Chapter 30
Christmas Ball. Valentines. End of school year.
LAHAT kami ay nakaupo. Inaantay na lang ang pagdating ni Janik-sensei.
"Ano kaya ang sasabihin ni Janik-sensei?" tanong ni Ashi.
"Oo nga. Sabi niya may announcement daw siya." segunda pa ni Olga.
"Baka tungkol sa results ng Overall Exams." sabi ni Sav at napatahamik ang lahat dahil sa sinabi nito. Halata na ang kaba sa lahat. Bumukas ang pinto at pumasok si Janik-sensei.
"Sanza!" bati nito at bumati din kami pabalik. Inikot nito ang tingin sa buong klase. "Ohh bakit ganyan ang mga mukha niyo?" natatwang sabi nito.
"Janik-sensei. Pasado ba kaming lahat?" tanong ni Goyle.
"Wala pa yung results niyo." sagot ni Janik-sensei. Lahat naman ay sabay-sabay napabuntong hininga. "At dahil wala pa yun, gusto kong sabihin sa inyo ang tungkol sa isang bagay." sabi nito. Lahat naman kami ay inantay ang sasabihin nito. "Christmas Ball."
"Christmas Ball?" sabay-sabay namin na sabi.
"Yup. Christmas is like a festive sa Earth Wol. As for that, naisip din ng Academy na iadopt ang culture na yun ng Wielders Wol. Pero sa atin, parang ball party siya. Lahat kayo ay dapat nakaformal attire. Like gowns and suit." anunsyo nito. Lahat ay nagbulungan.
"Ang Christmas Ball ay gaganapin dito sa gym. Yun ay para sa all year level ng Middle School. Meron din ang sa High School pero sa gym nila yun gaganapin." sabi nito. "Wait for my announcements kung kailan at anong oras and other details. Class dismissed."
"ANONG isusuot natin sa Christmas Ball?" tanong ni Phar sa amin. Lahat naman kami ay nag-angat ng tingin dito.
"Oo nga pala. Malapit na yun ha." komento ni Ospe. Ang Christmas Ball ay parang Christmas Party na din para sa buong level. Pero ayun lang, mga formal attire ang gagawin.
"Hindi ko pa alam anong isusuot ko. First time kasi natin." kabadong sabi ni Chia. Noong elementary kasi kami, may Christmas Party lang kami pero bawat klase lang yun. Ito daw na Christmas Ball ay para sa buong Middle School. Meron din naman ang para sa High School.
"Nasabi ko na sa mga magulang ko. Sila na daw bahala para sa suit naming mga lalaki." sabi ni Alois na abala sa parte nito sa clubroom at may kinukumpuni na hindi namin alam ano.
"Ayy weh? Di nga, Alois?" tanong ni Ospe at napatayo pa talaga.
"Oo nga. Nakita na naman kayo ng mga magulang ko. Pati na din si Phar. Kaya sila na daw ang bahala." walang tingin na sabi nito.
"Hala! Talaga? Pati ako, may suit?" di makapaniwalang sabi ni Phar.
"Well kung gusto moi gown, ayos lang din, Phar. Tutal Princess ka naman ehh." pang-aasar ni Ospe na agad na binatukan ni Phar ito.
"Paano kaya ako?" mahinang sabi ko.
"Wag niyo na isipin yung para sa ating girls. Ako na ang bahala doon." nakangiting sabi ni Sav. Agad na tumingin kami ni Chia dito.
"Talaga, Sav?"
"Oo. Knowing my parents, for sure pag sinabi ko na ang about sa attire, maghahanda na yun ng para sa lahat. Pero since si Alois ang bahala sa boys, ako na ang bahala sa girls." boluntarya nito. Niyakap naman namin ni Chia ito.
"Thank you, Sav!" sabay pa namin sabi.
NAGKIKISLAPAN ang paligid dahil sa mga ilaw na nagkalat sa paligid. May mga magagandang disenyo din ang nakadekorasyon sa lugar. Pagpasok sa loob ng gym, laglag ang panga namin. Namangha kami sa ganda. Hindi na siya mukhang gym, mukha na siyang isang hall sa isang palasyo. Madaming pagkain, mga inumin na pwede para sa amin, mga iba-ibang gowns at mga nakasuit at lahat ay nakaayos maging ang mga guro namin.
BINABASA MO ANG
Wielders Academy. (The Other Side)
FantasyWielders Academy. (The Other Side) Academy for people who are given supernatural ability and talents. People with such ability are called Wielders. Many can pefectly control their ability. Who can wield their ability completely. But unfortunately...