Not Giving Up

395 11 0
                                    

Erika's POV.

Nakasakay na kami sa bus ni Jason. Wala kaming imikan. Napakatahimik ng paligid. Wala talagang maingay. Hindi ako sanay. Minsan si Jason yung nag-iingay eh. Pero ngayon wala talaga kaya nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan yung mga dinadaanan namin.

Nang biglang hinawakan ni Jason yung kaliwang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Pagtingin ko sa kanya nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya. Tahitahimik lang pala 'to. Pero.. nandodoon pa din yung sweetness niya. Hay~ yan yung gusto ko sayo Jason eh.

Pagkatapos ko siyang nginitian dahan-dahan kong sinandal yung ulo ko sa kanang balikat niya. Mahal ko na talaga si Jason. Mahal na mahal ko na talaga siya..

Pagbaba namin ni Jason sa bus. Bigla akong napahinto sa paglalakad nung tinawag niya ako bigla. Tumingin naman ako sa kanya agad.

" Erika! ". Agad akong lumingon sa kanya.

" Hmm? ". Ano kaya yung sasabihin niya?

" Mauna ka nang umuwi.. may dadaanan pa ako eh ". Huh?

" Hindi mo na ako ihahatid? ". Nginitian niya ako.

" Tsk.. malaki ka na. Kaya mo nang umuwi mag-isa diba? May dadaanan lang talaga ako ". Nakakatampo ka naman.. may problema ka ata eh.

" Jason.. tapatin mo nga ako ok ka lang ba talaga? ". Unti-unting nawala yung ngiti ni Jason sa mukha nang dahil ata sa tanong ko pero ngumiti ulit siya.

" O-Oo naman. Ok lang ako wag kang mag-alala. Sige na mag-ingat ka ha.. ". Seryoso ba 'to?

" Hindi ba pwedeng samahan na lang kita? ". Nginitian nanaman niya ako.

" Wag na.. gagabihin kasi ako eh. Tsaka baka magalit sayo yung Papa mo baka magalit din siya sa akin kapag inuwi kita sa inyo ng gabi na ". Si Papa..

" Ano ba talaga yung sinabi sayo ni Papa? ". Nawala nanaman yung ngiti sa mukha niya.

" Wala.. pinaalala lang niya kung gaano ka kaimportante sa buhay niya ". Pagkatapos nginitian nanaman niya ako.

" Sige na.. kailangan ko nang umuwi. Mag-iingat ka ha ". Nginitian ko na lang siya. Tapos agad na siyang tumalikod.

" Jason! ". Pagtawag ko sa kanya agad naman siyang lumingon sa akin.

" Hmm? ". Niyakap ko si Jason saglit para lang magpaalam.

" Mag-iingat ka din. Basta Jason kung may problema sabihin mo lang sa akin ha.. ". Nginitian nanaman niya ako. Parati na lang akong nginingitian nito. Tsk.. kaya lalo akong naiinlove sayo eh.

Pagkatapos ko siyang yakapin tumalikod na ulit siya kaya dahan-dahan na din akong tumalikod at naglakad na ako palayo sa kanya. Gusto ko siyang samahan pero sabi wag na eh. Baka magalit pa 'to pag nagpumilit ako. Mag-iingat ka Jason ha.

Jason's POV.

Nung napansin kong naglakad na si Erika palayo sa akin. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Palayo na siya nang palayo sa akin. Hay~ ano ba tong nangyayari sa akin? N-nanghihina ako. Pero hindi ko dapat ipakita sayo na nanghihina ako Erika.

Hindi ako gusto ng Papa mo. Pero hindi ibig sabihin nun na susukuan na kita. Dahil hindi.. hindi kita susukuan nang basta-basta lang. Hindi ko kayang mawala ka sa akin Erika. Mababaliw talaga ako kapag mawala ka sa akin. First love pa naman kita..

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon