Worried So Much

565 16 0
                                    

Jason's POV.

Nung nakita kong sasaktan sana ni Ashley si Erika. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad kong tinulungan si Erika. Pagkatapos hindi naman lumaban si Ashley at umalis agad siya. Pag-alis niya agad akong tumingin kay Erika.

" Bagong kaaway mo? Diba dapat ako lang yung kaaway mo? ". Nanlaki ang mga mata ko nung makita kong paluha na yung mga mata ni Erika. Hala.. naiiyak nanaman siya.

Agad na tumalikod sa akin si Erika. Ayaw niya bang nakikita siyang umiiyak? Pero.. nakita ko na eh. Nung nasa basketball court kami. N-napaiyak siya ni Ashley? Actually.. hindi ko alam kung ano yung pinag-awayan nila eh.

Pero alam ko hindi si Erika yung nauna. Siguro si Ashley. May ugali din pala yung babaeng yun. Nabigla ako nung naglakad na palayo si Erika. Gusto ko siyang sundan. Tsk. Kailangan ko siyang sundan. Agad kong sinundan si Erika.

Napahinto ako nung biglang umupo si Erika sa may hagdanan. Tahimik lang akong nakatayo sa likod niya at pinagmamasdan siya. Umiiyak siya. Naririnig ko yung pag-iyak niya. Hay~ ano ba yung pwede kong gawin? Wala akong maisip.

Last class.

Nakabalik na kami ni Erika sa loob ng classroom namin. Pagkatapos sabay na kaming umupo sa upuan namin. Napansin ko na dahan-dahang lumingon si Erika sa likod niya at nakita ko na parang nalungkot nanaman yung mukha niya. Ano nanaman ba yung nakita niya?

Paglingon ni Erika sa harap, ako naman yung lumingon sa likod. Nakita ko na masayang nag-uusap si Hiro at Ashley. Hindi ba alam ni Hiro na salbahe din yung ugali ng kinakausap niya. Wala kasi tong nararamdaman eh, napakamanhid na lalaki.

Pagkatapos dahan-dahan na akong tumingin kay Erika. Hala.. ano tong nararamdaman ko? N-naaawa ako kay Erika. Wala naman akong maisip na paraan para gumaan na yung pakiramdam niya. Hay~ ano ba 'to?

Nag-umpisa na yung last class namin. Nakatitig lang ako kay Erika na seryosong nakikinig sa tinuturo ni Mr. Alex. Nang bigla akong kinausap ni Liam.

" Pare.. nakikinig ka na pala ngayon ha ". Napatingin naman ako sa kanya. Hala hindi ha.. tinitingnan ko lang si Erika. Tsk. Bahala na nga.

Pagkatapos agad ko nang hiniga yung ulo ko sa desk ko.

Erika's POV.

Uwian na. Hindi ko na hinantay sina Lea at Sassy. Nauna na ako. Gusto ko nang umuwi eh. Parang ang daming nangyari sa akin ngayon. Kailangan kong magpahinga. Tahimik akong naglalakad nang mapansin kong may parang sumusunod nanaman sa akin.

Kaya agad akong lumingon sa likod ko. Nakita ko si Jason, na biglang tumigil sa paglalakad at pasimpleng tumingin din sa likod niya. Tsk.. ano nanaman ba ang kailangan nito?

" Ano nanaman ba ang gagawin mo? Kung may plano ka sa akin ngayon wag mo na munang gawin wala ako sa mood Jason ". Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

" Huh? Anong pinagsasabi mo? ". Grr.. iniinis nanaman ako nito eh!

" Bakit ba sunod ka nang sunod sa akin? Ano bang meron? May sasabihin ka ba? May kailangan ka ba? Bat ba sinusundan mo ako?! ". Nanlaki yung mga mata ko nung biglang sumigaw si Jason.

" Kasi nag-aalala ako! Nag-aalala ako.. ". N-nag-aalala ka.. sa akin?

" Wag ka nang mag-alala kaya ko na yung sarili ko... ". Sumigaw nanaman siya.

" Kaya? Kanina parang matatalo ka na eh. Wag mo akong pag-aalalahanin. Maging si Erika ka. Yung matapang.. yung walang makakatalo sa kanya. Tsk ". Pagkatapos naglakad na nang mabilis si Jason palayo sa akin.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon