I'm Sorry

448 12 0
                                    

Hiro's POV.

Mahimbing na mahimbing yung tulog ni Erika. Grabe madami ata tong nainom na alak ngayon dahil lng siguro kay Jason. Hindi siya naging ganito nung nagkahiwalay kaming dalawa eh. Siguro mahal na mahal lang talaga niya si Jason. Mas mahal pa niya si Jason.. kaysa sa akin.

Napahinto ako sa paglalakad nung biglang magsalita si Erika.

" Galit ako sayo.. ". Huh? Galit ka sa akin o kay Jason?

" Galit ako sayo.. Jason ". Ah.. now I know kay Jason ka galit.

" Bat ka naman galit sa kanya? ". Gusto ko lang malaman kung bakit parang umiiwas si Jason sayo.

" Sinaktan mo ako.. nasaktan ako dati eh. Tapos.. masasaktan pa din pala ako ngayon. Galit na galit ako sayo ". A-anong ibig sabihin ni Erika?

" K-kayo pa ba? ". Tanong ko lang naman.

" Bat mo pa tinatanong? Ikaw nga yung nakipaghiwalay sa akin.. diba? ". Wala na nga sila kaya pala nagkakaganito si Erika.

Jason's POV.

Sa totoo lang, naghahantay ako sa tapat ng bahay nila Erika. Gusto kong malaman kung ok ba yung kalagayan ni Erika ngayon. Nung nakita kong dumating na si Hiro kasama si Erika. Agad akong lumapit sa kanya.

" Dapat ikaw yung nagbubuhat sa kanya. Hindi ako.. ". Sabi ni Hiro sa akin.

" Wala na kami.. baka hindi ko pa mapigilan yung sarili ko kapag nakita ko siya ngayon ". Buti naman ok lang si Erika.

" Mahal mo pa siya.. bat mo siya pinakawalan? ". Napatulala ako bigla dahil sa tanong ni Hiro.

" Dahil sa Papa niya.. mas inisip ko yung mga sinabi sa akin ng Papa niya. Baka hindi matupad ni Erika yung mga pangarap niya kung patuloy akong makikisali sa buhay niya.. ". Natawa bigla si Hiro nang dahil sa sinabi ko. Hala may nakakatawa ba doon?

" Tsk.. siraulo ka nga. Kilala ko si Erika. Oo pangarap niyang makapunta sa U.S pero hindi dahil sa mas pinili ka niya hindi na matutupad yung mga pangarap niya sa buhay. Kilala ko 'to.. gagawa at gagawa 'to ng paraan para mamuhay nang mabuti at payapa. Dahil nangako siya.. hinding-hindi siya matutulad sa kwento ng mga magulang niya. Siraulo ka nagpatalo ka.. sinong nasasaktan ngayon? Ikaw.. at si Erika ". Dahan-dahan kong niyuko yung ulo ko. Nahiya ako bigla dahil sa mga sinabi ni Hiro sa akin.

Pagyuko ko agad na naglakad si Hiro palapit sa bahay nila Erika. Nagdoorbell na siya at pinagbuksan naman agad siya ng gate ni Inday.

" Uy Hiro. Oh.. anong nangyari kay Erika? Halikana pumasok ka muna sa loob ". Nakita ko na pumasok na si Hiro sa loob ng bahay nila Erika.

Grabe tinamaan ako sa mga sinabi ni Hiro sa akin ah. Ano ba tong nangyayari sa akin? Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ko pa ba sinaktan si Erika? Grr.. siraulo ka talaga Jason. Wala kang kuwenta.. ikaw yung nakapawalang kuwentang lalaki sa buong mundo.

Ang tanga tanga mo.

Huling araw bago maggraduation.

Erika's POV.

Maaga akong naggising at nag-ayos nang sarili. Grabe masakit pa yung ulo ko nyan. Pero kailangan ko ding pumasok. Last day na ito eh.. kailangan kong pumasok. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko. Lumabas na ako sa kwarto ko.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon