Erika's POV.
Alam ko bukas pagtri-tripan nanaman ako ni Jason. Grabe, mukhang may lumalaban na sa akin sa loob ng school ah. Dati wala naman. Pero nung simula lumipat yang si Jason sa school. Hindi na naging tahimik yung buhay ko my goodness!
Agad akong tumagilid ng paghiga. Nang maisipan kong kunin yung cellphone ko. Pagkakuha ko sa cellphone ko, agad kong binuksan 'to. Napatulala ako bigla nung makita ko yung picture naming dalawa ni Hiro. Yung mga panahon kami pa.
Ang saya-saya pa namin dito. Pero.. nung nagbreak kami, lumungkot na yung buhay ko ulit. Si Hiro lang kasi yung nagpapasaya sa akin nang sobra-sobra. Gusto ko siyang itext.. tawagan. Pero.. ano naman ang sasabihin ko sa kanya?
Hay~ matulog na kaya ako. Para bukas.. full energy ulit ako. Kasi alam ko kakailanganin ko ng lakas para harapin ang gagawing paghihiganti ni Jason.
Kinabukasan.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng classroom. Nabigla ako nung nagkakagulo yung mga kaklase ko sa loob. A-anong nangyayari?! Agad akong pumasok sa loob, nanlaki yung mga mata ko nung makita ko na nakikipagbugbugan si Jason.
Wait! Sino yung kaaway niya?! Agad akong puwesto sa harap. Mas nanlaki yung mga mata ko nung makita ko na si Hiro ang kaaway ni Jason. Duguan na pareho ang mukha ng dalawa. Kailangan ko na silang pigilan.
" Lea! Tawagin mo si Sir Alex! ". Kailangan na silang matigil.
" Hmm. Sassy halika samahan mo ako. Bilisan natin! ". Agad na tumakbo palabas ng classroom sina Lea at Sassy.
Kailangan ko na silang pigilan. Nung tumumba na si Jason, agad kong nilapitan si Hiro. Hinawakan ko siya nang mahigpit na mahigpit. Pero nagpupumiglas siya.
" Hiro! Tama na yan! Hiro! Tama na! Ano ba?! Hiro! ". Tinulak ako ni Hiro at sinugod nanaman niya si Jason. Pinagsasapak ng malakas ni Hiro si Jason sa mukha.
Pero hindi pa rin ako tumigil. Nilapitan ko pa rin si Hiro at hinatak ko siya nang hinatak palayo kay Jason. Pero nagpupumiglas talaga siya.
" Hiro! Ano ba?! Tumigil ka na nga! ". Nabigla ako nung tinulak ako palayo ni Jason at siya naman ang sumugod kay Hiro.
Argh! Bat ba ayaw niyo tumigil?! Ano ba ang pinag-awayan niyong dalawa?! Nung nahawakan na sila ng mga lalaki naming kaklase. Pumagitna na ako sa dalawa.
" Tumigil na kayo! Kanina pa ako sigaw ng sigaw na tumigil na kayo! Tama na! ". Dahan-dahan akong tumingin kay Hiro. Pero umiwas siya ng tingin sa akin. Tapos naglakad na siya palabas ng classroom.
Kailangan kong makausap si Hiro. Paglabas ni Hiro, sinundan ko agad siya.
" Hiro! Hiro! Teka lang! Hiro! ". Ayaw niyang tumigil sa paglalakad kaya hinawakan ko yung kanang braso niya.
Paghawak ko sa kanang braso niya. Napalingon naman siya sa akin. Ano ba yan.. puro dugo na yang mukha mo. Wait, may panyo ako dito pupunasan ko lang. Agad kong kinuha yung panyo ko na nakalagay sa bulsa ng palda ko. Dahan-dahan kong pinunasan yung dugong nasa mukha ni Hiro.
Pero biglang inalis ni Hiro yung kamay ko. Nagulat naman ako doon. Nanglalaki yung mga mata ko nung tumingin ako kay Hiro. G-galit ka ba sa akin?
" Nag-away kami nang dahil sayo ". H-huh?
" Nalaman ng G**ong yun na naging tayo dati. Tapos pinagtri-tripan na niya ako! ". Yun ba yung ganti ni Jason.

BINABASA MO ANG
Same | LizQuen
FanfictionMukhang nakahanap na ako ng katapat ko... Characters: - Enrique Gil as Jason Walls - Liza Soberano as Erika Marco - Oh Sehun as Hiro Park Others - Mr. Ian Marco, father of Erika - Mrs. Hannah Walls, mother of Jason - Lea, friend of Erika - Sassy, fr...