Prologue

593 21 23
                                    

Dedicated to: Princessguitar12


Ito na ang school-action-comedy-fantasy na story ko! Maraming salamat sa pagsagot nito sa Finding Nemo's Sperm! Dahil dyan... sa'yo ang first chap! Enjoy! (^__^)v 

-M


--------/ /--------

Prologue.




Pagkauwi ko sa mula sa school ay agad na pumunta ako sa kwarto ko. Nilapag ang bag ko. Tapos ay pumunta namana ako sa banyo. Nagtanggal ng uniform. Naligo ng mabilis. Nagpalit ng damit. Nang matapos ako ay bumalik na ako sa kwarto ko.

"Tsk. Malalate na ako sa school nito. Kailangan ko nang magmadali." at agad na humarap sa full lenght size mirror. 

"Student Number 1430... First Year. Middle School. Maria Miranda Torres." sabi ko sa full lenght mirror at nilagay ang kanang kamay ko dito. Suot ko ang isang pulseras.

"Clear. Student Code Number MMT-MS1430. " biglang sabi mula sa pulseras na suot ko at nagliwanag ang salamin. Dahan dahan akong pumasok sa salamin. Nakakasilaw man ay naglakad pa din ako. Pagtingin ko ay nasa iba na akong kwarto. Nakatalikod na sa isang full lenght size mirror.

"Nakapasok din." sabi ko at madaling nagpalit ng school uniform ko. Nasa isa akong kwarto. Ang kwarto or dorm room ko dito sa mundong ito.

Ako ngayon ay nasa ibang mundo na. Ang Parallel Planet. Kung sa Earth ay mga normal na tao lang... sa mundong ito... lahat ay may natatanging abilidad. Nahahati din sa limang continental ito. Sa ngayon ay nasa pangatlong continental ako na ang pangalan ay Wielders Country. At ang siyudad kung saan ako nag-aaaral ay tinatawag na Wielders Town. Ang school na pinapasukan ko ay Wielders Academy. Ang tawag sa mga tao dito ay wielders.  

 Inayos ko na ang bag ko pamasok. Nang maka-ayos na ako, ay agad kong tinignan ang sarili ko. Umikot ikot pa ako at siniguro na ayos na ako.

"Ang ganda ganda talaga ng uniform ko!" kinikilig kong sabi. Isang Japanese style ang uniform ko na pang middle school. Nang pagtingin ko naman sa relo ay nanlaki ang mga mata ko. 

"Naku malalate ako. Patay ako kay Ikaru-sensei." at nagmadali na akong umalis at nilock ang dorm room ko.

Tumakbo ako ng pagkabilis bilis. Nang makita ko naman na hindi pa ako malalate ay naglakad na ako. Napatuwid ako ng makita ko si Ikaru-sensei sa may gilid ng school gate. Masungit ito at nakakatakot ang aura nito habang nasa labas at binabantayan ang mga estudyante na pumapasok. Binabati naman ito ng mga pumapasok at sumasagot naman ito.

"Good morning Ikaru-sensei!" masayang bati ko kahit tense na ako.

"Morning." sabi lang nito at agad na pumasok na ako. Nang makapasok ako ay nakita ko sa may entrance ang mga kaibigan ko dito sa Wielders Academy simula nang elementary pa lang ako. Bukod pa doon ay pare pareho kaming galing sa Earth pero magkakaiba nga lang kami ng bansa at lugar.

"Hello Maria! Sanza!" bati sa akin ni Alois. Alois Swartzell.Ang lalaking mula naman sa Germany. Sanza means morning dito.

"Hi Alois! Sanza!" nakangiting bati ko dito.

"Maria! Muntik ka na naman mahuli. Buti at hindi ka malalagot kay Ikaru-sensei." si Sav. Savanna Paige Smith. Isang Americana. 

"Sanza din Sav." nakangiting bati ko dito. "Kaya nga pagod ako kasi ang layo pa ng tinakbo ko."

"Maria. Sanza." bati ni Prospe. Prospero Donato Ramirez Asturias. Isa naman Mexican Guy.

"Sanza Ospe!" Ospe na lang ang tawag ko dito sa haba naman ng pangalan nito.

"Sanza!" bati ng isang babae na yumakap mula sa likod ko. Paglingon ko naman dito ay ningitian ko ito. 

"Sanza Chia." nakangiti kong bati dito. Chiamaka Fofona. Galing naman ito sa Africa.

Siguro nagtataka kayo kung bakit kami nagkakaintindihan gayong galing kami sa iba't-ibang parte ng Earth. Yun ay dahil sa bracelet na suot namin. Kahit ano man ang language namin... magkakaintindihan kami. Dahil automatic na tinatranslate nito ang salita namin sa paraan na magkakaintindihan kami.  Bukod pa dun... matagal na kami dito kaya kahit hindi namin gamit ang bracelet... makakapagsalita pa din kami ng language ng Wielders Country.

"Oo nga pala." sabi ko ng may maalala ako. "Pupunta muna ako sa Board. Kailangan kong malaman kung saang klase ako." at akmang aalis ako ng pigilan ako ni Alois.

"Di na kailangan, Maria. Nakita na namin." 

"Talaga? Saan ako?" 

"Well... this year... magkakasama na naman tayo!" masayang sabi ni Chia. Napangiti naman ako ng malaki. 

"Nice men!" at nakipaghigh five ako sa kanilang lahat.

"Tama na yan. Tara na sa gym at magsisimula na ang opening ceremony." aya agad sa amin ni Sav. Nagsitanguan naman kami at sumunod na dito. 

Ngayon ang opening ceremony namin. First Year middle school na kami ngayon. 

Bagong taon... bagong karanasan... bagong mga tao na makikilala... bagong mga abilidad ang makikita at malalaman...



================

Ya-Hello!

Prologue ng bago kong kwento. At isa po itong school fantasy theme. Sana nagustuhan niyo ang prolugue at supportahan ito!

Maraming thank you!

-M









Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon