akong nakatingin kay Erika habang kumakain siya.
First kiss na sana natin knina eh. Pero.. biglang dumating si Sassy eh kaya hindi natuloy lol~
Uwian na. Sabay kaming lumabas ni Erika sa classroom. Tapos naglakad na kami palabas sa school. Napahinto kami sa paglalakad nung may biglang nagsalita sa gilid namin. Tsk.. eto nanaman si Ashley. Ang tagal ding hindi nagparamdam nito ah.
" Tama yung Papa mo Erika mas bagay kayo ni Hiro. Pero.. etong siraulo pa ding 'to yung pinili mo ". Edi WOW! Makasiraulo ka ah.
" May gusto lang akong ipamukha sayo.. sinasabi mo yan kasi.. walang nagkakagustong lalaki sayo. Naiinggit ka lang sa akin. Tumigil ka na.. bahala ka ikaw din ang masasaktan ". Biglang nang-init si Ashley dahil siguro sa sinabi ni Erika sa kanya. Tinarayan ni Erika si Ashley. Tapos agad na niya akong hinatak palayo kay Ashley.
Wow! Ang tapang ng girlfriend ko kaya nainlove agad ako sayo eh hahahah!
Sumakay na kami ni Erika sa bus. Tahimik lang kaming magkatabing nakaupo sa loob. Nabeast-mode nang sobra yung girlfriend ko. Kailangan ko siyang patawanin. Agad akong tumingin kay Erika.
" Erika ". Pagtawag ko sa kanya tumingin naman siya sa akin.
" Hmm? ". Nginitian ko siya.
" Use Marilao in a sentence ". Unti-unting napangiti si Erika.
" Use it ". Sana matawa siya, my goodness.
" Uy Erika, Marilao yung answer natin.. ". Napangiti ako nung natawa si Erika sa joke ko. My goodness, akala ko waley yung joke ko eh.
" Hahahah! Ang corny mo talaga. Ako meron din. Use Norway in a sentence ". Ay may handa ka din ha.
" Use it ". Hindi pa nagjojoke si Erika natatawa na ako eh.

BINABASA MO ANG
Same | LizQuen
FanfictionMukhang nakahanap na ako ng katapat ko... Characters: - Enrique Gil as Jason Walls - Liza Soberano as Erika Marco - Oh Sehun as Hiro Park Others - Mr. Ian Marco, father of Erika - Mrs. Hannah Walls, mother of Jason - Lea, friend of Erika - Sassy, fr...