You're Not My Friend

621 16 0
                                    

Erika's POV.

Last class. Buong oras.. nakatulala lang ako. H-hindi ko maiwasang hindi isipin yung mga sinabi ni Hiro. Layuan ko siya.. paano ko gagawin yun? Paano ko gagawin.. yun? Eh halos araw-araw gusto ko siyang makausap, makita, at lapitan.

Paano? Please sabihin mo sa akin Hiro. Paano kita iiwasan? Ngayon na sinasabi ng puso ko na hindi dapat ako sumuko. Dahan-dahan akong lumingon kay Hiro. Pagtingin ko sa kanya, nahuli ko siya na nakatingin din sa akin pero agad siyang umiwas ng tingin sa akin.

A-ayaw niya talaga akong titigan ng tapatan. Hindi niya ako kayang tagalan. Pero.. hindi, hindi talaga ako susuko Hiro. Hindi kita susukuan Hiro. Lahat gagawin ko para magkaayos tayong dalawa. Pero ngayon.. pababayaan muna kita alam ko kailangan mo ng oras para mapag-isa.

Kaya dahan-dahan na akong umiwas ng tingin kay Hiro. Woo.. kaya mo 'to Erika. Walang sukuan, wala!

Uwian na. Nauna na ako lumabas ng school. Hindi ko na hinantay sina Lea at Sassy. Gusto ko na kasing umuwi eh. Seryoso lang akong naglalakad nang bigla kong mapansin na parang may sumusunod sa akin. Agad akong huminto sa paglalakad at agad akong lumingon sa likod ko.

Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si Jason na nasa likod ko. A-anong ginagawa naman nito? Tsk. Wala akong pakealam sayo. Pagkakita ko kay Jason, agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya at pinagpatuloy ko na yung paglalakad ko.

Pero.. may sumusunod talaga sa likod ko eh. Hay~ ano nanaman ba ang kailangan ng Jason na 'to? Grr. Naiinis nanaman ako. Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya agad ko ng hinarap si Jason. Nabigla naman siya at agad siyang umiwas ng tingin sa akin.

" Bat ba sunod ka ng sunod? ". Nakakainis ka nanaman ha!

" Ano?! Hindi kita sinundan jan ha. Wag kang feeler! ". Wow!

" Sira! Hindi kita kaibigan kaya wag kang lalapit sa akin ". Kahit kailan hindi kita magiging kaibigan.

" Tsk. Sinabi ko bang kaibigan mo ako. Tumabi ka nga jan dadaan ako ". Agad niya akong tinulak at naglakad na siya palayo.

Aaaaahhhhh! Naiinis na talaga ako sayo Jason! Agad akong naglakad nang mabilis. Masasapak ko 'to ng wla sa oras eh. Nakakainis talaga siya!

Jason's POV.

Sa loob ng kwarto ko.

Tahimik lang akong nakaupo sa kama ko habang seryoso akong nagco-computer. Wala namang bagong post sa Facebook ko. Paulit-ulit lang. Yung ibang mga babae naman paulit-ulit lang yung itsura sa mga selfies nila. Nakakaumay.. yak!

Napatulala ako nung maisip na tingnan yung Facebook ni Erika. Tama.. titingnan ko lang nman eh. Agad kong tinype yung pangalan ni Erika sa search. Hanggang sa makita ko na yung Facebook niya. Wow! Sa timeline niya ang daming nagpaparamdam na mga lalaki.

Madami ngang nagkakagusto sa kanya. Kahit na.. masungit na babae si Erika. Napatigil ako sa isang picture ni Erika. N-napakasimple lang niya sa picture na 'to. Tsk. Kaya ang daming mga lalaking nagkakagusto dito eh. Biglang tumibok nang mabilis na mabilis yung puso ko.

Uy! Ano 'to?! Ano tong nararamdaman ko?! H-hindi ako pwedeng magkagusto jan sa babaeng yan! Hindi ko type yan. P-pangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng yan. Yan nga yung kinaiinisan ko eh.

Hindi ko magugustuhan yan. Yak! Kadiri tsaka tingin ko hindi kami bagay. Hindi ako magkakagusto sayo! Hinding-hindi, never! Never! Never! NEVER!

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon