Jason's POV.
Kinagabihan.
Sa loob ng kwarto ko.
Seryoso lang akong nakaupo sa kama ko. Nakatulala lang. Nasa utak ko nanaman si Erika. Hindi na talaga siya maalis sa isipan ko. Sige na, sasabihin ko na.. nagugustuhan ko na siya. Hindi ko na natupad yung pangako ko. Pangako ko na hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya.
Dahan-dahan akong humiga sa kama ko. Pero.. paano naman niya ako magugustuhan kung ang laman pa rin ng puso niya ay ang ex niya? Ano ang gagawin ko? Ah.. ipapadama ko na lang sa kanya na wala ng pakealam sa kanya yung ex niya.
Para tumigil na din siya at hindi na siya masaktan pa. Tama.. yun na lang yung gagawin ko.
Erika's POV.
Tahimik lang akong nakahiga sa kama ko. Iniisip ko kung sino yung naninira sa akin? Siguro.. si Ashley yung may gawa nun. Siya lang naman yung may galit sa akin ng sobra-sobra eh. Dahan-dahan akong tumagilid ng paghiga. Pero.. kamusta na kaya ngayon si Hiro?
Dahan-dahan kong kinuha ung cellphone ko at binuksan ko. Nakita ko agad yung picture naming dalawa ni Hiro dati. Dapat ko na bang idelete 'to? Baka kasi.. tuluyan na talaga akong kinalimutan ni Hiro eh. Eto naman ako, parang tanga.. habol pa rin nang habol sa kanya.
Hindi.. hindi ko 'to pwedeng idelete. Nangako ako na.. hindi ako susuko sa kanya. Wala sa pangalan ko ang sumuko kaya.. hindi ako susuko ng ganun-ganun lang.
Kinabukasan.
Maaga akong pumasok sa school. Pagpasok ko.. wala pa si Jason? Malalate ata yung siraulo na uun. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa upuan ko. Pagkatapos umupo na ako. Pag-upo ko agad akong nilapitan nila Lea at Sassy.
" Bes, kalat na sa school. Kalat na sa school na nabubully ka dati kaya naging ganyan yung ugali mo ngayon ". Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi ni Lea. Ano?!
" Siguro.. yung mga galit sayo dito. Yun na ang magiging pang-asar nila sayo ". Bigla akong kinabahan dahil naman sa sinabi ni Sassy.
Nanigas yung buong katawan ko. Hindi ko magawang gumalaw. Nang may marinig akong sumigaw sa labas. " Andito yung mataray na babae na nabubully pala dati kaya naging ganyan yung ugali! ". Nagpaparinig ka pa ha. Sino kasi yung taong nagkalat nun?!
Dahan-dahan akong tumayo at humarap ako sa dalawa kong kaibigan.
" Lea, Sassy.. gusto ko munang mapag-isa. Hayaan niyo muna ako ". Pagkatapos agad na akong lumabas sa classroom namin.
Kailangan kong mag-isip-isip muna. Gusto kong tumambay sa rooftop. Habang naglalakad ako sa corridor ng school. Pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Ano bang meron? Nakakainis na yang mga titig niyo ha. Nang biglang may bumangga sa akin.
Aray! Natumba ako sa sahig. Ang sakit nun ha! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! Agad akong tumingala para tingnan kung sino yung bumangga sa akin. Pero bigla akong nanghina nung makita ko si Ashley. M-mang-aaway lang 'to kailangan ko ng umalis.
Agad akong tumayo. Pero nung maglalakad na ako bigla niyang hinawakan yung kanang braso ko. Bitawan mo ako! Baka kung ano pa ang magawa ko sayo! Nakasimangot akong tumingin kay Ashley at parang nang-aasar pa yung tingin niya sa akin.
" Kawawa ka naman.. kalat na kalat na dito na school kung ano ka dati. Baka.. maulit-ulit yung dating ikaw. Bahala ka na jan.. ". Tinarayan niya ako pagkatapos naglakad na siya palayo.

BINABASA MO ANG
Same | LizQuen
Fiksi PenggemarMukhang nakahanap na ako ng katapat ko... Characters: - Enrique Gil as Jason Walls - Liza Soberano as Erika Marco - Oh Sehun as Hiro Park Others - Mr. Ian Marco, father of Erika - Mrs. Hannah Walls, mother of Jason - Lea, friend of Erika - Sassy, fr...