Kinabukasan.
Jason's POV.
Aaahhh.. ang ganda ng paggising ko ngayon. Hay~ masaya din pala kasama si Ashley. Akala maarte yun, yun pala kabaliktaran siya ni Erika. Pero may pagkasiraulo din kagaya ko. Kaya kami naging close agad. Kailangan ko nang bumangon para maaga ako makapasok sa school.
Erika's POV.
Nagpahatid ako sa driver namin papunta sa school. Ewan ko ba, natatamad akong maglakad eh. Tsaka.. baka makasalubong ko pa sina Ashley at Jason sa paglalakad. Pagdating namin sa school, agad na akong lumabas sa sasakyan at naglakad papasok sa school.
Pagpasok ko sa school, napahinto ako sa paglalakad nung harangan ni Jason yung daanan ko. Tumingin ako sa kanya at biglang tumibok nang mabilis na mabilis yung puso ko nung makita kong nginitian ako ni Jason. My goodness! Ano ba tong nararamdaman ko?
" Good Morning! ". Nakangiti niya akong binati. Tsk.. galit ako sayo.
Tinarayan ko lang si Jason at naglakad na ako palayo sa kanya. Ayaw kong makita yung pagmumukha mo. Galit ako sayo. Ewan ko kung bakit pero alam ko galit ako sayo. Bleh.. bahala ka sa buhay mo.
Jason's POV.
Oh.. anong nangyari doon? Bumalik nanaman siya sa dating Erika. M-may ginawa ba ako? Wala pa nga akong ginagawang kalokohan sa kanya eh. Yung kasama ko lang naman kahapon si Ashley eh. Ay.. wait, nagseselos ba siya?
Hahahah! Kailangan kong malaman kung nagseselos ba siya.
Classroom.
Pagpasok ko sa classroom. Nakita ko si Erika na masayang nakikipag-usap sa dalawa niyang kaibigan. Tsk.. tingnan ko lang kung magiging masaya pa yan kapag makita niya kami ni Ashley na magkasama. Napangiti tuloy ako. Agad akong naglakad palapit kay Ashley.
" Good Morning Ashley! ". Pagsigaw ko, dahan-dahan akong lumingon kay Erika at nakita ko na napatingin siya sa aming dalawa ni Ashley.
" Oh.. Jason, ang aga natin ngayon ah ". Nakangiti akong umupo sa tabi ni Ashley.
" Syempre, nandito yung inspiration ko eh ". Nginitian ko si Ashley. Pagkatapos dahan-dahan ulit akong tumingin kay Erika. Nakita ko na parang nabadtrip si Erika.
Nagseselos ka ba Erika? Gusto ko lang malaman. Kung nagseselos ka nga. Kasi kung Oo, ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo.
Erika's POV.
Mga Siraulo. Talagang kailangan pang dito sa loob ng classroom maglandian. Grr.. gusto kong lumabas pero malapit nang mag-umpisa yung klase namin eh. Hindi na ako makakalabas pa. Hay naku~
Umayos na kaming lahat nung makita nming dumating na si Sir Alex. Umupo na din si Jason sa totoong upuan niya na nasa tabi ko. Seryoso akong nakikinig sa tinuturo ni Sir Alex. Pero.. eto nanaman hindi ko nanaman mapigilan yung mga mata kong tumingin kay Jason.
Argh.. tumigil ka na nga Erika. Wag ka nang tumingin sa siraulong yan. Wala kang mapapala jan. Paasa kasi yang lalaking yan. Hala! Wait, bat ko nasabi yun? Gusto ko na bang ligawan ako ni Jason?! Hala! Ano na ba tong nangyayari sa akin? Paki-explain nga!
Lunch.
Pumunta na kami nla Lea at Sassy sa canteen. Nagugutom na ako. Ikain ko na lang tong nararamdaman ko. Nagsimula na kaming kumain nila Lea at Sassy. Habang kumakain kami, nakita ko nanamang magkasama sina Jason at Ashley. Grr.. hindi na ba sila mapaghihiwalay?!
BINABASA MO ANG
Same | LizQuen
Fiksi PenggemarMukhang nakahanap na ako ng katapat ko... Characters: - Enrique Gil as Jason Walls - Liza Soberano as Erika Marco - Oh Sehun as Hiro Park Others - Mr. Ian Marco, father of Erika - Mrs. Hannah Walls, mother of Jason - Lea, friend of Erika - Sassy, fr...