New Classmate

587 14 0
                                    

Erika's POV.

Tapos na yung dalawang araw na bakasyon. Pasukan nanaman hay naku~ Maaga akong pumasok para naman hindi ako malagay ng Secretary namin sa mga late. Tsaka hindi naman ako nala-late eh. Minsan nga ako pa ang nauunang pumasok sa kanilang lahat eh.

Pagpasok ko sa classroom dahan-dahan akong pumunta sa upuan ko at sabay umupo na ako. Tumingin ako sa gilid ko. Nakita ko na natutulog nanaman si Jason. Hay~ kailan ba 'to hindi natulog sa klase. Nag-umpisa na yung first class.

Dumating na si Sir Alex. Sabay-sabay namin siyang binati ng good morning. Tapos binati niya din kami.

" Class may new classmate pala kayo. Halika magpakilala ka na ". New classmate? Sino naman yan?

Oh.. buti na lang babae. Akala ko lalaki nanaman. Wow! Maayos na maayos siya ha. Yung buhok niya napakastraight. Tapos makinis din nang kutis niya kagaya nung akin. Pero.. ako pa din ang sikat dito. Tsk.. sino ba yan?

" Magandang umaga sa inyong lahat. I'm Ashley, and I'm going to be your new classmate. Please be friendly and I will be good to you ". Tsk. Siguro may ugali din 'to.

Pagkatapos pinaupo na siya ni Sir Alex. Sinundan ko siya ng tingin. Nanlaki yung mga mata ko nung umupo siya sa tabi ni Hiro. Hala! Bat ka umupo jan?! Bakante yan bawal umupo jan! Please umalis ka jan. Mas nanlaki yung mga mata ko nung kinamayan siya ni Hiro.

Waaah! Mababaliw ako dito! Grr. Subukan mo lang lapitan nang lapitan yang si Hiro. Malalagot ka sa akin. Akin lang si Hiro!

Jason's POV.

Waaah.. may itsura yung new classmate namin ha. Dahan-dahan akong napatingin kay Erika. Oh.. bat parang badtrip nanaman yung mukha nito. Ano bang meron sa likod? Dahan-dahan akong lumingon sa likod. Natawa na lang ako nung makita ko na nag-uusap sina Hiro at Ashley.

Alam ko na.. nagseselos siya. Hay naku~ ganyan pala magselos si Erika. Galit na galit yung mukha. Magseselos siya eh.. wala na rin naman sila ni Hiro. Grabe, mahal na mahal niya pa din talaga tong si Hiro. Ang gwapo mo Hiro! Bilib na ako sayo!

Lunch na. Yung iba kong mga kaklase ay nagsipaglabasan na sa classroom. Para pumunta ng canteen. Pero.. pagtingin ko sa gilid ko, w-wala bang balak kumain tong si Erika. Nakatingin lang talaga siya sa kanila Hiro at Ashley. Baliw na ata 'to.

" Hoy! ". Agad siyang tumingin sa akin.

" Anong kailangan mo?! ". Hinatak ko si Erika patayo at palabas sa classroom.

Erika's POV.

Oh! Saan ako dadalhin nito?! Hoy! Saan tayo pupunta?! Napahinto ako nung huminto din si Jason. A-anong gagawin natin dito sa basketball court?

" Hay~ kung may plinaplano ka nanaman wag ngayon. Kailangan ko nang umalis ". Wala akong oras para makipag-away sayo Jason.

Pagtalikod ko bigla niya akong hinatak paharap sa kanya.

" Andito tayo kasi nilalayo kita ". Nilalayo saan?!

" Kanino? ". Tumingin kami sa isa't isa nang seryoso.

" Kay Hiro! Nagseselos ka diba? Mas magseselos ka kapag nakikita mo silang dalawa kaya kita dinala dito.. ". Tapos bigla na siyang umupo.

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Jason. Tsk. Minsan pala may magagawang tulong 'to. Dahan-dahan akong umupo sa tabi ni Jason. Hindi kami nagtitinginan at nag-iimikan. Tahimik yung paligid. Nang biglang sumagi sa isipan ko ang closeness nila Ashley at Hiro.

Same | LizQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon