Kinabukasan.
Jason's POV.
Maaga akong pumasok ngayon. Parati naman ako maagang pumapasok. Kahit kailan hindi pa ako nalalate. Pero ngayon napaaga ata ako nang sobra. Napakatahimik pa sa school pagpasok ko kaya naisipan kong tumambay muna sa rooftop ng school.
Tahimik lang akong nakatayo doon at pinapakiramdaman ko yung hangin. Woo.. napakalamig dito. Giniginaw ako. Napahinto ako nung makita ko si Erika. Oh.. maaga din siya pumasok ngayon. Sakto wala pa si Hiro. Sa akin muna si Erika ngayon lol.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na akong bumaba para puntahan si Erika. Pagbalik ko sa room, nakita ko na nagulat siya nung makita niya ako.
" Good Morning! ". Nanlalaki yung mga mata niya nung tumingin siya sa akin.
" Wag ka ngang ganyan! Nakakagulat ka. Ang aga mo ha, nasipagan ka ata pumasok ngayon ". Sabi niya habang inaayos niya yung mga gamit niya. Unti-unti akong napangiti habang tinititigan ko siya.
" Kasi.. alam ko makikita kita eh ". Napahinto si Erika at dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Hala! Ano yung nasabi ko?!
" A-anong sabi mo? ". Ako naman ngayon yung nanlaki ng mata. Ano ba tong nasabi mo Jason?!
" Sabi ko! Masama bang pumasok nang maaga? Pumasok ako.. para matulog ". Agad akong umupo sa upuan ko at hiniga ko yung ulo ko sa desk ko.
Erika's POV.
Siraulo talaga 'to. Ang aga-aga pumasok tapos matutulog lang. Mas tahimik ba dito kaysa sa bahay nila? Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko. Dahan-dahan na akong umupo sa upuan ko at hiniga ko din yung ulo ko sa desk ko.
Pagkatapos dahan-dahan akong tumingin kay Jason. Napatitig ako sa kanya nang matagal na matagal. Nabigla na lang ako nung unti-unti akong ngumiti habang tinititigan ko siya. Hala! Ano tong nangyayari sa akin?! Pagkatapos agad akong tumayo.
Napabangon naman siya nung tumayo ako.
" Oh.. anong nangyari sayo? May nakita kang multo? ". Tsk.. sira ka talaga kahit kailan.
" Samahan mo ako. Doon tayo sa library ". Bigla siyang ngumiti nang dahil sa sinabi ko.
" A-anong gagawin natin sa library? ". Hay~ nasisiraan nanaman siya nang ulo. Agad kong binatukan yung ulo niya.
" Hoy! Tigil-tigilan mo ako sa mga pinag-iisip mo ha. Samahan mo lang ako. Maaga pa naman, kung gusto mo doon mo na lang ipagpatuloy yang pagtulog mo ". Nginitian niya ulit ako.
" Ok.. sabi mo eh. Halikana ". Pagkatapos sabay na kaming lumabas sa classroom at naglakad papunta sa library.
Pagdating namin sa library, grabe parang mga lima o tatlo pa lang yung tao doon. Napaaga nga talaga ako ng pasok ngayon. Tsk.. hayaan mo na. Tahimik akong naghahanap ng librong babasahin. Tapos si Jason, wow! Naghahanap din.
Ayun! yun yung gusto kong basahin. Pero.. nakalagay sa taas. H-hindi ko maabot. Alam kong matangkad ako pero.. hindi ko talaga abot. Nabigla na lang ako nung may isang kamay na lumitaw at kinuha yung librong gusto kong basahin.
Agad akong humarap. Pagharap ko, nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si Jason. Grabe, ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Sira talaga tong si Jason. Patitig ko sa mga mata ni Jason. Biglang tumibok ng mabilis na mabilis yung puso ko.
Hala! Ano tong nararamdaman ko?! Agad akong lumayo kay Jason. Pagkatapos humarap ulit ako sa kanya para kunin yung libro.
" T-thank you.. ". Nginitian niya ako. Pagkatapos sabay na kaming magkatabing umupo.

BINABASA MO ANG
Same | LizQuen
FanficMukhang nakahanap na ako ng katapat ko... Characters: - Enrique Gil as Jason Walls - Liza Soberano as Erika Marco - Oh Sehun as Hiro Park Others - Mr. Ian Marco, father of Erika - Mrs. Hannah Walls, mother of Jason - Lea, friend of Erika - Sassy, fr...