Chapter 1

356 9 35
                                    


Chapter 1.

The Wielders and The Types and The Incompletes.



NATAPOS na din ang opening ceremony kaya pumunta na kami sa classroom namin.

"Sanza!" masayang bati ko.

"Sanza! Wow Maria, classmates ulit tayo!"

"Oo nga Ashi. At least may kakilala ako." si Ashi. Classmate ko nung elem.

"Sanza!" sabay-sabay na bati ng iba ko pang friends at nagbatian na kami. Dumating naman ang teacher namin. Agad na nagsiupo naman kami. 

"Sanza Minna!" bati ng teacher namin.

"Sanza Sensei!" sabi namin at tumayo tapos nagbow tapos nun ay umupo na kami.

"Ako nga pala ang magiging homeroom teacher niyo this year. I'm Janik Ayamura. Teaching Wield and Literature Wield. CS Type. I'm your Literature Teacher. Janik-sensei na lang ang itawag niyo sa akin tutal homeroom teacher niyo naman ako." nakangiting sabi nito at kumindat sa amin lahat. Nagsigawan naman ang mga boys. Hindi ko sila masisisi. Mabait at napakaganda ng teacher namin. Mabuti na lang talaga at siya ang homeroom namin. Eh kung si Ikaru-sensei? Baka lagi akong may LBM sa sobrang tensyon ko.

"Janik-sensei... may boyfriend ka na?" tanong agad ng isa.

"Wala." nakangiting sabi nito. At nagsigawan na naman sila. Napailing na lang kaming mga babae. Mga lalaki nga naman.

"Okay Class. Calm down." at nagsitahimik naman sila. Aba ang mga ito... basta maganda, sumusunod agad. "Magpakilala na muna kayo sa inyong mga classmates na magiging kaibigan niyo for this whole school year at sa buong middle school years niyo." at nagpakilala na kami sa isa't-isa. Ang iba naman ay bago at ang iba naman ang mula lang sa ibang section nung elementary pa kami.

"Ngayon nga pala ay magbobotohan tayo kung sino ang male at female Class representatives, Events Representatives na girl and boy din at isang Health Represenative." nagsimula na kaming magelect at botohan. Matapos ang ilang diskusyon namin ay nakapili din kami.

"Hello again everyone. I'm Ashi Kaki. I'm your class representative. I have the Obligation Wield. C Type. I'll do my best. Please take care of me!" sabi ni Ashi. Si Ashi ang napili namin dahil sa Wield nito. Obligation. Gagawin nito ang mga bagay na dapat gawin dahil sa obligasyon na binigay mo sa kanya. At yun nga ang Class Representative na binigay namin.

"I'm Doer Okimura. Another class representative. Responsibility Wield. C Type. Lets get along everyone." Responsibility Wield. Kaya gagawin nito ng buong responsabilidad ang mga kailangan gawin.

"Hi I'm Evans Plasner. Your Event Representative. I have the Planner Wielder. S type. Please take care of me." sabi ni Evans.  Planner Wield. Ang ability na marunong magplano sa mga bagay bagay.

"I'm Olga Prefad. Another Event Representative. I have the Organizer Wield. S Type. Please take care of me too." Organizer Wield. Magaling naman sa pag-oorganize ito.

"I'm Sana Wilson. Health Representative. I have the Cure Wield. H Type. Let's stay healthy!" Cure Wield. Gumagamot sa mga sugat. Nagpalakpakan naman kaming lahat. Nice. Perfect talaga sila para sa mga roles nila. Matapos nun ay nagsibalik na sila sa mga upuan nila.

"Class... kailangan niyo nga palang pumili ng isang club na sasalihan niyo or you can make your own."

"Pwede po kaming gumawa ng club namin?"

"Yes. Basta pasok kayo sa requirements na kailangan para makabuo ng club."

Nagring naman ang bell. 

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon