So Close

549 12 0
                                    

Jason's POV.

Siguro naman makakaalala na siya. Binigyan ko na siya ng clue. Paganahin mo naman yung utak mo. Dahan-dahang umiwas ng tingin sa akin si Erika. Tsk.. nahihiya na ata 'to ngayon. Natawa na lang ako bigla. Nakakatawa kasi eh..

Agad naman siyang tumingin sa akin. Tapos binatukan niya ako nang malakas na malakas sa ulo. Aray! Ang sakit nun ha.

" Siraulo ka ha! Pinagtri-tripan mo nanaman ba ako?! Tingin mo maniniwala ako sa sinabi mo. Hindi! Maaalala ko din yung mga nangyari kahapon. Kapag naalala ko na ang lahat at kapag hindi totoo yung mga sinabi mo. Yari ka sa akin! ". Hala! Hindi ka pa talaga naniwala ha.

Pagkatapos tumayo na siya at naglakad na siya palayo sa akin. Tsk.. hindi ko na lang siya susundan. Para.. makapag-isip-isip siya. Baka batukan pa ako nyan kapag sinundan ko siya. Totoo naman yung mga sinabi ko eh. Yun naman talaga yung sinabi niya sa akin kahapon eh.

Erika's POV.

Nakabalik na ako sa bahay. Pagpasok ko, sakto nasalubong ko si Papa na palabas na sana. Saglit kong tinititigan si Papa, pagkatapos naglakad na ako palayo sa kanya. Pero napahinto ako nung tinawag niya ako.

" Anak! ". Dahan-dahan akong lumingon kay Papa.

" B-bakit po? ". Nginitian ako ni Papa. Hala, ano kaya yung nakain ni Papa?

" Mauna na ako.. ". N-ngayon lang nagpaalam sa akin si Papa.

" S-sige po, ingat kayo ". Nginitian niya ulit ako. Pagkatapos naglakad na siya palabas ng bahay namin.

Unti-unti nang nagbabago yung ugali ni Papa. Siguro napag-isip-isip na niya na Anak niya ako. Kaya kailangan niya akong ituring na Anak din. Napangiti naman ako doon. Tsk.. bagong buhay, nice.

Napatigil ako nung maalala ko ung sinabi ni Jason sa akin. Argh, totoo ba talaga yung sinabi ni Jason? Wala akong tiwala doon sa siraulong yun eh. Grr.. nakakainis talaga siya kahit kailan. Ang aga-aga nabe-beast-mode nanaman ako.

Nagulat ako nung tinawag ako ni Inday. Ano ba yan! Pabigla-bigla ka Inday.

" Oh! ". Nabigla din si Inday nung napasigaw ako.

" Erika! Ok ka lang? ". Dahan-dahan akong tumingin kay Inday.

" Uhm.. sa susunod naman Aling Inday wag kayong manggugulat ". Natawa si Inday dahil sa sinabi ko. Natawa ka pa talaga ha.

" Sige sige, sorry na. Halikana, pumunta na tayo sa kitchen. Tuturuan na lang kita magluto. Para malibang ka naman ". Napangiti ako sa sinabi ni Inday.

" Ay sige! Kailangan na kailangan ko ding malibang ngayon. Halikana Aling Inday! ". Agad kong hinatak si Inday papunta sa kitchen.

Kailangan na kailangan ko talagang malibang ngayon. Ayaw ko munang isipin yung mga sinabi ni Jason sa akin. Nakakabadtrip lang kapag iisipin ko yun.

Back to School.

Maaga akong pumasok. Ayaw kong malate eh. Seryoso akong naglalakad papasok ng school. Nang may biglang bumangga sa akin. Aray! Sino yun?! Pagtingin ko sa gilid, nabeast-mode ako nung makita ko si Jason. Grr.. ikaw nanaman.

" Ang aga-aga Jason ha! ". Tumatawa siyang humarap sa akin.

" Ano? May naalala ka na? ". My goodness, pinaalala pa niya.. nakalimutan ko na eh.

" Tigil-tigilan mo ako Jason ha. Wala ako sa mood para makipagbiruan sayo ". Biglang binangga ni Jason yung kanang braso ko. Kaya napaatras ako sa kanan.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon