Her Father

442 12 0
                                    

Jason's POV.

Hinatid ko na si Erika pauwi sa bahay nila. Pagdating namin doon humarap muna siya sa akin bago siya pumasok sa loob ng bahay nila. Nginitian niya ako.

" Ingat ka sa pag-uwi ha.. ". Nginitian ko din siya.

" Hmm.. ako pa, malakas na lalaki kaya 'to ". Natawa siya nang dahil sa sinabi ko.

" Tsk ang yabang mo talaga. Sige papasok na ako sa loob. Ingat ka ha. Ba-bye~ ". Nginitian ko ulit si Erika tapos dahan dahan-dahan na siyang pumasok sa loob ng bahay niya.

Pagpasok niya tumalikod na ako para umuwi na rin. Ang saya-saya ko ngayong araw. Dahil nakasama ko yung babaeng nagpatibok ng puso ko. Hay~ sana maging masaya na lang ako araw-araw. Basta kapag kasama ko si Erika nagkakaroon ng buhay yung sarili ko.

Magpahinga ka na Erika ka ha para hindi ka masyadong mapagod. Pagod na pagod ka na kanina eh. Magpahinga ka na.. makauwi na nga. Pagkatapos naglakad na ako palayo sa bahay nila Erika.

Sir Ian's POV.

Oh s-si Jason yun ah. A-anong ginagawa niya sa bahay namin? Ano na ba sila ni Erika? Hindi ako magiging masaya kapag sila na. Alam niyo namang ayaw ko sa Jason na yan. Hindi mapagkakatiwalaan yang lalaking yan.

Argh.. kailangan kong kausapin si Erika. Lumabas na ako sa sasakyan namin. Para pumasok na sa loob ng bahay namin. Pagpasok ko agad akong dumiretso sa loob ng kwarto ni Erika.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto niya nakita ko na nag-aayos siya ng damit niya. Oh.. umalis ba 'to kanina?

" Umalis ka ba? ". Napatingin siya sa akin.

" Hmm.. ". Tapos pinagpatuloy niya na yung pag-aayos.

" Saan ka naman pumunta? Hindi mo man lang sinabi sa akin ". Tumingin ulit siya sa akin.

" May pinuntahan lang kami ng mga kaibigan ko. Sorry.. hindi ko po nasabi sa inyo ". Hay~

" Sa susunod magpapaalam ka muna ha.. ". Nakatingin lang siya sa akin nang seryoso.

" O-opo.. ". Pagkatapos lumabas na ako sa kwarto niya.

Kasama yung mga kaibigan niya? Eh.. bat si Jason lang yung nakita ko kanina? Parang may nangyayari dito na hindi ko alam. Kailangan kong malaman.. kung ano ba yung kailangan kong malaman ngayon.

Back to School.

Erika's POV.

Pasukan nanaman. Parang ang bilis ng araw lunes na agad. Hay~ makapasok na nga baka malate pa ako. Paglabas ko ng bahay namin nagtaka ako b-bat wala si Jason? H-hindi ba siya papasok ngayon? Tsk.. hindi man lang ako sinabihan. Baliw talaga.

Kaya naglakad na lang ako papunta sa bus stop. Nung malapit na ako sa bus stop. May biglang humatak sa braso ko tapos pinasok ako sa loob ng sasakyan. Oh.. my goodness! Pagtingin ko sa gilid ko, my goodness! Si Jason lang pala.

Natatawa pa siya sa ginawa niya. Grabe, kinabahan ako doon kaya binatukan ko si Jason sa ulo.

" Aray bakit?! ". Sabi niya. Nagtanong ka pa talaga ha.

" Sa susunod na ulitin mo ulit yun. Mayayari ka na talaga sa akin. Nakakakaba kaya! ". Tapos tumawa ulit siya. Argh! Nababaliw nanaman tong boyfriend ko.

" Dito na lang kita hinantay. Kasi baka kapag nakita ako ng Papa mo baka kung ano pa yung isipin nun ". Ah.. yun pala.

" Wag kang mag-alala. Ipapakilala din kita sa Papa ko ". Nanlaki bigla yung mga mata ni Jason nang dahil sa sinabi ko.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon