Jealous

563 14 1
                                    

Kinabukasan.

Jason's POV.

Maaga akong pumasok sa school. Pero... parang wala pa akong gana. Ayaw kong maglakad nang mabilis. Kasi mamaya makita ko nanaman sila Hiro at Erika na magkasama na ngayon. Dahan-dahan lang akong naglalakad nang may bumatok sa ulo ko.

Agad naman akong napalingon sa likod ko. Alam kong si Erika yung gumawa nun. Siya lang naman yung parating nangbabatok sa ulo ko eh. Natawa siya nung tumingin ako sa kanya pero ako.. napakaseryoso ng mukha ko, pramis. Walang emotion, nakatingin lang ako kay Erika.

" Oh.. anong nangyari sayo? Para kang namatayan jan ". Seryoso lang akong nakatingin kay Erika. Argh.. gusto kong sabihin sayo na layuan mo na si Hiro, dahil nagseselos na ako.

" Tsk.. tigilan mo muna ako. Wala ako sa mood para makipagbiruan sayo ". Nanlaki yung mga mata niya dahil sa sinabi ko. Pagkatapos naglakad na ako palayo sa kanya.

Dumaan muna ako sa comfort room ng mga lalaki para maghilamos ng mukha. Pagkatapos naglakad na ako papunta sa classroom namin. Pagpasok ko sa loob, napahinto ako nung makita kong masayang nag-uusap sina Erika kasama yung dalawa niyang kaibigan at kasama din nila si Hiro.

Tsk.. masayang-masaya ka ngayon ha. Agad akong naglakad nang mabilis at sinagi ko ng bag si Erika. Napatingin naman siya sa akin kaagad.

" Sorry, sinasadya ko lang ". Pagkatapos umupo na ako sa upuan ko.

Nag-umpisa na yung first class namin. Tahimik lang akong nakaupo at seryosong tinititigan si Erika. Hindi maalis yung mga mata ko sa kanya. Napakaseryoso ng mukha niya kapag nakikinig. Tsk.. gusto kong matulog pero gusto naman ng mga mata kong titigan si Erika.

Pagkatapos ng first class namin. Nakita ko na agad na tumayo si Erika at naglakad siya papunta sa likod. Si.. Hiro nanaman yung pupuntahan niya. Dahan-dahan akong tumingin sa likod. Tsk.. si Hiro nga. Sabay silang dalawang lumabas ng classroom.

Sabay silang kakain sa canteen? Kailangan kong gumawa ng moves. Agad akong tumayo at lumabas sa classroom. Pagdating ko sa canteen. Nakita kong nag-uusap-usap sina Erika kasama yung dalawa niyang kaibigan at pati si Hiro habang kumakain sila.

Nagugutom na ako. Mag-oorder lang ako. Pagkatapos kong mag-order agad akong naglakad papunta sa kanila Erika. Paglapit ko sa kanila, agad akong umupo sa tabi ni Erika. Pag-upo ko, napatigil silang lahat at tumingin sila sa akin.

" Oh.. bakit? Masama bang umupo dito? Wala na akong makitang bakante eh ". Wala na nga..

" Ay Hiro, tikman mo tong siomai nila ang sarap-sarap ". Nung bibigyan na ni Erika si Hiro ng siomai. Agad kong nilagay yung isang siomai na inorder ko sa kutsara ni Hiro.

" Wag mo na yang ibigay, sayo na lang yan. Meron na siya oh. Tikman mo na masarap yan ". Tsk..

Pagkatapos biglang naubo si Erika at agad na kumuha ng tubig si Hiro.

" Erika, eto tubig uminom ka muna.. ". Agad kong kinuha yung tubig na ibibigay sana ni Hiro kay Erika at agad kong ininom yun.

" Aaaaahhhhh.. salamat refreshing sa katawan yun ha ". Bigla nang nainis si Hiro sa akin. Tumayo siya at hinarap niya ako.

" Nang-aasar ka ba?! ". Nakatingin lang ako sa kanya.

" Hiro.. umalis na lang tayo. Tapos na din naman akong kumain. Halikana Lea, Sassy ". Pagkatapos naglakad na sila palayo sa akin. Argh.. ano ba yan?!

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon