This Can't Be Happening

614 15 0
                                        

Kinagabihan.

Erika's POV.

Tahimik lang akong nakaupo sa upuan sa may dinner area ng bahay namin. Seryoso ako at tulala. Naisip ko kasi yung mga sinabi sa akin kanina ni Jason. Mukhang ewan talaga yun. B-bakit siya nagkagusto sa akin? Eh.. inis na inis nga yun kapag nakikita ako eh.

Siraulo nga siya. Para akong nagising nung biglang tumunog yung cellphone ko kaya agad kong kinuha yung cellphone ko. Oh.. si Jason nagtext.

" May assignment ba tayo? ". - Jason.

" Wala ".

" Ah.. ganun ba. Anong ginagawa mo jan? ". - Jason.

" Nakaupo, wala akong magawa eh. Ikaw? ".

" Nakahiga, gusto mo samahan mo ako ". - Jason. 

Muntikan ko ng matapon yung cellphone ko dahil sa reply ni Jason. Baliw talaga tong lalaking 'to. Nakakainis nanaman. Grr.. nanggigigil nanaman ako sa kanya.

" Leche! Bahala ka na nga sa buhay mo! ".

" Hahahah! Eto naman binibiro lang kita. Geh.. magpahinga ka na. Gabi na baka mapuyat ka pa. Goodnight ". - Jason.

Hay~ nag-iba nanaman yung timpla ng ugali niya.

" Uhm.. goodnight ".

Pagkatapos agad na akong tumayo para pumunta na sa kwarto ko. Pero napahinto ako ng paglalakad nung masalubong ko si Papa. Saglit akong napatingin sa kanya at agad na akong naglakad papunta sa kwarto ko. Pero tinawag niya ako kaya napahinto ulit ako.

" Erika.. ". Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

" Bakit? ". Tapos dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

" Alam kong.. pumunta ka nung araw ng kasal ng Mama mo ". Humarap ako kay Papa.

" Bakit Papa.. papagalitan niyo ako? ". Napatingin sa akin ng seryoso si Papa.

" Hindi mo na kailangan pang puntahan yung Mama mo. Wala na siyang pakealam sayo. Nag-asawa na siya, ang ibig sabihin nun wala na siyang pakealam sa atin ". Tsk.. jan ka nagkakamali Papa.

" Ikaw.. ikaw yung walang pakealam. Sabihin mo nga sa akin Papa. Ni minsan ba naisip mo ako? Hindi. Kasi puro trabaho ang inaatupag nuyo. Dapat ako nga yung mas binibigyan nuyo ng oras kasi.. ako ang Anak niyo. Kayo ang walang pakealam! ". Nabigla ako nung sinampal ako ni Papa.

Argh! Dahan-dahan akong tumingin ulit kay Papa at hindi ko na napigilang umiyak. Nung nakita ako ni Papa parang nagulat pa siya dahil sa pagsampal niya sa akin.

" Anak.. I-I'm sorry.. h-hindi ko sinasadya ". Nung hahawakan sana ni Papa yung braso ko agad na akong pumasok sa loob ng kwarto ko.

Naglock ako sa loob ng kwarto ko. Ayaw kong makita ang Papa ko. First time niyang gawin sa akin yun. Hindi ko nga akalaing magagawa niya akong sampalin. Wala talaga siyang pakealam sa akin. Umiyak ako nang umiyak habang nakahiga ako sa kama ko.

Kailangan ko ng comforter ngayon. Napahinto ako sa pag-iyak nung pumasok si Inday sa loob ng kwarto ko. Agad akong bumangon at tumingin ako sa kanya.

" Erika.. ". Agad na lumapit sa akin si Inday. Paglapit niya sa akin agad ko siyang niyakap nang mahigpit na mahigpit.

Kailangan na kailangan kita ngayon Inday. Salamat andidito ka para.. alagaan ako. Ikaw na lang talaga ang nag-iisang nagmamalasakit sa akin dito sa loob ng bahay. Maraming Salamat Inday.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon